CHAPTER 21

372 27 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Nabuga ko ang aking iniinom sa katabi kong si Perry. "Fuck! Si Captain 'yan?" 'Di ko makapaniwalang tanong.

Agad akong binatukan ni Perry na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. "Inaano ba kita?!" Gigil kong tanong rito.

"Shit! Dinuraan mo ako sa mukha e! Sinong hindi magagalit ron?" Pinunasan niya ng padabog ang kaniyang mukha.

"Hoy hindi dura 'yon! Buga kasi 'yon buga! Nabugahan lang kita hindi naduraan!" Depensa ko sa aking sarili.

Laglag panga niya akong tinignan. "Baliw! Ano bang pinagkaiba ng dalawang iyon? Parehas lang naman 'yong tumatalsik ah!" Aniya.

"Magkaiba kasi 'yon! Magkaiba! Yung dura ibig sabihin sinadya! Yung buga ibig sabihin hindi sinasadya!" Sigaw ko pa rito. "Parehas parin 'yon!" Sigaw niya pabalik.

"Che! Basta magkaiba 'yon." Iritadong sambit ko.

"Tumahimik na nga kayong dalawa! Kanina pa kayo nagsisigawan magkalapit lang naman kayo! Aish!" Naiinis na suway sa'min ni Mira.

Napatikom nalang ako ng bibig at sumimangot. Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah! Dinedepensahan ko lang naman 'yung punto ko.

Tumayo si Perry at mabilis na nagtungo kay Captain. Nanlaki ang aking mata ng yakapin niya ito at tumalon-talon pa.

"Ikaw na ba 'yan Captain?! Gago ang tagal mong nawala! Ang daming naging ganap rito nung wala ka! Tsaka bakit ka ba kasi nawala? Gago ka talaga, hays." Mangiyak-iyak na sambit ni Perry. Napangiwi nalang ako at hindi makapaniwalang umiling.

This man...

"Glad you're back, Raiko." Bati rito ni Shean saka tinapik ang braso nito. "You look baddass." Puri pa nito. Tinanguan lang siya ni Captain, hindi parin natatanggal yung walang emosyon niyang mukha.

Ano pa nga ba maasahan ko sa isang ito?

"Where is she?" Malamig niyang tanong.

Sabay kaming napatingin sa kaniya at ngumisi.

"Sinong she?" Mapang-asar na tanong ni Perry. "Wala kaming kilalang she," singit ko naman. Ngumiti ng nakakaloko si Shean. "Hindi kami tanungan ng nawawalang tao."

"I'm very serious here..." napalunok kaagad ako ng wala sa oras dahil sa paraan ng pananalita niya. Sabi ko nga seryoso siya, kailan ba nakipagbiruan ang isang ito?

Umiling-iling si Perry. "Sa tagal mong nawala sa tingin mo hahanapin ka pa ni Nariah? Nako Captain! May bago na si Nariah, hindi na ikaw!"

Napakagat ako ng labi at pinipigilang matawa. Sige lang, ituloy mo lang Perry. Humanda ka nalang talaga mamaya kay Nariah. Maghanda ka ng irarason mo.

"Perry's right. Do you know that our Master is back? Nariah and him is always together, they always eat together and work together." Pakikisabay sa trip ni Mira. Gumawa pa nga ng kuwento ang babaeng ito.

Napailing nalang ako. Basta ako hindi ako makikisama. Baka ako pa ang managot.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Captain. Hala kayo, ginagalit niyo. Huwag mong sabihing nauto nila itong si Captain?

"Sa tagal mong wala, talagang makakahanap ng bago si Nariah. Ayan kasi, may paalis-alis pa! Tiyak na galit iyon sa'yo ngayon."

"Just tell me where is she or else..." pagbabanta niya. Wala pa sanang balak sila Perry sabihin kay Captain pero sa huli ay sinamahan namin siya.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon