CHAPTER 19

367 27 4
                                    

SHERRIA OLIVE MORTE

Pinagmamasdan ko ngayon ang aking anak na si Serene. Kuhang-kuha niya ang pinaghalong mukha namin ni Sterm. Napakaganda niya.

Napangiti ako ng tumingin siya sa akin at ngumiti ng matamis. "Mama...?" Tawag niya sa'kin.

Lumapit agad ako at hinaplos ang kaniyang buhok. "Bakit po?" Tanong ko.

"W-What is the name of the white hair lady? S-She's so beautiful!" Tanong niya habang parang kumikinang ang kaniyang mga mata. Natawa naman ako.

"She's Nariah, she's the head council."

"G-Ganon po ba? B-Bakit minsan ko lang po siya makita?"

"She's busy, my child. Marami kasi siyang ginagawa dahil mataas ang posisyon niya." Malumanay kong sagot rito.

"Is she your friend?" Tanong niya. Ngumiti ako at tumango. "Yes, she's my dear friend."

She's too curious about Nariah. Well, who wouldn't be? She's too mysterious. Napangiti ako ng maalala ko ang mga nangyari sa amin noong mga estudyante palang kami ng Lumen. Hinding-hindi ko malilimutan ang sayang naramdaman namin noong naging miyembro siya ng Origin Clanners. Masungit at palaiwas siya noon pero ngayon ay napakaclose na namin sa isa't isa.

Time flies so fast...

"You're smiling, mother." Napanguso ako at pinisil ang kaniyang ilong. "Yes, I'm just reminiscing the past."

Napahagikhik siya sa sagot ko saka tumabi sa akin. Sumiksik siya sa aking beywang na ikinakunot-noo ko.

"Is there any problem, my child?" Tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang kulay lilang buhok. Umiling-iling siya at mas lalong sumiksik sa akin.

Nagpapalambing ba siya? May problema kaya siya?

Napatingin ako sa kaniya, nakanguso siya ngayon at pinaglalaruan ang kulay lila kong diretsong buhok. Napalabi ako, may hindi ba ako nalalaman sa kaniya? Ngayon palang kasi ako gumanap na ina sa kaniya. Problemadong tao ako noon at iniisip lang ang sarili, hindi ko man lang inisip na sinasaktan ko na pala ang sarili kong anak dahil lang sa nangyari sa akin. Matagal bago ako nakarecover at matagal bago ko narealize ang sarili kong pagkakamali.

"B-Bakit hindi ko na po nakikita si Ate Vena? Lagpas na po ng isang linggo pero hindi na po siya nakikipaglaro sa akin. Nasaan na po siya?"

Napatigil ako sa paghaplos ng kaniyang buhok. Ate Vena? Tinutukoy niya ba si Arlvena? Napatingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. Pinaharap ko siya sa akin, pinipigilan ko ang mga emosyon kong gusto nanamang bumuhos.

"N-Nasa paraiso na siya anak... Doon na siya nagpapahinga kung saan hindi na siya makakaramdam ng kung anong sakit at pagod..." malungkot kong sambit.

Hindi parin kasi ako makapaniwala, hindi ko parin matanggap hanggang ngayon ang pagkawala niya. Hindi pa nga bumabalik ang dati niyang kapangyarihan, binawian na agad siya ng buhay.

"H-Hindi na po ba siya babalik?" Nanikip ang aking dibdib sa tinanong ng aking anak. Pilit ko mang umiling sa tanong ng aking anak ay tumango nalang ako. Kailangan kong tanggapin, kailangan naming tanggapin na hindi palagi sang-ayon ang tadhana sa amin na hindi sa lahat ng bagay ay masaya kami.

Happiness is just temporary, there's nothing permanent in this world.

Hindi lahat ng bagay ay permanente sa buhay natin lalo na kung alam nating dadating rin ang panahon at mawawala tayo sa mundo, maiiwan natin ang mga mahal natin sa buhay ng puno ng hinagpis at sakit.

"S-She's not coming back again.. she's no longer coming back..." Wala sa sariling sambit ko.

Maya-maya lamang ay nakaramdam ako ng basa sa aking damit. Huli na ng makita
ko na umiiyak na pala si Serene. Mas lalong pumula ang kaniyang ilong at ang kaniyang dilaw na mata. Mahigpit ko siyang yinakap at hinaplos-haplos ang likod nito.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon