FINALE ( PART 1 )

402 14 0
                                    

[ FINALE ( PART 1 ) ]


"Good morning, Ate!" Unang bungad sa akin ng aking kapatid na si Jed habang 'to ay ayus na ayus na.

"Maganda yata ang gising mo, Jed." Nakangiting tanong ko sa kanya saka umupo sa tabi nya habang nasa harapan ng hapag-kainan.

At mabilis na pagtango lamang ang tinugon nya sa'kin bago sagutin ako.

"Kasi kaarawan ngayon ng pinakamamahal kong, Ate!" Masiglang sagot nya sa'kin habang may hawak hawak na 'tong maliit na chocolate cake.

"Ate, blow your candle na and take a wish," excited ma excited na paganyaya nya kaya wala na akong nagawa kundi ang humiling muna bago hipan yun.

Pagkatapos ang maikling kulitan kasama ang kapatid ko ay nauna na rin syang umalis dahil may kikitaan pa 'tong kliyente.

"Bye ate, enjoy your day." Makahulugang sambit nya bago tuluyang makaalis.

Habang ako ay naiwang tulala at tila may bumabagabag sa aking isipan. Ngunit hindi ko na yun naging alintana pa dahil mabilis ko na ring nilisan ang aming munting bahay ng kapatid ko.

Pero sa huling pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang buong bahay, ang lahat ng napundar. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil napakalaki ang nagbago. Marami man ang nawala ngunit alam kong may rason kung bakit nangyari ang lahat ng iyon.

Ilang sandali ay pinaandar ko na rin ang aking kotse bago tahakin ang daan papunta sa aking trabaho. Naging maayus ang daloy ng daan kaya mabilis akong nakarating. Pagkatapos ma-ipark ang aking kotse ay mag-isa kong tinahak ang mahabang Lobby ng Company. Mayroong ilang bumati sa'kin.

"Good morning Ma'am Ariel!" Pagbati sa'kin ng ilang employee.

Mayroon rin ibang nagbubulungan tungkol sa'kin na hindi nakaligtas sa aking pandinig.

"Napakaganda talaga ni Ma'am! Napaka puti at napakalakas ng dating nya." Mahinang bulong ng isa sa kasama nito.

"Sinabi mo pa! No wonder kung maraming nanliligaw kay Ma'am!" Pagsang-ayon naman ni Girl 2.

"Sa tingin ko focus si Ma'am sa work nya dahil wala pa 'tong dinadalang lalaki dito sa company." Siguradong sigurado namang sambit ni Girl 1

"Yeah, kita naman na busy sya dahil napakagaling nyang Designer." Pagsang-ayon ulit ni Girl 2.

Sa narinig na usapan ay hindi ko maiwasang mapatawa ng palihim dahil may ilang taliwas at tama sa sinabi nila

Yes, I'm now one of the famous Designer, not only here in the Philippines but in the other country. Marami na rin akong naayusan at nagawan ng gowns or formal attire na para sa babae at lalaki. At masayang masaya ako sa trabaho ko ngayon dahil maliban sa ito ang nagpaangat sa'min ng kapatid ko kundi mahal ko ang trabahong 'to.

At higit sa lahat, hindi ako nag-aabalang lumabas kasama ang iba dahil ayokong gawin yun kung hindi naman sya ang kasama..

Buong araw ay trabaho lamang ang inaatupag ko. Walang bago kahit na kaarawan ko ngunit ngayong araw na 'to ay tila may mangyayaring iba. Animo'y kinakabahan ako dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Napatigil lamang ako sa aking ginagawa ng marinig ang isang katok at bumungad sa'kin ang aking secretary.

"I'm sorry to interrupt you, Ma'am Ariel." Panghihinge ng tawad nya sa'kin.

"No, it's okay. What is it?" Walang emosyong tanong sa kanya habang pinaglalaruan ang hawak-hawak na ballpen.

"May nagpapabigay po sainyo nito," diretsong sambit pa ng aking Secretary bago iabot ang isang folder na black.

Hindi na ako nagatubli pa kaya mabilis ko 'tong binuklat at bumungad sa'kin ang kay pamilyar na sulat.

"GO BACK FROM THE VERY BEGINNING OF OUR STORY," iyan ang nakasulat sa maliit na papel bago 'to kusang masunog 'to.

Nang mabasa yun ay ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso kaya walang sabi-sabing tumayo at kunin ang aking mga gamit.

"Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Naguguluhang tanong pa nya sa'kin.

"A-Anong o-oras na?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"5:30 n-na po, M-Ma'am." Nauutal na sagot nya at mabilis na tinahak ang parking lot at tinahak ang lugar na yun.

'Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.'

Ang mabilis na pagdrive ko ay tila sumasabay 'to sa malakas na pintig ng aking puso. Animo'y may buhay pa ang mga 'to kahit na ang totoo ay patay na 'to dahil isa na akong Bampira, gaya nya.

Tila lumilipad na ang aking kotse dahil sa bilus ng pagpapatakbo ko para mapuntahan sya agad. Ilang sandaling byahe ay narating ko na rin ang lugar, ang hospital kung saan ko unang nilagdaan ang kasulatan na yun.

At hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko ang isang lalaking nakaitim at prenteng nakatayo habang 'to ay nakatalikod sa'kin.

Hindi ko pa man nakikita ang kanyang mukha o alamin kung sino sya, ramdam kong sya ang lalaking hinihintay ko sa mahabang panahon. Walang iba kundi ..

"Did you sign it already?" Tanong nya sa'kin gamit ang malamig na boses bago 'to tuluyang humarap at unti-unting humakbang papunta sa'kin.

Animo'y nalunok ko yata ang sariling dila dahil ultimo isang salita ay hindi ko magawa.

"Wife, you'll gonna sign it or i'll gonna bite you?" Nakangising tanong nya pa sa'kin bago tuluyang hawakan ako sa pisnge.

Sa kanyang ginawa ay hindi ko maiwasang mapapikit at damhin ang haplos na ginawa nya.

Pagkatapos nun ay agad kong binitawan ang hawak na folder saka mabilis na sinapo ang kanyang pisnge. Ako'y agad napangisi bago binitawan ang mga katagang hindi ko pagsisisihan.

"I'll gonna kiss you because I'M READY TO SOLD MYSELF AGAIN TO A VAMPIRE PRINCE LIKE YOU," huling sambit bago muling naglapat ang aming mga labi sa isa't isa.


__________

[ A/N: KAWAY KAWAY SA MGA KINILIG DYAN! SALAMAT PO SA PAGBABASA NG AKING KWENTO. MAY PART 2 PA PO ANG FINALE NA 'TO ]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon