KABANATA 24

378 14 3
                                    


[ KABANATA 24 ]

"A-Anong nangyari sa kanya?" Kinakabahan kong tanong sa kanila habang sina Slay at Syxtro ay binuhat na 'to papunta sa loob ng isa sa mga kubo.

Hindi ko mapigilang ikiskis ang sariling mga kamay sa sariling palad. Ako'y lubos na kinakabahan kung ano ang nangyari sa matanda ngunit hindi parin matatanggal sa aking isipan ang mga  katagang binitawan nya. Paano kung totoo ang sinabi nya?na posibleng mangyari yun? Tiyak na hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mapapahamak ng dahil sa'kin.

"Wag mong isipin masyado ang sinabi ni Tres Leya," narinig kong sambit ni Yoshiya habang nakapamulsa pa.

"Oo, wag kang mae stress masyado Ariel." Malaking ngiti na tugon sa'kin ni Yushiro.

"Pero hindi natin pwedeng balewalain ang kanyang sinabi dahil alam nating malabong magkamali ang mata ng mga Lecitel," seryosong pagsingit naman ni Sev.

Sa kanyang sinabi ay muling nabalutan ng katahimikan ang paligid. Animo'y wala ni isa ang gustong magsalita dahil maaaring maging panibagong iisipin na naman yun. Ngunit naputol yun dahil sa malakas na pagtikhim ni Sebastian.

"Tama na yan, pumasok na tayo." Maawtoridad na utos nya habang diretsong nakatingin sa'kin bago talikuran kami. Kaya wala nang nagawa ang iba kundi ang sumunod na lamang.

Hanggang sa tumigil kami sa maliit na kubo, alam ko namang marami kami kaya imposibleng kakasya kami dyan.

"D-Dyan ba t-tayo tutuloy l-lahat? Sure ba kayong kakasya tayo sa maliit na kubo na yan?" Naiilang kong paninigurado sa kanila ngunit imbes na kasagutan ang makuha ay malakas na tawa lamang nila ang bumalot sa tahimik na lugar.

'shet! May mali ba sa sinabi ko?' bulong sa sarili.

"Oo naman, Ariel." Natatawang sagot sa'kin ni Yushi.

"You will see, later." Nakangising pagsingit naman ni Yoshiya.

Kaya nakaramdam tuloy ako nang excitement dahil sa sinabi nya.

'Ano kaya ang nasa loob nito? Hindi na ako makapaghintay pa!' excited na sambit sa sarili.

Akmang tatanungin ko pa sana si Sebastian kung bakit ang tagal nyang buksan ngunit naunahan ako nang tatlong katok nya mula sa pinto. Kasabay nun ay mabilis na bumukas ang pintuan at bumungad sa'min ang isang napakalawak na lugar.

Animo'y nakatanaw ako ngayon sa malaking City na mayroong naglalakihan at naggagandahang mga bahay na up and down. Mayroon ding mga mall dito. Hindi ko inaakalang ganito kaganda ang loob ng kubo na yun.

"Nandito na tayo sa Komunidad De Lecitel! Nandito ang mga Elite at Royal Family ng Lecitel at ang palasyo ang una nating pupuntahan." Narinig kong anunsyo ng lalaking nakaitim na kakasulpot lamang sa harapan namin.

Pagkasambit nya yun ay agad na nagtungo sa dalawang limousine na nakapark ngayon. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumakay run at puntahan ang palasyo ng mga Lecitel.

Sa aming daan ay mas lalo akong napamangha sa aking mga nasaksihan. Hindi mo aakalain na sila ay mga bampira sapagkat kung umakto at gumalaw ay parang mga normal na tao. May mga studyante rin kaming nadaanan na masayang nakikipagkulitan sa isa't isa. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa aking kapatid.

"Ayus ka lang ba, Jed?" Tanong ko sa kanya habang sya ngayon ay nakayuko parin.

"P-Paano na tayo, Ate? Nasaan na si Papa?" Malungkot nitong tanong sa'kin. Sa kanyang sinabi ay hindi ko mapigilang alalahanin muli si Papa. Sana ayus lang sya kung nasaan man sya ngayon.

"Magiging maayus rin ang lahat, Jed. Babalik si Papa at babalik tayo sa dating buhay natin." Pilit na ngiting tugon sa kapatid bago isandal sya sa aking balikat.

Ilang sandaling byahe ay narating na rin namin ang isang malaking palasyo.  Mas malaki parin ang palasyo nang mga Camero kumpara dito. Pero masasabi kong napakaganda rin 'to dahil maraming mga halaman ang nakapalibot dito. Tunay na sumisimbolo na ang mga Lecitel ay mga manggamot.

"Nandito na tayo," narinig kong sambit ng Driver bago pagbuksan kami nang pintuan.

Pagkababa pa lamang sa kotse ay agad nang bumungad sa'min ang dalawang sosyal na mag asawa na ngayon ay ngiting ngiti sa'min. Sa tingin ko ay sila na ang Reyna at Hari dahil maraming mga guwardya ang nakapalibot sa kanilang dalawa.

"It's been a long time to see you, Sebastian." Masayang bati ng Hari at mabilis na sinalubong si Sevi ng yakap.

"Salamat, mahal na Hari." Nakangiting pasasalamat naman ni Sevi.

"Mabuti naman dahil dumating na kayo dahil mayroong isa rito na excited sa pagdating nyo." Parang bata na gigil ng Reyna pero may mabilis na sumalungat sa sinabi nya.

"Hindi kaya, Mommy!" Nakasimangot nitong pagsalungat sa Reyna kaya nabalutan ng tawa ang lahat.

"Nandyan na pala ang anak kong kanina pa  naghihintay sayo, Sebastian." Natatawang panlalaglag ng Reyna.

"Tsk, wag kang maniwala sa kanya Baste." Naiilang nitong sambit saka hinawi pa ang mahabang buhok ns tumatakip sa kanyang mukha.

Hindi ko mapigilang pagmasdan sya, tunay na may malaking pinagyayabang rin 'tong ganda. Isa lamang ang masasabi ko, parang isang Dyosa ang nasa harapan ko. Hindi ko tuloy mapigilang maikumpara ang aking sarili sa kanya. Tunay na mas maganda 'to kumpara sa'kin..

Akala ko'y magtatapos na sa batian yun ngunit nagulat ako sa sumunod na nangyari

"By the way, welcome to Lecitel again Baste, I miss you so much." Diretsong sambit nito at walang pasubalit ns niyakap si Sebastian sa harapan ko.

YES! SA MISMONG HARAPAN KO!



___________

[ A/n: thanks for reading❤️ ]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon