CHAPTER 25

359 22 4
                                    

PERRY LUHAN FENRIAL

Ininform kami ni Verto tungkol sa mga impormasyong nakuha nila sa misyon nila. Kaya heto ako ngayon at tamad na naghahanap ng mga clues.

Bakit ba kasi ako nasama? Imbis na natutulog sana ako ngayon, heto ako at nagsesearch ng kung ano-ano.

Nasasayang lang ang kagwapuhan ko sa mga ganitong bagay.

Nakatambay kaming tatlo nina Vera at Nariah sa library dito sa basement ng Council. Ako pa talaga ang pinili nilang isama sa dalawang ito. Tsaka ano naman ang gagawin ko rito? Magbabasa ng magbabasa? Eh sa tamad pa naman akong magbasa.

"You're frowning, Perry. Is there something wrong?" Taas-kilay na tanong ni Nariah. Napaayos ako ng tayo at pilit na ngumiti sa kaniya. Sabi ko nga maghahanap na.

"A-Ahh wala naman!" Ani ko.

Pagkatalikod ko ay sumimangot ako at padabog na kumuha ng libro. Pero sa 'di inaasahan ay bigla na lamang nagsibagsakan ang mga libro na tumama pa sa ulo ko.

Gago ang sakit non!

Mabilis na lumapit si Nariah at Vera pero imbis na tulungan ako ay nakatingin lang sila sa'kin! Anong tinutunganga ng dalawang 'to?

"Hala! Ayan sige, tatanga-tanga ka pa ha!"

Agad kong sinamaan ng tingin si Vera. Wow mahiya naman ako sa kaniya. "Wala ba kayong balak na tulungan ako?" Nakasimangot kong tanong.

Nagtingininan silang dalawa saka tumingin sa'kin at umiling. "Wala," sabay nilang sagot pagkatapos ay bumalik ulit sila sa ginagawa nila. Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa inasta nila. Mga traydor sila! Hindi man lang ako tinulungan!

Napangiwi ako ng tignan ako ng masama ng librarian. Diko naman kasalanan eh! Ang sama!

Wala akong magawa kundi ang ayusin isa-isa ang mga libro at ilagay sa kaninang lagayan nito. Ang dami pa namang nahulog, baka abutin ako ng ilang oras sa pag-aayos. Wala pa naman akong mahikang makakatulong sa pag-ayos ng mga libro baka imbis na malagay sila sa mga puwesto nila ay masunog pa.

Napunta ang atensyon ko sa isang libro na nakalagay lang sa isang sulok, para bang hindi pa ito nagagalaw. Kinuha ko ito at hinipan, grabe naman yung alikabok. Napaubo tuloy ako ng wala sa oras.

Nagsalubong ang aking kilay sa nabasa.

'UNKNOWN'

Unknown? As in unknown? Bakit naman ganito ang title ng librong ito? Tsaka sino naman kaya ang nagsulat nito?

"Tulala ka ata diyan?" Lumapit si Vera sa'kin at tinignan ang hawak na libro. "Ano daw? Unknown? Title ba talaga 'yan ng libro?" Tanong niya. "Hindi ko rin alam," sagot ko.

"Sino sumulat?" Vera asked. I shrugged because even I, don't know who wrote it. Wala kasing nakalagay. Ano 'yon pamysterious ang peg nung writer nito?

"Nariah halika rito! Perry just discovered a mysterious book!" May pa-english pa talaga.

Kunot-noong lumapit si Nariah sa'min at tinignan rin ang libro. "Unknown?" Basa niya sa libro. "Can you open it?" Tumango ako at binuksan ang libro. Nagtaka ako ng puro blanko lang naman ang nakikita ko sa papel.

"Walang nakasulat," sabi ko. "Malamang puro blangko 'yan." Pilosopong sagot ni Vera. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.

"Palibhasa kasi wala si Shean," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"May narinig ka?"

"Oo! Kaya nga kita tinatanong eh!"

"May narinig ka naman pala eh bakit mo pa tinatanong sa'kin?"

"Hindi ko kasi narinig ng maayos!"

"Bingi ka kasi!"

"W-What! Ako? Bingi? Sapakin kita diyan!"

"Edi gawin mo? Oh hindi mo magawa?"

"Shut up! You're so loud! May ginagawa tayo ngayon kaya pwede ba? Magsitigil kayo! Ako ang nabibingi sa inyong dalawa." Saway sa'min ni Nariah. Inirapan ako ni Vera habang ako ay dinilaan siya.

"Geez, why do I have to be with these two?" Rinig naming reklamo ni Nariah.

"I-consult kaya natin sa librarian? Tutal matagal narin naman siya ditong nagtatrabaho diba?" Suhestiyon ni Vera na ikinatango namin. May utak pa pala siya.

Katulad nga ng pinagplanuhan. Pinatingin namin yung libro sa masungit na librarian at nagulat kami sa mga sinabi nito.

"Natatandaan kong si Relaigh ang nagpatago ng libro na ito sa akin kaya paano niyo ito nakita?" Saad nung Librarian.

"Relaigh? You mean the former origin clanners? 'Yung asawa ni tita Haruka?"

"Ibig sabihin po ba ay siya ang sumulat ng librong ito?" Takang tanong ko na ikinatango niya bigla. "Hala 'di nga?! Pero bakit puro blangko lang laman ng librong ito tanda?" Dagdag ko pang tanong.

"Huwag mo nga akong matawag-tawag na tanda! May pangalan ako!" Iritado niyang sambit.

"Eh sa ano ba ang pangalan mo tanda?"

"Huwag mo nga sabi akong tawaging tanda! Melissa ang pangalan ko! Melissa!" Ito namang si tanda grabe ang init ng ulo. Stress ba ito ngayon? May pinagdadaanan kaya siya ngayon? Kawawa naman. May pamilya na kaya siya?

"Wala akong pamilya. Wala akong balak mag-asawa, iho." Sagot niya na para bang narinig niya kung ano ang nasa utak ko. Hala ka! Nasabi ko ba ng malakas?

"Ang dugo ng anak ni Relaigh lamang ang makakapaglitaw ng mga sulat sa librong ito."

Bale ang dugo ni Captain o kaya ni Keiro ang makakapagpalitaw ng mga letra sa librong ito. Pero bakit naman kakailanganin ng dugo ng anak ni Relaigh? May mahalaga bang impormasyon ang nakalagay rito?

"Dahil malaki ang tiwala ni Relaigh sa kaniyang mga anak. Malaki ang paniniwala niyang hindi mapupunta sa masama ang kaniyang mga anak. Dugo ng kaniyang anak ang kinakailangan para mabuksan ang librong ito. Ibig sabihin lang nito ay ang librong ito ay para sa kaniyang mga anak."

"Pero bakit kailangan pang itago?" Tanong ni Vera. Mariing tumingin sa'min si tanda. "Dahil siguro may iba pang importanteng bagay ang nakapaloob sa librong iyan." Sambit niya na ikinatingin naming tatlo sa isa't-isa.

"Raiko and the others is in Aarshin right now. We have no choice but to convince Keiro."

Ay oo nga pala. May tatlong team na ginawa si Nariah. 'Di ko nga alam kung sinasadya niyang ihiwalay sa'kin si Mira. Sila Captain, Sherria, Herkus, at Shean ang magkakasama papuntang Aarshin para kumbinsihin ang ibang mga taga-Academy para sa 'Alliance' kuno na gagawin. Sila Sterm, Mira, Verto, at Kiraiyah ay lilibutin ang buong mga bayan sa Cretorven para makakuha ng kung anong maitutulong sa padarating na digmaan. Habang kami naman nila Nariah at Vera ay nanatili rito sa basement ng Council para malaman ang buong pangyayari ilang taon na ang nakakalipas.

Nakakasiguro na kasi si Nariah na may sisiklab ulit na panibagong digmaan laban sa mga Reballious na iyon. Nagpapakita na kasi ng mga senyales ang mga ito. Hindi pa nga ako masyadong handa sa paparating na digmaan lalo na't hindi pa natutuklasan kung sino nga ba ang traydor sa grupo.

Hahayaan nalang ba namin ang mga iyon? 'Di bale na. We just need to focus on finding clues.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon