[ KABANATA 35 ]
"B-Bitawan nyo ako! A-Ano ba! Nasasaktan ako!" Patuloy kong pagpupumiglas sa mga hawak nila.
Animo'y wala silang naririnig dahil patuloy lamang nila akong hinihila. Ilang sandali ay pinipilit nila akong mahiga sa isang higaan na pang ritwal.
"H-Hindi pwede! M-Maawa kayo sa'kin" pagmamakaawang sambit.
Sa aking nakita ay mas lalo akong kinabahan at natakot dahil tiyak na doon nila ako itatali. Ngunit tila isa akong bata na walang magawa kundi ang umiyak at magmakaawa na bitawan na nila ako.
Hanggang sa tuluyang mapahiga ako't taliin ang kamay ko sa magkabilaan. Ganun rin ang aking mga paa.
"H'wag ka nang pumalag pa, Ariel. Wala ka nang magagawa dahil hinding hindi ka na makakatakas sa'min." Natatawang baling ni Lark sa'kin habang hinahaplos ang aking pisnge.
"N-Napakawalang h-hiya mo talaga! W-Wala kang puso!" Matapang na sigaw ko sa kanyang pagmumukha ngunit tanging mariing paghawak sa aking pisnge ang kanyang ginawa sa'kin.
"Tignan mo ang kabuuan ng WILLGOR CLAN! Lahat sila ay sabik, ako'y nasasabik dahil ngayong gabi ay makakamit na namin ang lakas na hindi mapapawi." Nananabik na sambit nya sa'kin.
Tama nga sya, animo'y mga asong ul*l ang mga lobong nakapalibot sa'kin. Kitang kita sa bawat mata ang sabik na makamit ang lakas na inaasam nila. At ngayon ay napakarami nila. Napaka imposibleng madadalian sina Sebastian na kalabanin sila.
"Tsk. No more drama, Lark. Naiinip na ako kaya simulan muna." Prenteng prente na utos ni Amanda habang ito ay nakaupo sa high royal chair.
"Narinig nyo ang sinabi ng Reyna, ilabas nyo na ang mag-inang taksil!" Maawtoridad na utos ni Lark sa ibang mga kawal.
Pagkatapos nun ay nakita ko ang pagpasok ng dalawang babae kasama ang apat na kawal. Si Ella ngayon ay kitang-kita ko ang hirap sa kanyang mukha dahil marami itong nakuhang mga pasa. Habang ang kanyang ina na si Solidad ay nanghihina parin.
'Pero ang pinagtataka ko, bakit kailangan na dumito silang dalawa?'
Don't tell me..
"Long time no see, Solidad. Tignan mo nga naman, kaawa-awa ka na saiyong kalagayan." Natatawang unang bungad ni Amanda sa mag ina.
Nang marinig yun ay agad napataas ng tingin si Solidad at mukhang hindi rin yata magpapatalo.
"I-Isa kang t-taksil!" Mabilis na sigaw na pabalik ni Solidad kay Amanda.
Imbes na matinag ay tanging malakas na pagtawa lamang ang tinugon ni Amanda sa kanya.
"Nakakatawa ka talaga kapatid ko. Wala ka paring pinagbago, mahina ka parin." Nakangising sagot ni Amanda.
Bahagyang natahimik ang lahat dahil sa rebelasyong narinig. Ngunit kalauna'y nagsalita rin ulit si solidad.
"Wala akong kapatid na gaya mo, isang taksil at laging talunan! Hindi mo kayang tanggapin na ako ang mas gusto ng ating ina na maging Reyna at ako ang gustong mapangasawa ni Savin (Hari ng Camero o ama ni sebastian). Sino kaya ang talunan sa ating dalawa!" Diretsong sambit ni Solidad sa kanya.
At dahil dun nakita ko kung paano sumikbol ang galit sa mukha ni Amanda. Hanggang sa mabilis itong nakalapit kay Solidad at sinakal 'to.
"Wala kang alam sa pinagdaraanan ko, Solidad. Unang una palang, naiinggit na ako sayo. Ikaw nag paborito ng ating Ina at Ama at ang gusto ng lahat. Habang ako ay naisasantabi! Pero ngayon, ikaw naman ang sisiguraduhin kong magdurusa." Seryosong pagbabanta ni Amanda habang patuloy nitong sinasakal si Solidad.
Base sa mukha ni Solidad ay nahihirapan na itong huminga. Mabuti na lamang ay agad na pumagitna si Lark.
"Tama na yan, Amanda. Ikaw na ang nagsabi, kailangan pa natin sila. Mamaya na lamang natin paslangin ang mga 'to." Pagpapatigil ni Lark.
Labag man kay Amanda na bitawan si Solidad ay ginawa nya na lamang 'to. Pagkatapos nun ay muli syang bumalik sa kanyang pwesto bago magbitaw ng salita si Lark.
"Simulan muna ang seremonya, Solidad." Mabilis na utos ni Lark bago iniabot ang maliit na patalim.
Agad na nagsalubong ang aming tingin ni Solidad kaya sinamantala ko yun para magmakaawa na h'wag nyang kunin yun.
"Gagawin mo 'to o mawawala ang iyong anak ngayong gabi na 'to?" Pagbabanta pa ni Lark kaya wala nang nagawa si Solidad kundi ang tanggapin 'to.
Kasabay nun ay hindi ko maiwasang manghina dahil maaaring katapusan ko na nga. Hanggang sa magsimula na 'tong magsambit ng iba't ibang ritwal. Habang ako ay parang tuod na lamang na pinagmamasdan sya. Umaasang darating sya kahit malabo na... Dahil dumating na oras na pinakahihintay ng lahat.
Hawak hawak na ngayon ni Solidad ang aking pulsuhan, habang may patalim 'tong hawak.
"W-Wag.." nanghihina kong pagmamakaawa sa kanya ngunit tanging pagyuko lamang ang kanyang ginawa.
"I-I'm s-sorry.." nahihirapan nitong bulong sa'kin habang ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Ilang sandali ay narinig ko na nga ang hudyat ni Lark.
"GAWIN MUNA, SOLIDAD!" Maawtoridad na utos sigaw ni Lark.
At wala na akong nagawa kundi ang mapapikit bago naramdaman ang masakit na paghiwa ni solidad sa aking pulsuha..
'Is this the end for me?'
"Now i'm here. Let her go!" sigaw ng kay pamilyar na boses at agad na umalingawngaw yun sa buong palasyo.
__________
A/n: guess who?🤤
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...