CHAPTER 07

443 27 0
                                    

ARLVENA ZERIDA TURLEN

"Hello my mama!" Pasigaw kong bati habang pumapasok sa aming bahay.

Kasama ko ngayon si Nariah at Verto. Sinadya kong yayain si Nariah dahil baka mantsansing itong si Verto sa'kin, mahirap na.

"Oh my dear! You're here!" Patakbong pumunta sa direksyon ko si ina at dinamba ako ng yakap na ikinatawa ko. Hinaplos-haplos niya ang aking buhok at inaamoy ang aking buhok. Napanguso naman ako dahil rito.

"Ma, 'di na ako bata tsaka parang kailan lang naman tayo nagkita." Kinamot ko ang aking ulo at sumimangot na tinignan siya.

Napa-aray ako nang batukan niya ako. "Anong parang kailan lang tayo nagkita? Hoy Zerida nung kasal niyo pa ni Verto nung huli nating kita at nung dalawang taon pa ang nakakalipas iyon! Pagkatapos ng kasal niyo hindi kana ulit bumisita rito. Aba-aba!" Nakapameywang niyang sermon habang ako ay nakanguso lang.

"Sabi ko nga," bulong ko sa aking sarili pero mukhang nakaabot pa ata sa pandinig niya.

"May sinasabi ka?" Taas-kilay niyang tanong pero nginitian ko nalang siya ng matamis at napakamot sa ulo. "Wala po!"

Napalingon siya sa likod ko at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang mga kasama ko.

"Hala ka! Nandito pala ang asawa at ang head council. Bakit ngayon ko lang kayo napansin? Halika pumasok kayo rito at huwag na kayong mahiya sa'min." Saad niya at iginaya ang dalawang kasamahan ko sa aming sala.

Nagserve ang aking ina ng juice at ng mga cookies na sa tingin ko ay gawa niya. Kukuha na sana ako ng cookies ng samaan ako ng tingin ng aking ina kaya naman ay napahalukipkip ako at sumimangot.

Parang hindi anak ah!

"So, anong pinunta niyo rito Verto?" Panimulang tanong ni ina. Napatikhim si Verto habang si Nariah naman ay umiinom ng juice.

"Gusto lang po namin kayo bisitahin—"

Naputol ang sasabihin ni Verto ng tumayo si Nariah at nagsalita.

"We're here because we want to gather informations about Reballious." Malamig niyang wika na ikinataas ng mga balahibo ko.

Napakagat ako ng ibabang labi at kinalikot ang aking mga darili. Familiar sa'kin ngayon ang aurang bumabalot kay Nariah. Malamig at puno ng awtoridad kapareho ng kay Captain.

Nakasuot ngayon si Nariah ng black long sleeve turtle neck top na pinaresan niya ng wide leg black pants. Naka low-bun ang kaniyang buhok at kahit ngayon ay wala parin akong nababakas na make-up sa kaniyang mukha. Napakaganda naman talaga kasi ni Nariah, ni hindi ko nga mapagkumpara ang kagandahan niya sa ibang babae.

"Reballious?" Paniniguradong tanong ng aking ina. "Yes." Maikling sagot ni Nariah.

Biglang sumeryeso ang aking ina kaya naman ay parehong napaayos kami ng upo ni Verto at inabangan ang sasabihin niya.

"Reballious... they are the one who attacked us 21 years ago. Isa sa mga miyembro ng Council ang nagtraydor at iyon ay ang dating head council. At isa sa dating miyembro ng Origin Clanners ang nagtraydor sa amin." Naalerto ako bigla dahil sa huli niyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin ma?" Tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa amin at hindi parin natatanggal ang seryosong emosyon sa kabiyang mukha.

"Ibig kong sabihin ay isa sa mga dating miyembro ang nagtraydor sa amin. At ang pagtatraydor na iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilan sa aming mga kasamahan."

"Who is it then?" Verto asked.

"I can't tell you, I mean even if I know I will never tell it to you. Ligtas akong nakaalis sa isla ng Cristoire noon kaya hindi ko na nalaman kung sino ang nagtraydor. Sinabi lang sa akin iyon ni Relaigh pero hindi ko na natanong kung sino." Paliwanag niya.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon