CHAPTER 34

342 20 0
                                    

STERM VICK LIGHT

"Young master, pinapatawag ka po ng iyong ina sa kaniyang silid."

Napatingin ako sa aming butler at tumango sa kaniya. Bumaba ako mula sa aking malaking kama at inayos ang gusot-gusot kong pajama na suot. Gamit ang maliit kong mga kamay ay kinuha ko ang aking tsinelas at sinuot ito sa maliliit kong mga paa.

"Mister, okay na po ba ako? Wala po bang mali sa suot ko ngayon?" Inosenteng tanong ko sa aming butler.

May edad na siya at matanda na. Siya rin ang kasama ko simula nung ipinanganak ako. Siya ang nag-alaga sa akin at nagprotekta.

Lumapit siya sa'kin at tumango. "Maayos na maayos ang suot mo ngayon at mas lalo ka rin gumwapo." Inayos niya pa ang aking magulong buhok saka siya tumayo at yumuko bilang paggalang.

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa'kin na tinanggap ko naman ng buo. Ngumiti ako ng malawak at masiglang naglakad kasama siya.

"Bakit naman po ako hahanapin ng aking ina ngayon? Hindi na po ba siya masyadong busy? Pwede na po ba siyang makipaglaro sa akin?" Kuryosong tanong ko rito.

Tanging ngiti lang ang isinukli niya at hindi sinagot ang aking tanong.

Ngumuso ako ng onti at yumuko tsaka tinignan ang mga paa ko habang naglalakad kami.

Hanggang sa makarating na kami sa harapan ng pinto ng silid ng aking ina na hindi niya parin sinasagot ang katanungan ko.

"Young master, hanggang dito nalang muna po ako. Pumasok na kayo at kanina ka pa hinihintay ng iyong ina."

Pagagalitan niya ba ulit ako katulad ng nakasanayan ko? Sisigawan niya nanaman ba ulit ako? Hahayaan niya na ba akong makipaglaro ulit kina Raiko?

Gusto ko na silang makita.

Pininit na ng butler namin ang doorknob ng pinto at tumingin sa'kin. "Pumasok ka na, huwag mong hintaying magalit si Madame sayo." Mahinang bulong niya sapat na para marinig ko. Dahan-dahan akong tumango saka pumasok na sa silid ng aking ina.

Mabagal lang ang bawat paglakad ko dahil natatakot akong maingayan sa'kin ang aking ina. Natatakot akong sigawan niya nanaman ako.

"Bakit ang tagal mong makapunta rito sa kwarto ko? Hindi ba't palagi ko nalang sinasabi sa'yo na ayokong pinaghihintay ako palagi. Mahalaga ang bawat segundong lumilipas para sa akin."

Natagpuan ko ang aking ina na nakaupo sa kaniyang upuan na parang maihahambing mo sa trono.

My mother is a perfectionist. Gusto niyang palaging perpekto ang nakikita niya sa bawat paglakad niya. She despised flawed things... like me.

She will do anything to get rid of those flawed stuffs.

Yumukod ako bilang paggalang sa kaniya.
"P-Pagpaumanhin ninyo po, ina. Natagalan lang po—" pinutol niya ang aking sasabihin at saka marahas na tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Stop giving me excuses!" Pagalit niyang sigaw. Mas lalo kong yinuko ang aking ulo, na halos mahalikan ko na ang sahig.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon