VERTO LYNARD BELMONIA
"Tama ba 'tong dinaraanan natin?" Tanong ni Sterm habang may hawak na mapa. Lumapit sa kaniya si Kiraiyah at inusisa ang mapa. "Nasa tamang daan naman po tayo naglalakad pero bakit parang pabalik-balik lang tayo?"
"Pinagloloko lang ata tayo eh!" Inis na sambit ni Sterm. Lumingon ako sa paligid at pinagmasdan ito. Puro puno lamang ang nakikita ko wala ng iba pero bakit hindi kami makaalis sa kakahuyan? Dalawang oras na ata kami naglalakad-lakad rito pero hanggang ngayon wala parin akong nakikitang labasan.
"Calm down, Sterm. We should walk again." Kalmadong saad ni Mira. Napabuga nalang ng hangin si Sterm at nauna ng maglakad. "Isa pang paglalakad natin tapos naligaw ulit tayo. Wala akong choice kundi sirain ang lugar na ito."
Puro mga puno at mga kakaibang halaman ang nandito sa paligid. Paano kaya kung kasama namin ngayon si Arlvena? Paniguradong hindi kami maliligaw ngayon at puro kaingayan niya lang ang maririnig namin.
Ngumiti ako ng mapait. She's gone now. Maayos ka naman siguro diyan ngayon, Arlvena. Are you happy in there?
Kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa ni Mira. May nangyari kaya kung bakit parang wala siya sa tamang pag-iisip ngayon? Mira is always prim and proper. She's always look prideful pero ngayon ay parang kabaligtaran ng mga ito ang nakikita ko sa kaniya ngayon.
"We're not here just to get weapons right? We're also here to investigate Arlvena's death." Wika ni Sterm. Napakuyom ako ng kamay, pilit tinatago ang labis na galit na aking nararamdaman.
I want to know the truth about her death. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakahanap ng rason kung bakit siya. Bakit siya pa?
Naglakad na ulit kami, wala na ulit nagbalak magsalita kaya hindi masyadong awkward sa pakiramdam. Imbis na si Mira ang maglead ng daan sa'min, si Kiraiyah ngayon ang nag-guide dahil nasa hulihan si Mira. Wala nanaman sa sarili.
Tumigil kami sa paglalakad ng mapansin namin ang pagkatigil ni Kiraiyah. Humarap siya sa'min. Fear and doubt is what I see in her eyes right now.
"S-Sa tingin niyo po ba ay masasagot na ang mga katanungan sa isip natin? Sa tingin niyo po ba ay mananalo tayo laban sa kanila?"
Umiwas ako ng tingin. Kahit ako ay hindi alam ang isasagot. Hindi ko na alam kung matatapos pa ang lahat ng mga ito. Hindi ko alam kung anong magiging kakalabasan ng ginagawa namin ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan magtatapos ang buhay ko. Hindi ko na alam. Wala na akong maramdaman pa.
Para nalang akong isang tao na ang tanging nararamdaman nalang ay ang pagkaulila. Para bang wala ng kabuluhan ang buhay ko ngayon, na para bang anuman ang mangyari sa'kin ay tanggap ko na. Without Arlvena, I feel empty.
Nakakapagod rin ang maghanap ng mga bagay na pagkaabalahan para lang malimutan ang sakit at hinagpis na tunay kong nararamdaman. Wala na akong mahanap na rason para ipagpatuloy pa ang lahat pero heto ako ngayon at sumasabay nalang sa daloy ng mga pangyayari. Buhay nga ako pero wala na sa'kin ang taong nagbibigay sa'kin ng rason para manatili. She left me without even saying goodbye.
Napakahirap mawalan ng dahilan na ipagpatuloy ang aking buhay. Yung tipong hindi mo na alam ang gagawin mo bawat gising mo sa umaga. Mararamdaman mo nalang na ibang-iba na ngayon. Marami na ang pinagbago ng lahat, nakakapanibago sa pakiramdam. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ang tanging magagawa ko nalang ay ang magpatuloy at maghanap ng ibang bagay na pagkakaabalahan, makaiwas lang sa reyalidad.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...