CHAPTER 20

389 22 0
                                    

MIRA HERENA SHONEL

"T-Teka teka! 'Di nga? Ikaw yung master namin?" Humarap si Perry saka siya tinuro. "May master ba dapat tayo? Hindi pa ba sapat ang Captain para sa grupo natin?" Dagdag pa niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. Ito na nga ba napapala ng taong hindi nakikinig sa klase. Pinaliwanag na sa'min ang kahalagahan ng isang Master sa Origin Clanners. Ang Master ang taga-gabay sa grupo, siya ang magiging daan namin para masolusyonan namin ang mga problema. Siya rin ang tutulong sa'min na mapalakas lalo ang aming kapangyarihan at kaalam pagdating sa labanan.

So, this man is our Master? Matagal-tagal rin bago siya nagpakita. Bakit nga ba ngayon lang siya nagpakita kung kailan malalaki na kami at may mga malalaking bagay na ginagampanan?

"You're here, huh? We don't need a Master now, nahuli ka na ng dating." Malamig kong sabi sa lalaking nasa harapan namin.

Hindi na namin siya kailangan. Kaya na namin ang mga sarili namin, malalaki na kami.

"Wow, it hurts. As what the rumor said, you have a sharp tongue, Mira Herena." Nakangiting aniya. Seryoso lang akong tumingin sa kaniya. "Wala akong oras makipagbiruan sayo. Bakit ka pa nandito? Saka ka dumating kung kailan malala na ang sitwasyon. Dapat nga 'di ka na nagpakita sa'min, hindi ka na namin kailangan."

Wala akong pakialam kung nasaktan man siya sa sinabi ko. Noong mga panahong pumunta kami ng isla ng Cristoire na kami-kami lang kahit hindi namin alam kung anong mangyayari sa'min, nasaan siya? Noong mga panahong halos mamatay na kami laban sa mga Dark Generals, nasaan siya? Noong mga panahong muntik ng magkaroon ng digmaan dahil sa mga miyembro ng Sinnerellian, nasaan siya? Nasaan siya nung mga panahong sukong-suko na kami? Nasaan siya nung mga panahong kailangan namin ng taga-gabay?

Wala, kahit sa mga panahong iyon ay wala siya. Ano pa bang silbi niya ngayon?

Sa halos lahat ng nangyari sa'min sa buong buhay namin, mga sarili lang namin ang kinailangan namin. Ngayong mas lumala na ang sitwasyon, kami narin naman ang maghahanap ng solusyon sa gulong ito. Kami na lang naman palagi.

"We don't need a Master like you. Get out here before I kill you." Banta ko sa kaniya. Halata namang nagulat si Vera sa inasta ko kaya taka siyang tumingin sa'kin.

Hinarang niya ang sarili niya kay Hiroshi at umiling-iling sa'kin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Mira? Master natin siya dapat nirerespeto mo siya! Mabuti nga at nagpakita siya e! Makakatulong siya sa'tin." Saad nito.

Pagak akong tumawa at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Respeto? Hindi siya nararapat na respetuhin, Vera. At anong sinabi mo? Siya?" Tinuro ko ang lalaking nasa likod niya. "Siya makakatulong sa'tin? Nagpapatawa ka ba, Vera? Lumitaw ang taong 'yan kung kailan magulo at malala na ang sitwasyon! Nagpakita siya kung kailan huli na ang lahat! Hindi naman natin siya kailangan e, kaya natin ang mga sarili natin—kinaya nga natin yung mga nangyari sa'tin dati ng tayo-tayo lang."

Tumalim ang tingin ko. "Ang Master ang dapat tutulong sa'tin at gagabay sa'tin! Ang Master din ang dapat na tutulong sa'tin magpalakas ng ating mga kapangyarihan at magkaroon ng maraming kaalaman sa mundong ito! Siya rin dapat ang magbibigay sa'tin ng lakas kapag sukong-suko na tayo at hindi na natin kayang humarap pa sa reyalidad! Siya dapat ang magbibigay sa'tin ng mga payo para mapalakas ang loob natin. Pero nasaan siya? Nasaan siya nung mga panahong kailangan natin ang lahat ng iyon? Nasaan siya nung mga panahong kahit mga bata palang tayo ay sinubok na nila tayo sa totoong reyalidad ng mundong ito! Wala diba? Wala siya nung mga panahong iyon! Wala siya!"

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking pisngi. 'Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. "Tapos magpapakita lang siya kung kailan malakas na tayo at kaya na natin ang mga sarili natin. Ngayon lang siya nagpakita kung kailan wala na at magulo na ang lahat!" Nanghihinang napatingin ako sa kanila. "I wonder, if he just showed up earlier to us, would we still be able to save Arlvena?"

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon