CHAPTER 28

363 23 2
                                    

KIRAIYAH JULIA VERCANTES

Tumatakbo akong mag-isa sa lugar na hindi ko alam. Napahiwalay ako kina kuya Sterm, ako nalang mag-isa ang kanina pa tumatakbo pero mukhang pabalik-balik lang ako.

Namamanhid na ang mga paa ko kakatakbo pero hindi ko magawang tumigil. Dahil pakiramdam ko ay kapag tumigil ako ay marerealize ko nanamang nagpapabalik-balik ako sa parehas na lugar. Gusto ko ng makaalis at makita sila kuya Verto.

Hindi ko kayang mag-isa.

Napatingin ako sa bracelet na binigay sa'kin ni Ate Arlvena bago siya mawala. Hinawakan ko ito ng mahigpit at hinalikan.

"Please guide me, ate." mahinang bulong ko.

Hindi ko namalayan na may nakaharang palang sanga sa dinadaanan ko kaya naman ay nadapa ako at napasubsob ang mukha sa lupa. Napapikit ako ng mariin at napaaray ng palihim. Bakit ba kasi napakamalas ko ngayon?

Naiiyak kong tinignan ang braso at mga binti ko na may mga sugat at nagdudugo pa. Dala ko ba ang mga potion ko? Tinukod ko ang aking mga kamay bilang suporta sa aking pagtayo. Tsaka ko lang nalaman na, na kay kuya Sterm pala ang mga potion ko. Nagboluntaryo kasi siyang buhatin ang mga dala ko kanina.

Kumuha nalang ako ng matibay na kahoy na nakakalat sa damuhan at ginawa ito bilang pagsuporta ko sa paglalakad. Hindi kaya ng paa ko ang tumayo, tumama kasi ito sa matigas na bagay. Baka nafracture ang buto ko sa paa.

Napangiwi ako sa sakit. Nakita kong unti-unti na itong nagvi-violet, mukhang lalala pa ito.

Tinignan ko ang buong lugar. Panigurado akong ito rin ang lugar na pinanggalingan ko kanina. Pero bakit kanina pa ako nagpapabalik-balik sa parehas na lugar? May mahika ba ang lugar na ito?

Bigo akong umupo at bumuga ng hangin. Walang silbi kung iikutin ko nanaman ang lugar. Tiyak kong dito rin ang bagsak ko kung ganoon.

Nasaan na kaya ang iba pa?

Naging alerto ako nang bigla na lamang lumiwanag ang aking harapan ngunit pandalian lamang ito. Nagulat ako ng may lumitaw na mga halimaw at pinaliligiran nila ako. Napakagat ako ng labi at bakas sa aking mukha ang takot na nadarama.

Anong ginagawa ng mga goblin dito?

Wala akong kapangyarihan at isa pa injured ang isang paa ko. Paano ko malalabanan ang mga ito?

Napapikit ako ng susugod na sana ang isang goblin sa'kin ngunit hindi ito natuloy ng may lumipad na malaking pamaypay at dumaan ito sa leeg ng goblin dahilan para mapugutan ito ng ulo. Nanlalaki ang aking mga mata lalo na't tumalsik sa aking mukha ang malagkit nitong dugo. Hindi ako makakilos, gulat parin ako sa nasaksihan.

Lumingon ako sa aking likuran at doon ay nakita ko si Ate Mira na hinihingal habang nakatingin sa mga goblin. Mabilis na pumausdos sa kaniya ang kaniyang pamaypay na madali niya lang nasambot.

"Are you okay?!" Taranta niyang tanong habang elegante niyang iniiwasan ang mga goblin na umaatake sa kaniya ng sabay-sabay. Nanginginig na tumango ako at nagpasalamat sa kaniya.

"Tsk, damn these goblins. Saan ba nanggaling ang mga ito?!" Iritado niyang reklamo habang pinagsisipa niya sa tiyan ang mga kalaban. Hinawakan niya ang ulo ng isang goblin saka ito binalibag at pagkatapos ay tinapakan niya ng malakas ang mukha nito ng ilang beses.

Ang brutal tignan.

She slams her hand into the stomach of the goblin then lifts the creature. The creature winced in pain. She smiled as she brought it down for the last strike.

Binuksan niya ang kaniyang pamaypay saka ito binato ng paikot sa mga kalaban. Nagsilabasan ang mga matutulis na karayom mula sa pamaypay at sabay-sabay itong nagsitama sa mga noo ng mga goblins. Napasinghap ako ng unti-unti itong bumaon sa mga noo ng mga kalaban at maya-maya lamang ay magkakasabay itong bumagsak.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon