SHERRIA OLIVE MORTE
Napabilang ako sa grupong puro seryoso. Hindi ko alam kung ako nasa isip ni Nariah at dito pa talaga ako nilagay sa grupong napakatahimik.
Si Captain, Herkus, at Shean ang kasama ko ngayon dito sa Aarshin. Maraming mga memorya nanaman ang naalala ko sa lugar na ito. Nakakamiss rin pala ang lumaban noh?
Hindi tulad ng dati, mas humina na ang katawan ko ngayon. Malakas pa ang mahikang taglay ko pero ang katawan ko ay mahina na. Hindi na ako pwede sa labanan pero pwede naman akong manggamot ng may mga malulubhang sugat.
I can be their healer along with Kiraiyah.
Mapapanis na ata ang laway ko rito. Napakatahimik! Kanina pa kami naglalakad at heto ako at sunod ng sunod. Hindi rin alam kung saan pupunta.
"Uhm, Captain? Naliligaw ba tayo?" Pagbasag ko sa katahimikan. Tumingin si Herkus at sinenyasan akong huwag maingay. "Why?" Iritado kong tanong pero hindi naman ako sinagot.
Ugh! I hate it here!
"Sa tingin mo papayag pa silang makipag-alliance sa'tin? Eh halos durog sila nung nakaraang event. Tsaka paniguradong may mga trabaho na ang mga iyon kaya ano pang silbi?" Tumigil ako sa paglalakad at sumimangot sa kanila.
"Like Cretorven, Aarshin also have a councils members." Ani Shean. "We're not here just for alliance. We're also here because they might help us in finding clues on how to open Nariah's memento."
"Yes, he's right. Malilimutan narin naman siguro nila ang nangyari nung nakaraang taon. Sadyang malalakas kasi tayo saka wala ring dineklarang panalo sa palarong iyon. Ang daya nga e, hindi man lang ako nakalaban." Reklamo ni Herkus. Unbelievable! Anong makakalimutan? Sa tingin ba nila ay malilimutan ng mga taong iyon ang ginawa naming pang-iinsulto sa mga miyembro nila? Oh god! Why I am actually here?!
"Hindi ba't kuya mo Shean ang isa sa mga miyembro ng Sub Clanners?" Kuryosong tanong ko. Tinignan niya lang ako at tinanguan. "Bati na ba kayo? Tsaka teka nga!" Humarang ako sa harapan nila. "Bakit hindi si Kiraiyah ang kasama niyo rito?! Hindi ba't dating estudyante siya ng Solar Academy? Mas madali natin silang makukumbinsi kung kasama natin si Kiraiyah!"
Nakwento kasi sa'min ni Kiraiyah na dati pala siyang estudyante ng Solar Academy at dati rin siyang leader ng Sub Clanners pero dahil narin siguro sa pagiging powerless niya due to her curse ay natanggal agad siya sa posisyong iyon.
"Nariah is the one who decided the teams. We can't do anything about it." Shean lazily said. Napabuga nalang ako ng hangin at sumabay sa kanilang paglalakad. Wala narin naman akong magagawa.
***
Sa wakas ay nakarating na kami ngayon sa harap ng gate ng hideout nila. Kami na ang nag-adjust, nakakahiya naman kasi sa kanila.
Ngayon ay kinakausap ni Captain ang isang kawal na sa tingin ko ay may mataas na posisyon. Sobrang sakit na ng mga paa ko! Wala kasing tigil sa paglalakad ang ginawa namin kanina.
Tumingin sa pwesto namin si Captain at tinanguan kami, senyales na pwede kami makapasok. Mabuti naman at hindi naging pahirapan ang pagpasok namin sa hideout nila.
Bumukas na ang malaking tarangkahan at bumungad sa'min ang mala-palasyong hideout nila. Napakataas nito at ang garbo tignan, talagang napakayaman nga ng mga taga-Aarshin. Nakakasilaw ang mala-palasyong hideout nila, puro kasi nagliliwanag ang mga palamuti nito.
"Talaga bang ito ang kanilang main office?" Bulong ko kay Herkus. Tumingin siya sa'kin at nagkibit-balikat. "Looks like," sagot niya.
Halos mabali na ang aking leeg dahil kanina pa ako lumilingon sa sobrang paghanga sa paligid. May mas ikagaganda pa pala ito! Nakakamangha naman kasi talaga ang buong paligid! Sino kaya ang nagdisenyo ng mga ito? I would like to meet that person!
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...