CHAPTER 18

370 26 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"You're a vampire, Vera?" Napalingon ako dahil sa tanong ni Master Hiroshi. Anong ibig sabihin niya? Hindi ba halatang bampira ako?

"Yes po," sagot ko.

"Then, you drink blood?" Sunod pa niyang tanong. Napanguso naman ako. "Dugo ng mga hayop po." Sagot ko ulit.

"Hindi ka nainom ng dugo ng mga tao?"

Pinamulahan ako ng pisngi at agad na umiling sa kaniya pero mabilis ding napalitan ng tango. "N-Nainom po!" Nahihiya kong sagot.

"Oh, saan ka naman nabili ng mga supply ng dugo?"

Napahinga ako ng malalim. Kaya mo 'to, Vera. Konting tiis nalang!

"M-May supply na po ako," kagat-labi kong sagot sa kaniya. Bakit ba kasi siya tanong ng tanong tungkol doon!

"Anong supply? Supply ba ng dugo ng hayop o tao?"

Gusto ko na ata magpalamon sa lupa. Alam ko namang nagtatanong siya ng maayos, ano ba nangyayari sayo, Vera?

"S-Supply ng tao," pilit kong sagot.

"That's great, nakakakain ka pa ba ng mga pagkain?"

Napasimangot ako sa tanong niya, naiinis nga ako e, simula kasi nung tuluyan ko ng makontrol ang pagiging bampira ko. Hindi na ako nakakakain ng mga pagkain gawa ng nawalan na ako ng mga lasa rito. Dugo nalang ang maaari kong inumin.

Nagpagawa pa nga ako ng tsaa kung saan dugo rin naman ang lahat ng ingredients, parang wala lang rin.

"Hindi na po e, wala na po yung panlasa ko sa pagkain."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nariah, tinaasan ko siya ng kilay pero hindi naman siya natinag, inirapan pa ako.

"Her supply of blood is none other than, Shean. She only drinks the blood of Shean." Natatawang ani Nariah.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Bakit niya sinabi iyon, nahihiya nga akong sabihin kay Master Hiroshi kung sino ang supply ko ng dugo!

"That's wild," nakangising aniya.

Napakamot nalang ako ng ulo at pilit na ngumiti sa kanila. Napapansin kong kanina pa ako pinagtitripan ng dalawang ito.

"Oh, Nariah! Nakapagmove-on ka na ba kay Captain?" Tanong ko habang nakangiti ng matamis.

Mabilis na nawala ang ngisi sa kaniyang mukha at napalitan iyon ng marahang pagtawa. Taka naman kaming tinignan ni Master.

"Why would I move on? Wala namang namagitan sa aming dalawa." Nakangiwi niyang sagot.

Ay wala ba? 'Di nga?

"Sabi ko ng—" hindi natuloy ang sasabihin ko nang may maramdaman akong bato na tumama sa bandang noo ko.

Napaupo ako ng wala sa oras at dahan-dahang hinawakan ang aking noo. Nakaramdam ako ng galit sa kaloob-looban ko ng may makita akong dugo sa aking mga daliri. Nagngitngit ang aking mga ngipin at galit na bumaling sa buong paligid. Puro mga puno ang narito.

Unti-unti akong tumayo at kinuyom ang dalawang kamao. "Mahuli ko man kung sino ang walanghiyang bumato ng bato sa maganda kong mukha, babalatan ko siya ng buhay, gago siya!" Seryoso kong sambit habang unti-unting nagsisilabasan ang pangil sa aking ngipin at nagtalasan ang aking mga kuko.

Ready your blood, you fuckin' bitch.

Nakaupo lang sila Nariah at Master Hiroshi habang tinitignan ako ng nakahalumbaba.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon