KABANATA 11

535 15 0
                                    


[ KABANATA 11 ]

Pagkasambit nya sa mga katagang yun ay namalayan na lamang syang nasa harapan ko na. Hindi ko maiwasang mailayo ang aking paningin dahil sa sobrang lapit nito sa'kin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"Stay away from her, now." Malamig na boses nitong utos sa lalaking nagngangalang Luke.

Hindi rin nagtagal ay umalis na rin 'to pero bago yun may binitawan pa syang salita.

"Oo, pagmamay-ari mo sya ngayon pero hindi habang buhay." Makahulugang sagot nito saka mabilis na umalis.

Nakita ko naman ang pagkayukum ng kanyang mga kamay. Kaya agad ko syang hinawakan at niyakap sa hindi ko malamang dahilan. Siguro sa sobrang takot na naramdaman ko? Gusto ko na lamang syang yakapin ngayon ng mahigpit.

"Don't worry, no one can harm you because I'm always here at your back." Sambit nya.

Mula sa malamig na boses ay nagbago na. Ang kanyang pananalita ngayon, animo'y nagpapatahan ng batang umiiyak. Ramdam ko rin ang bahagyang paghaplos nya sa aking likod. Para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay napagdesisyonan na rin na ihatid nya ako sa classroom ko. Sinabi ko sa kanya na kanina ko pa hinahanap kaya natagalan ako at napunta dito sa likod ng School.

Ilang sandaling paglalakad ay nakarating kami sa isang malaking Building. Sa tingin ko ay ito na yun dahil kitang kita ko naman ang mga salitang nagpapatunay na ito na nga ang section ko.

"Wow, ito na pala ang Golden Section." Manghang-mangha kong sambit habang pinagmamasdan ang buong building. Animo'y isa itong hotel dahil sa mga kagamitan rito.

"Let's go, malalate tayo." Iritableng sagot nya sa'kin saka nauna nang maglakad.

Hindi ko maiwasang sambitin muli ang sinabi nya.

"Anong sabi mo? Malalate tayo? As in tayo?" Gulat na gulat kong tanong pero animo'y wala 'tong narinig dahil patuloy lamang sya sa paglalakad.

Ako'y napangiti ng kay lapad dahil hindi ba ang ibig sabihin ng pagkatahimik ay totoo? Sa hindi malamang dahilan ay agad akong nakaramdam ng excitement dahil magkaklase kaming dalawa!

Sya lang naman ang kakilala ko dito maliban kay Sadie, wait speaking of sadie. Nasaan na kaya yun? Simula nung makarating ako dito sa Clan na 'to ay hindi ko na sya nakita. Maliban lang nung gabing yun, ang gabing sinalakay kami ng mga Etsai iluna.

Sa aming mahabang paglalakabay sa hallway ay narating namin ang class na mayroong maingay na studyante. Sari't saring batuhan galing saan at kulitan ang makikita ngayon. Halos mga kalalakihan at konte lamang ang mga kababaihan pero ang iba'y pamilyar na sa'kin.

"What's happening here?" Pagkatanong ni Sebastian sa mga salitang yun ay agad silang natahimik at umayus ang lahat.

Animo'y isang kisap mata lamang ang nangyari. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa inakto kaya sa ginawa kong yun ay napadako ang atensyon nila.

"Be nice to her or else.." pagbabanta ni Sebastian.

Hindi ko mapigilang mapapikit sa mga binitawang nyang mga salita. Wala na akong ibang narinig sa kanya kundi pagbabanta, pagsusungit! Paano ako magkakaroon ng friends kung lagi syang strikto.

Pagkatapos nyang sambitin yun ay mabilis nya akong hinila papunta sa likod. At pagkarating na pagkarating dun ay umupo sya saka pumikit. Umupo na rin ako saka hinintay na rin ang teacher. Ganon lamang ang ginawa nya sa buong klase hanggang sa dumating break.

"Miss Ariel, long time no see!" Bungad sa'kin ng kay pamilyar na lalaki.

"Tsk! Can you shut up Yushi! Mapapagalitan ka ni Seb sa ginagawa mo." Panunuway naman ng isa pang lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay si Yoshiya 'to. Sila ang dalawang magkapatid na mayroong magkaibang ugali.

Pero si Yushiro ay parang walang narinig dahil nandito parin sa harapan at kinukulit ako.

Kasalukuyan parin akong nasa upuan habang si Sebastian ay umalis kanina lang.

"Can you be my Ate even if I'm older than you?" Nahihiya nitong tanong sa'kin.

Sa ginawa nyang yun ay hindi ko mapigilang ma-aliw.

"P'wedeng pwede. Pero ilang taon ka na ba?" Nakangiting tanong sa kanya kaya nakita ko ang saya sa kanyang mga mata.

"I'm 500 years old. Pero ayus lang yun dahil cute naman ako, Ate." Natatawang sambit nito.

Sa sinabi nyang yun ay agad syang nakakuha ng batok galing kay Yoshiya.

"Aray! Ate, he's hurting me. Please, punch him too!" Mukhang bata nitong pagsusumbong at mabilis akong inakbayan. Sa ginawa nyang yun ay agad syang napalayo sa'kin. Hindi ko maiwasang magtaka dahil ganun rin ang nangyari kay Luke kanina. Nakita ko ang mabilis na pagkapula ng mga mata ni Yushiro.

"A-Ayus ka lang ba?" Kinakabahan kong tanong at mabilis syang nilapitan ngunit napalayo lamang 'to ulit.

"He or We can't touch you on your neck or even to your face." Diretsong sagot sa'kin ni Yoshiya.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang magtanong. Lalo na't napadako sya sa aking leeg. Hindi kaya ang kuwintas ang dahilan kung bakit hindi nila ako malapitan?

"eto ba ang dahilan?" Tanong ko saka hinawakan ang kuwintas na nasa loob ng damit ko.

"Ang kuwintas na suot mo ngayon ay pangontra lamang sa mga bampira para hindi nila malaman ang buo mong pagkatao." Seryosong sambit ni Yoshiya.

"Kung ganun ano ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari sa kanila nung hawakan nila ako?"

Naguguluhan kong pandaragdag na tanong pero daig ko pa nang mawalan ng dugo dahil sa sumunod na sinagot sa'kin ni Yushiro na nagbalik na sa dating ayus.

"Someone owned you. He bite your neck for him to marked you as his mine." Diretsong sagot nito sa'kin bago marinig ang sigawan galing sa labas.

Isa lamang ang malinaw sa'kin ngayon.

.

.

.

'Sebastian Camero is now totally owned me.'


______________

[ A/n: salamat po sa inyo dahil patuloy nyo paring sinusubaybayan 'tong kwento ko.]





I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon