PROLOGUE

1.6K 40 3
                                    

[ PROLOGUE ]

Animo'y dinudurog ang puso ko habang pinapagmasdan ang aking ama na nakahimlay ngayon at may maraming apparatus ang nakakonekta sa katawan nya.

"M-Magkano po ba ang k-kailangan para m-ma-operahan na sa p-puso si P-Papa?" Nauutal kong tanong kay Doc. habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Papa.

"10 million ang total na babayaran bago maoperahan ang iyong ama. Isang linggo na lamang ang maibibigay naming palugit dahil kung hindi sya mao operahan ay mas lalong lalala ang kalagayan nya. At mas maiging iuwi mo na lamang sya dahil wala na kaming magagawa para maisalba ang kanyang buhay." Mahabang sagot ni Doc.

"H-Hindi na p-po ba m-maaagapan ng gamot ang s-sakit nya?" Nanghihina kong tanong dahil ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagsisiunahan ng tumulo mula sa aking pisnge.

"Sad to say, ang operation na lamang ang makakasalba sa kalagayan nya." Huling sagot nya sa'kin bago lisanin ang maliit na kwartong kinalalagyan namin ngayon.

Hindi ko mapigilang mapahagulgol dahil sa labis na hirap at napakalaking problemang pasan-pasan ko ngayon. Si papa ay dating may sakit na sa puso pero hindi namin inaakalang lalala pa yun dahil lagi naman syang umiinum ng gamot. Naubos na rin ang perang naipon dahil sa paunang bayad dito sa Hospital. At hanggang ngayon ay hindi pa sya gumigising kaya labis akong nag aalala sa kalagayan ni Papa.

'Wala rin akong mahingan ng tulong, ultimo kamag-anak. Samantalang yung mga kaibigan at kakilala namin ay kapos rin sa buhay. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ganung kalaking pera'

Mula sa aking pagkakayuko ay may naramdaman akong malamig na kamay na dumapo sa aking balikat kaya agad akong napatayo dahil sa gulat.

Agad kong nakita ang isang lalaking naka ngiti ng kay lapad. Animo'y binadbaran ng harina ang kanyang mukha dahil sa sobrang puti nya at nakasuot pa ng black tuxedo. Ako'y napa atras dahil sa labis na takot.

"S-Sino ka?" Kinakabahan kong tanong saka humakbang papalayo sa kanya.

"Wag kang matakot, Hija. Nandito ako para tulungan ka." Nakangiting sambit nya sa'kin kaya mabilis na kumunot ang aking noo.

"Gusto mo bang ma-operahan ang Papa mo?" Nakangising dagdag pa nito at agad akong kinalibutan sa sinabi nya.

"O-Opo. G-Gustong g-gusto." Nag aalalangan kong sagot at napangisi sya sa sinabi ko.

"Kung ganun handa ka bang ibenta ang buhay mo para sa Papa mo, para maisalba sya?" Diretsong tanong nya sa'kin muli pero hindi ko sya agad nasagot.

"Mapapasayo ang sampong milyon, kapalit ng buhay mo. Take it or leave it?" Seryosong tanong nya at binigay ang isang folder na naglalaman ng kasulatang ibebenta ko ang aking buhay, kapalit ng pera para mabuhay si Papa.

Unti-unti kong inangat ang aking kamay para makuha ang folder na yun. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Hanggang sa tuluyan kong nakuha at mabilis na pinermahan 'to.

"You have the right choice, Arielene Magtibay." Nakangiting sagot nya sakin habang naka crossed arms pa.

"P-Paano mo n-nalaman ang p-pangalan ko?" Diretsong tanong ko pero hindi nya ako sinagot dahil mabilis nyang kinuha ang folder.

Pero bago tuluyang maibalik sa kanya ang kasulatan ay nabasa ko pa nilalaman ng huling pahina.

.

.

.

[ YOU'RE ALREADY OWNED BY SC ]



( A/n: special thanks kay Arieline for letting me use her name, she's one of my solid reader. And also to sev camero, sa book cover. Again, enjoy reading! Ciao ❤️]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon