MIRA HERENA SHONEL
Today is her burial, my bestfriend's burial.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Masyadong mabilis, napakabilis naman siyang kunin ng Bathala sa amin. Napakaaga niyang nawala.
Parang nung nakaraang linggo ay kausap ko pa siya. Kaya ba puro mga kakaibang salita ang lumalabas sa bibig niya dahil alam niyang mamatay na siya? Kaya ba siya nagpaalam sa akin ng mas maaga para hindi ako masyadong masaktan kapag tuluyan na nga siyang nawala?
Alam niya bang pinapatay na niya ako sa sakit dahil sa pag-iwan niya sa'min? Ang daya-daya niya! Hindi man lang siya nagsabi ng mga problema niya—na may mali na pala nung araw na pumunta siya ng hospital.
Bakit hindi siya nagsabi sa'kin? Sobrang daya niya para iwanan akong luhaan!
Tuluyan na akong namanhid dahil sa sakit ng pagkawala niya, ng pagkamatay ni Arlvena.
Pinilit kong huwag umiyak sa harapan ng kabaong niya. Iyon naman diba ang sinabi niya? Na kung sakaling mamatay man siya ay huwag ko siyang pagluksaan. Kailangan kong ipakitang matatag ako at kaya ko ang sarili ko kahit mag-isa nalang ako.
The petals of the flowers dropped on her lifeless body, which was laying on the cold coffin. Butterflies flutter elegantly in the air, encircling her cold body. Last but not least, a flower wreath was placed on her head, she looks so beautiful. She was sleeping well... Even though she knew she would never wake up.
Arlvena, my bestfriend, has left me and is now sleeping peacefully for eternity.
Tinupad ko ang mga kagustuhan niya kung sakaling mamatay man siya. Kaming magkakaibigan ang nag-ayos ng kaniyang burol. Habang ang kaniyang ina at kapatid ay nagluluksa sa kaniyang pagkamatay. Hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan niyang mamatay.
Hindi pa namin makausap ng maayos si Verto. Palagi nalang siyang nakatulala minsan pa nga ay lumuluha nalang siya ng biglaan. Nangungulila siya kay Arlvena.
Mariin akong pumikit at sinandal ang aking sarili sa upuan. Napamulat ako nang may humatak sa aking damit. Bumungad sa akin si Serene na nakatingin sa akin.
"Why, little girl?" Malumanay kong tanong sa kaniya. Napanguso siya at kuryosong tumingin sa kabaong ni Arlvena. "Why is she sleeping? Why people here wear black? Why are we here? Why are they crying?" sunod-sunod niyang tanong.
Napatikom ako ng bibig at tanging pagngiti lang ng malungkot ang iginawad kong sagot sa kaniya. She's too young to understand the situation.
"Nandito ka na pala, Kiraiyah." Rinig kong sambit ni Sherria. Napalingon naman ako sa aking likod.
Matamlay ang kaniyang mga mata at para ring pumayat ang katawan nito. Kumunot ang aking noo ng mapansin ko na parang may nagbago sa kaniya.
Nakapusod siya ng buhok ngayon habang nakasuot naman siya ng itim na off shoulder dress na ang haba ay 'di umaabot sa tuhod.
Tinignan ko si Vera at nagtaka ako ng makita itong namumutla habang nakatingin sa lantad na likod ni Kiraiyah. Ano kayang nangyayari sa babaeng ito?
Mabilis siyang lumapit kay Kiraiyah at mabilis itong pinatalikod. Nagulat naman si Kiraiyah sa inasta nito pero tinikom nalang niya ang kaniyang bibig.
THIRD PERSON
Napatulala na lamang si Vera nang tuluyan niya ng makita ang tatoo sa likod ni Kiraiyah. Ang tattoo na nasa likod ni Kiraiyah ay isang parang hugis ahas. Ganoong marka rin ang nakita ni Vera sa gilid ng tiyan ni Arlvena at naalala niya ring may isang tao rin ang may ganitong marka.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...