KABANATA 14

463 18 0
                                    


[ KABANATA 14 ]


"S-Saan tayo p-pupunta, Sebastian?" Naiilang kong tanong sa kanya habang buha-buhat nya ako papunta kung saan.

"Sa lugar kung saan punong puno ng kasiyahan," Nakangiting sagot nya sa'kin bago maramdaman ang mabilis na pagtakbo nya.

Hindi ko maiwasang mapapikit at kumapit ng mahigpit sa kanyang balikat. Wala man akong alam kung saan ba talaga kami pupunta pero nararamdaman ko na ikakasaya ko yun gaya nang sabi nya.

Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagtigil ni Sevi. Ako'y agad napamulat at nakita kung nasaan kami ngayon. Nasa gitna parin kami nang kagubatan ngunit may kakaiba akong nakita. Isa itong pintuan na napapalibutan ng mga baging at ligaw na bulaklak habang nakatayo sa kawalan.

Naramdaman ko ang maingat na paghawak ni Sevi sa aking kamay at pag-aya nito sa'kin para tuluyang makalapit sa pintuan na 'to.

"Are you ready?" Tanong nya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Sa kabila nang pagiging malamig nun ay kitang-kita ko ang saya.

Tanging pagtango na lamang ang nagawa bago tuluyang buksan 'to. Nang matapos nyang gawin yun ay mas lalo akong napamangha dahil sa aking nasaksihan.

"Hold my hand, Ariel." Buong-buo nyang boses na sambit sa'kin kaya walang alinlangan kong inabot 'to.

Hanggang sa tuluyang makapasok sa pintuan na pabalik sa aking mundo. Oo, nandito kami ngayon sa mundo ng mga tao. In short, nakatapak kami ngayon ni sebastian sa..

"Enchanted kingdom.." tanging nasambit sa kabila ng matinding saya na aking nararamdaman. Ngayon lamang ako nakapunta ulit sa lugar na 'to. At wala akong ibang masabi dahil tunay na nakakamangha parin.

"Saan ang gusto mong unang puntahan?" Mahinahong tanong nya habang nakapapumalsa ang dalawa nyang kamay.

Agad akong nagpalinga-linga sa buong lugar at agad naagaw ng pansin ko ang malaking placard na nasa harapan ng booth na yun.

"Gusto kong puntahan yun!" Excited kong sagot pero tanging pag ngisi lamang ang ginawa nya. Agad ko syang tinaasan ng kilay,  ayan na naman sya sa mga makahulugang ngisi nya.

"Are you sure about that?" Nakangising sambit nya pa. Sa aking narinig ay agad na kumulo ang aking dugo kaya walang pasubalit ko syang tinarayan.

"Oo, ano naman ngayon? Masama ba? Saka hindi naman ako duwag para dyan," panunumbat pa pero imbes na pakinggan ay inunahan lamang nya ako. Pero bago tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang huling sinabi nya.

"Gusto mo lang yata akong mayakap?" mahinang sambit nya ngunit hindi yun dahilan para hindi ko marinig.

"U-Uy hindi ah! A-Ang yabang mo!" Iritableng sigaw sa kanya at tanging pagtawa lamang at basic sign ang tinugon nya sa'kin.

Imbes na sumbatan pa ay wala na akong nagawa kundi ang sundan sya. Ilang sandaling paghihintay ay tuluyan na rin kaming nakapasok sa Horrors house.

Unang pasok pa lang ay agad na akong kinilabutan dahil sa kakaibang Horror Music ang nadinig ko. Medyo nakakaramdam man ng takot ay minaigi kong h'wag humawak sa kanya dahil tiyak na pang aasar ang makukuha ko.

Pero sa aming paglalakad sa gitnang bahagi ay agad namatay ang dim na ilaw pero bumalik rin 'to agad. Ngunit halos mawalan ako nang dugo sa aking mukha nung mapagtanto na wala na sa tabi ko si Sebastian.

"S-Sevi.. B-Bakit mo naman a-akong iniwan d-dito!" Naiinis kong sambit sa kawalan habang pinapakiramdaman ang aking paligid

Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang  maramdaman ang mga matalim at mahabang mga kuko na humawak sa aking binti. Nang dahil dun ay agad akong kumaripas ng takbo.

Sa ginawa kong pagtakbo ay pansin ko na mas lalo silang dumami. Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso.

Oo, kahit alam kong hindi yun totoo ay natatakot parin ako. Hindi ko ba alam pero agad na sumagi sa aking isipan ang gabing sumalakay ang mga Etsai Iluna. Sa sobrang pag iisip ay napaupo na ako sa kawalan at napaiyak.

"S-Sevi.." nagsusumamong tawag sa pangalan nya habang nakayuko. Pilit ko paring tinatakpan ang aking mga tenga para hindi marinig ang mga tunog na yun.

Papatay sindi parin ang ilaw, may ilang sigaw rin akong naririnig pero walang ni isang tao ang napapadaan sa gawi ko. Ngunit sa muling pag-ilaw ay nakita ang dalawang sapatos na nagmamay-ari ngayon ng taong nasa harapan ko.

Medyo labag man sa aking loob na makita sya, lalo na ang mga tingin at ngisi nyang nang iinis ay hindi ko maiwasang matuwa dahil bumalik sya.

"S-Saan ka nagpunta?" Nagsusumamong tanong sa kanya.

Agad naramdaman ang pangingilid ng mga luhang nagtatangkang tumulo sa aking mga mata. Medyo masagwa mang pakinggan ngunit para akong batang naagawan ng Candy habang nakataas ang tingin sa kanya.

Sya ay agad na yumuko para magpantay ang aming mga tingin bago ang mga katagang yun sa'kin.

"I'm now here. So, stop crying because seeing you like this makes me insane." Sambit nya bago maramdaman ang kanyang banayad na paghawak sa aking pisnge.

Sa ginawa nyang paghawak, animo'y nakaramdam nang paso kaya bahagya akong napalayo sa kanya.

"Is there anything wrong?" Seryosong tanong nya sa'kin.

Pero hindi ko na sya nagawang sagutin dahil mabilis akong kinain ng kadiliman.



__________

[ A/n: ano kayang nangyari????]






I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon