MIRA HERENA SHONEL
Nandito ako ngayon sa library ng Akademya upang maghanap ng mapaglilibangan. Nabobored lang kasi ako do'n sa opisina naming mga miyembro ng Council kaya napagdesisyonan kong maghanap nalang ng mababasa rito sa Lumen. May mga sarili rin namang mundo ang iba sa mga kasamahan ko.
Napahawak ako sa aking batok at hinilot ito ng konti. Nangalay ako sa paghahanap ng mababasa lalo na't matataas ang mga bookshelf rito sa library. Ako lang ata pati narin ang library ang nandirito sa lugar na ito. Bihira nalang naman kasi ang mga estudyanteng mahilig magbasa ng libro sa kapahunan ngayon.
Iniurong ko paatras ang upuan tsaka ako umupo rito. Nilapag ko ang tatlong librong nakakuha ng atensyon ko saka pinagmasdan ang mga ito. Ano kaya ang una kong babasahin?
Sa huli ay napagdesisyonan kong basahin ang unang libro na nakakuha ng aking atensyon. Ang librong ito ay tungkol sa mga taong umiibig at humaharap sa isang malaking pagsubok. Nakuha nito ang atensiyon ko gawa ng ang librong ito ay nagpopokus sa pag-ibig sa mga taong may pagkakaiba isa't isa.
Masyado na ba akong naging mapakla pagdating sa pag-ibig? O marahil ay hindi pa ako handang kaharapin ang mga pagsubok na sa tingin ko ay kakaharapin ko sa oras na pumasok ako sa pagnonobyo.
"You are my sunshine.. my only sunshine..."
Kumunot ang aking noo dahil sa narinig at tumingin-tingin sa paligid. Kaninong boses naman iyon? Aaminin kong maganda sa pandinig ko ang pagkanta pero parang pamilyar sa akin ang boses na iyon. Maisip ko palang kung kaninong boses iyon ay napapangiwi na ako. Paniguradong pamilyar talaga ako sa kumakanta!
"You make me happy.. when skies are gray..." malalim ang boses ng kumakantang ito at ramdam ko ang pagkabaritono nito. I find the voice addictive kaya napapikit nalang ako at pinakinggan muli ang kanta.
"You'll never know dear.. how much I love you..." ramdam ko ang palapit nitong mga yapak dahilan para maging palakas ng palakas ang naririnig kong boses nito. Napasinghap ako nang may maramdaman akong hininga malapit sa aking tenga o sabihin na nating nasa may leeg ko ito.
"Please don't take my sunshine away..." tuluyan ko ng nabuga ang hanging kanina ko pa iniipon sa aking sarili, napahawak pa ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Shit! My heart is beating fast as hell!
"Do you like my song?" Napamaang ako ng makita ko si Perry sa aking harapan. Halos kaunti nalang ang pagitan ng aming mukha at parang maduduling na ako rito kaya naman ay agad kong tinulak ang kaniyang mukha palayo sa akin dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"What the fuck are you doing here?" Iritadong tanong ko sa kaniya na ikinanguso niya. "Really? Matapos kitang kantahan ganyan agad 'yung pambungad mong tanong? Ayaw mo pang aminin nagustuhan mo rin naman."
Napabuga ako ng hangin. "Hah! Sino namang nagsabing nagustuhan ko 'yang kanta mo? Ni wala nga 'yang pamana kay—"
Hindi ko na tuloy ang aking sasabihin nang mawala ang mapang-asar niyang ngiti sa labi.
"Kay Sterm?" Pagtutuloy niya. Napatikom ako ng bibig at napaiwas ng tingin. Sarkatisko siyang tumawa at padabog na umupo sa upuan kaharap ko.
"You still haven't move on, are you?" Seryoso niyang tanong na ikinatalim ko ng tingin sa kaniya. "What makes you say that?" Iritado kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...