CHAPTER 30

352 18 2
                                    

STERM VICK LIGHT

Kasabay ng pagpapatumba ko sa isang goblin ay siya namang pagkabasag ng kung ano sa paligid. Hindi ko maanigan masyado ang kapaligiran dahil sa madilim na at gabi na.

Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa'kin ang mga nawawala kong kasama kanina pa.

"W-What did just happened?" Utal na tanong ni Verto. Dahan-dahan akong umiling sa kaniya. "H-Hindi ko rin alam..."

Parehas kaming napatingin sa dalawang babaeng hinihingal at pinagpapawisan.

"Kayo na bang dalawa 'yan?" Hinihingal na tanong ni Mira sa'min ni Verto. "Yes, it's us."

"Good," aniya.

"So someone trapped us here, huh? They made it looked like a forest. In short, it's ambush."

"Pero bakit naman nila tayong kailangang i-ambush dito? Huwag mong sabihing totoong nagbabalik na talaga ang dark clanners?" Tanong ko. Tumingin si Verto sa'kin saka tumango.

"They're really back."

What the hell? Hindi talaga sila sumusuko ano? Ibig sabihin lang no'n ay hindi ang pagkabagsak ng mga dark generals ang makakatalo sa kanila. Kundi ang Reballious mismo.

"Gabi na pala? Oh saan tayo matutulog ngayon?" Nakasimangot na tanong ni Verto.

"Anong bayan ang pinakamalapit sa lugar na 'to?" Tanong ni Mira. Napaisip ako at tinignan ang buong paligid, tinalasan ko rin ang aking paningin at sinubukang maghanap ng bakanteng bahay na matutuluyan namin. Ginamit ko rin ang pang-amoy ko baka sakaling may maamoy akong tao at pwedeng mahingan ng tulong.

Kusang bumagsak ang aking balikat ng wala akong maanigan na kung ano. Bigo akong tumingin sa kanila saka umiling.

"Damn, we're doomed. Saan tayo ngayon tutuloy? Malalim na ang gabi at paniguradong maraming halimaw ang nakakalat ngayon." Sabi ni Verto sabay tingin kay Kiraiyah na natutulog ngayon sa balikat ni Mira.

"Kaya mo pa bang mag-mind linking sa team nila Nariah?" Tanong ko kay Verto. "Halos nagamit ko na ang lahat ng kapangyarihan ko kakalaban sa mga goblin na iyon kaya paniguradong hindi ko magagawang makipagmind-link sa kanila lalo na't malayo pa ang lokasyon nila sa atin."

Napaupo nalang ako sa isang tabi at sinuklay ang aking buhok. Ano nang gagawin namin?

"Kaya niyo pa bang mag-survive ng isang araw na walang pagkain at ligo?"

Ngumiwi ako. "Hindi ko ata kakayanin pero magtiis nalang tayo. Maghanap tayo ng maari nating pagtulugan at bukas na tayo maghanap ng matutuluyan at ng pagkain."

"Pero baka bukas ay wala na tayong lakas para makahanap pa ng makakain."

"Wala na tayong magagawa kundi ang kumain ng dahon. Malagyan lang ng laman ang mga tiyan natin."

Bakit nga ba kasi kami hindi nagdala ng pagkain sa misyon edi sana hindi kami naghihirap ngayon. Nakakatakot pa naman sa ganitong lugar lalo na't madilim na.

Sa huli ay nakahanap kami ng maliit na kweba sapat na para sa'ming apat. Pinanlatag namin ang mga malalaking dahon na nakita namin at ginawang unan ang mga braso. Nawala kasi ang mga dala-dala naming bag.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon