KABANATA 34

300 13 1
                                    

[ KABANATA 34 ]

Wala akong makita ngayon dahil nakapiring ang dalawa kong mga mata habang patuloy na hinihila papunta kung saan. Umangal at nagmatigas na ako ngunit hindi yun naging sapat para pigilan sila. Nanghina't napagod lamang ako sa aking ginawa. Kaya heto, nagpatinaod na lamang ako sa kanila.

"Magbigay pugay sa ating Hari!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Kasabay nun ay ang pagbitaw ng mga armas sa sahig.

Pagkatapos nun ay bahagyang natahimik ang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyayari o nangyayari sa araw na 'to pero labis na kaba ang aking nararamdaman.

Ilang sandali ay may naramdaman akong kamay na dumapo mula sa aking pisnge. At dahil dun ay agad akong napaestatwa sa aking kinatatayuan.

"Gusto kong pagmasdan sa huling sandali ang mukha ng babaeng magpapalakas sa ating pangkat." Preskong sambit ng lalaking nasa harapan ko.

Hindi ko man makita kung sino ang nagsasalita ngunit ramdam ko na kung sino sya dahil sa dala-dalang yabang nito.

"Tanggalin ang piring ng mga bihag gaya nang utos ng Hari!" Sigaw na utos ng mga kawal.

Eksaktong pagkatanggal nila ay bumungad sa aking harapan ang kay lapad na ngisi ni Lark Willgor. Nakita ko rin sa hindi kalayuan si Reyna Amanda, ang taksil na ina-inahan ni Sebastin. Katabi nito ang tatlong kay pamilyar na lalaki, sila Leighton, Leighton at Luke. Si luke ay seryosong nakatingin sa'kin. Animo'y pinapabatid itong mga mensahe sa'kin.

"Maligayang pagdating sa aming munting palasyo, Arielene." Natatawang na sambit nya sa'kin.

Nang marinig yun ay mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Easy! Mamaya maya ay mawawala ka na rin sa mundong 'to. Tanging ala-ala na lamang sayo ang babaunin ni Sebastian." Pandaragdag nyang pang aasar sa'kin kaya hindi ko na maiwasang sumbatan sya.

"Hinding-hindi yun mangyayari! At alam kong darating sya!" Matapang kong sigaw sa kanya.

Imbes na matinag ay tanging malakas na pagtawa ang kanyang tinugon. Pagkatapos nun ay mabilis nyang hinaplos ang aking pisnge.

"Wala na syang pakinabang sayo, h'wag ka nang umasang darating pa ang hangal kong pamangkin. Wala ka nang magagawa kundi ang pagmasdan na lamang ang lahat bago ka mawala na parang bula." Seryosong sagot nya sa'kin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Sa pagkakataong yun ay sinamantalahan kong durahan sya sa kanyang mukha bago binitawan ang mga katagang yun.

"Ikaw ang matakot, Lark Willgor! Ikaw ang hangal dahil natatakot kang harapin ang iyong pamangkin na mas malakas pa sayo! Isa kang talunan!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya.

Pagkatapos kong sambitin yun ay nakakuha ako nang malakas na sampal galing sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa aking labi. At nakita ko kung paano masabik sa akin ang ibang mga kawal dahil sa dugong dumaloy nyon sa aking panga.

"Wala kang pinagkaiba sa iyong ina at ama, matapang nga ang iyong ina ngunit wala ring nagawa. Namatay rin sya gamit ang espadang 'to. Habang ang iyong ama ay nanatiling tahimik sa tabi at walang magawa.  At ngayon ay patuloy paring nagtatago. Habang ikaw ang bunga ng kahinaan nilang dalawa." Mahabang salaysay nya sa'kin.

Ang galit sa aking puso ay unti-unting sumibol. Nang marinig ang mga rebelasyon galing sa kanya ay mas lalo akong nanabik na makawala sa hawak nila at patayin si Lark. Sya pala ang dahilan kung bakit hindi na namin nakasama ng matagal si Mama. Habang si papa naman, wala dito. Tama nga si Sebastian, nakaligtas nga yata ang aking ama sa gabing yun.

"Isa ka talagang demonyo, Lark! Wala kang puso!" Nanghihinang sigaw ko sa kanya.

Akmang sasampalin pa sana nya ako nang mabilis na sumulpot sa harapan namin si Luke.

"T-Tama na yan, Ama. H-Hindi natin sya pwedeng paslangin. Lalo na't ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang seremonya." Nakayukong pagpipigil ni Luke sa kanyang ama.

Bahagyang natahimik ang lahat sa kanyang ginawa. Animo'y nagpapakiramdaman ang bawat isa. At hindi sinasadyang magtama ang aming tingin ni Luke. Seryoso ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.

"Wag mo akong turuan, Luke!" Galit na sigaw ni Lark sa kanyang anak.

Ngunit hindi nagtagal ang initan na yun dahil sa pagsang ayon ni Reyna Amanda.

"Tama si Luke, Lark. Hindi makakatulong ang ginagawa mo." Prenteng prente na sagot nya.

Kaya wala nang nagawa si Lark kundi ang layuan ako't magtimpi ng galit. Akala ko'y tapos na ngunit nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Lark.

"Itali nyo na sya, simulan na natin ang seremonya!"



_____________

A/n: malapit ng matapos❤️❤️❤️

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon