CHAPTER 12

369 24 0
                                    

THIRD PERSON

Ilang araw narin ang nakalipas nang magpatawag ng pagtitipon si Nariah.

Nitong mga nakaraang araw ay parang mas lumala ang iwasang nangyayari sa pagitan ng bawat miyembro. Hindi parin nag-uusap ang mga ito, para bang nagpapanggap ang mga ito na para bang hindi sila magkakakilala.

Sa isang banda naman ay nakapuwesto si Mira sa malaking field ng Lumen. Sinadyang dito muna magparito gawa ng nakakasakal ang tensyon sa mansyon nila.

Nagbabasa ito ng libro ng mapayapa nang biglang lumitaw sa harapan niya si Arlvena. Agad na napahawak sa dibdib si Mira marahil dahil sa gulat at agad sinamaan ng tingin si Arlvena na ikinapeace sign lang nito.

"You startled me!" Iritadong wika sa kaniya ni Mira. Ngumiti lang si Arlvena sa kaniya saka ito umupo sa tabi niya.

"Sorry, hehe." Paghingi ng tawad nito habang kinakamot ang batok.

"Apology accepted." Ngiting saad ni Mira bago binalik ang tingin sa librong binabasa. Nakangusong tumingin si Arlvena rito bago sumandal sa bench na kanilang kinauupuan.

"Is there a problem?" Tanong ni Mira habang ang atensyon ay nasa libro parin.

Napabuntong-hininga nalang si Arlvena at umiling. "Wala naman." Sagot nito.

"Then, why do you have that look in your face?" Taas-kilay na tanong ni Mira.

Marahang napatawa si Arlvena. "Trip ko lang, hehe." Walang kwentang sagot nito.

"I'm your friend, you can tell me if there's something bothering you. I will listen."

"But not all, Mira. There is also something that I can't say to you."

"It's okay for me then. I know you have a reasonable reason why you can't tell it to me." Aniya habang nakatingin ng diretso sa mga berdeng mata ni Arlvena.

Tumingin ng diretso si Arlvena sa field kung saan may mga estudyanteng naglalakad at nagkakasiyahan, mayroon ding mga nag-aaral.

"Mira.. what if I die?" Biglaang tanong ni Arlvena na kaagad ikinasara ng libro ni Mira.

"The fuck are you saying?"

Matamlay namang napatawa si Arlvena at kaagad na umiling. "What if lang naman, pero paano nga kung namatay ako? Anong mangyayari? May magbabago ba?"

Seryosong tumingin sa kaniya si Mira. "Oo, maraming magbabago. Maraming malulungkot at maraming maghihinagpis kung sakali mang mamatay ka. Ikaw ang nagbibigay-kulay sa grupo namin. Ikaw ang nagsisilbing lakas namin kaya baka ay hindi namin kayanin kung mawawala ka ng biglaan sa'min."

"Edi kayanin niyo, kayanin niyo hindi dahil kailangan niyong gawin, kayanin niyo para sa magiging kinabukasan ninyo. Hindi naman permanente ang buhay ng bawat tao, hindi mo alam kung kailan ka itinakdang mamatay. Hindi mo rin alam kung hanggang kailan ka magtatagal sa mundong ito. Everything is unpredictable in life, you'll never know what is coming ahead. We don't know who will gonna die first or die last." Seryosong sambit ni Arlvena.

Takang tumingin sa kaniya si Mira. Nagtataka ito dahil sa mga weirdong lumalabas sa bibig nito. Hindi niya maintindihan ang kaibigan.

"Mira, when I die. I want to be buried next to nature..."

Napakagat ng ibabang labi si Mira. Hindi niya alam pero parang nakakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. "W-Why?"

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon