CHAPTER 33

343 16 0
                                    

SHERRIA OLIVE MORTE

I feel bad for myself... I hate myself... I pity myself... I don't like myself...

I hate everything about me.

Palagi nalang ako may nasasaktan sa bawat ginagawa ko. Lahat nalang ng mga desisyong ginagawa ko ay hindi pwedeng hindi makasakit sa iba. Hindi rin ako nag-iisip ng maayos at basta nalang binubuhos ang galit ko sa iba.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Palagi nalang ako nagmamarunong at hindi iniisip ang pwedeng maging kalabasan ng isang pangyayari.

At mas lalong naiinis ako sa sarili ko dahil lagi kong pinagsisisihan ang isang bagay kahit alam ko namang sinadya kong mangyari ito.

Nakaupo lang ako sa isang sulok sa tabi dito sa pamamahay ng lalaking nagngangalang Azalure. Isa siyang malapit na kaibigan ni Captain kumbaga magkaibigan na sila mula pagkabata.

Maliit at mukhang komportable namang tignan ang loob ng pamamahay nila. Gawa ang buong bahay mula sa kahoy kaya hindi ito masyadong masisira. Mag-isa lang daw si Azalure ngayon gawa ng ang mga magulang niya ay mga manlalakbay at wala ang mga ito ngayon.

"Nasaan pala si Nariah? Hindi niyo kasama?" Kuryosong tanong niya habang nakakunot ang
noo.

Taka ko siyang tinignan. "How do you know her?" Tanong ko. Nakapunta na ba si Nariah dito at parang kilalang-kilala siya ng lalaking ito.

"Ah! Hindi mo ba alam? Minsan na siyang dinala ni Rai dito, hindi nga lang sila tumagal ng isang araw dito. Sayang. Tsaka ilang taon narin ang nakakalipas no'n nung una at huling punta ni Nariah dito." Tugon niya.

"Si Captain ba hindi mo itatanong sa'min?" Ani Verto na may nakapaskil na mapang-asar na mukha.

Umasim bigla ang mukha ni Azalure at ngumiwi kay Verto. "Hindi na kailangan."

"Kumusta naman 'yon?" Pagtutukoy niya kay Captain. Ngumiti si Verto. "Buhay pa naman at maayos. Pero tulad ng dati, masungit parin."

"Kailan pa hindi naging masungit 'yon."

"Kapag nasa paligid si Nariah." Sagot ni Verto.

Palihim akong tumawa at sumang-ayon sa sinabi ni Verto. Totoo naman, hindi 'yon masyadong masungit kapag nasa paligid si Nariah pero kapag wala ay dinaig niya pa ang babaeng may dalaw sa katarayan.

"Tch, may kukunin lang ako. Dito muna kayo ah. Huwag kayong magsira ng mga gamit sa bahay ko. Ang mamahal pa ng mga 'yan." Pamamaalam niya. Napairap ako sa kaniyang sinabi at ngumiwi. Kung may masira man kami ay kaya naman naming bayaran iyon.

Lumingon ako sa aking likuran at kanina ko pa napapansin ang balisadong mukha ni Sterm. Kanina pa siya hindi mapakali at pabalik-balik ang tingin sa bintana.

Kanina pa ako nagtataka sa mga kinikilos niya. Nung dumating naman kami kanina ay maayos siya pero nung lumabas lang siya saglit ng bahay ay pagkabalik niya ay nakakapanibago ang mga kinikilos niya.

Unti-unti akong lumapit at tumabi sa kaniyang tabi. Tumingin siya saglit sa'kin pero umiwas agad siya ng tingin. Tinignan ko ang nanginginig niyang mga kamay na pilit niyang tinatago sa kaniyang likod. Kinuha ko ito at hinaplos-haplos, naramdaman ko ang dahan-dahang pagtigil ng panginginig nito.

Kumalma na ata siya.

"May problema ba?" Malumanay kong tanong.

Nakayuko lang ako at pinagmamasdan ang mga mahahaba niyang daliri. Napangiti ako ng makita kong suot niya ang singsing nung kasal namin.

Huminga siya ng malalim at umiling sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Ayoko ng nagsisinungaling, Sterm." May pagkaseryosong sabi ko.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon