KABANATA 29

325 15 0
                                    


[ KABANATA 29 ]

"Yes, you heard it right. You want to know why?" Nakangiting tanong nya pa. Animo'y natural lamang sa kanya na sabihin yun sa'kin. Kay hirap isipin dahil ibang-iba ang Ellang kausap at kaharap ko ngayon.

"W-What do you mean? Paanong nangyaring magkapatid kayo? At yung kanina, anong pakulo yun?" Dire-diretsong tanong habang sinasabayan sya sa paglalakad.

Pero imbes na sagutin ay hinila lamang nya ako at mabilis kaming nakapasok sa loob ng gate papalabas sa gubat. Eksaktong may nadaanan kaming isang bench at walang pasabi-sabing umupo. Habang ako ay nanatili paring nakatayo sa kanyang harapan gamit ang naguguluhang tingin.

"Iilan lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ko," panimulang kwento nya sa'kin.

"Ang aking ina ay ang dating reyna ng Lecitel Clan at sya ang pangalawang asawa ng ama ni Sebastian. Samakatuwid, magkapatid kami sa ama." ani nya habang nakatanaw sa kawalan.

"Ngunit.. nanatiling lihim yun sa lahat dahil maaaring magaya ako sa aking ina, na nawala na lang bigla. Maraming taon na rin ang lumipas ngunit hindi ko na sya nakita simula nung magkagulo ang buong Lecitel dahil sa mga bandidong nagtangkang lusubin kami." Mapait nyang sambit habang nakapamulsa.

"Kaya para manatiling lihim yun ay kailangan kong magpanggap sa harapan ng kapatid ko kapag may ibang nakakakita sa'min," nakayukong kwento nya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapalungkot dahil sa kwentong narinig. Kay dali ko syang hinusgahan kanina, kailangan nya palang gawin yun para manatili syang ligtas.

"K-Kamusta naman kayo ni Sevi?" Wala sa sariling naitanong sa kanya.

"Don't worry, we're both okay. Kahit hindi kami naguusap masyado, ramdam kong pinapahalagaan nya ako bilang kapatid nya." Nakangiting sagot ni Ella sa'kin.

"Pasensya pala kanina, sadyang kailangan kong sabayan ang pinsan kong si Yazmin. Without knowing, ikaw pala ang babaeng minamahal na ni Baste." Natatawang sambit nya habang humihinge ng paumanhin sa'kin.

Sa aking narinig ay hindi ko rin mapigilan mapasabay sa tawa nya. Tunay ngang nakakatawa dahil sa naramdamang inis rin kanina.

"A-Ayus lang, hindi ko naman masyadong alintana yun." Naiilang na sagot saka tinuon ang tingin sa mga bampirang naglalaro sa parke.

Ilang sandali pa ay agad syang tumayo at inalalayan ng kamay. Hindi ko maintindihan ang kanyang pinahiwatig kaya hindi ko maiwasang tignan sya gamit ang naguguluhang mga tingin.

"Let's go, my future sister-in-law." Mahinang bulong nya sa'kin bago hilahin muli.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatinaod sa kanya hanggang sa tuluyang makarating kami sa palasyo. Eksaktong nakasalubong ko ang aking kapatid sa hallway. Nang matapos yun ay nagpaalam na ako kay Ella bago pumunta sa kwarto namin.

Nakakain na rin kami't lahat. Ngayon ay mahimbing ng nakatulog sa isang kama ang aking kapatid habang ako ay nanatiling dilat pa at pinagmamasdan ang kisame. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari kanina.

Una, ang pagtulong sa'kin ni Luke. Pangalawa ay nang malaman na magkapatid pala si Ella at Sebastian.

"Matulog na Ariel! Gabi na!" Panenermon sa sarili habang pinipilit na pinipikit ang mga mata.

Kahit anong gawin ka yata ay hindi ko na makukuha ang aking tulog. Pero nanatiling nakapikit parin dahil nagbabakasakali na dalawin ako ng antok ngunit wala. Hanggang sa marinig ang pagbukas galing kung saan.

Dali-dali akong napatayo at handa na sanang sugurin yun kung sino man ngunit iba ang aking nakita. Tanging ang bintana lamang ang nakabukas, ang medyo malakas na hangin ay unti-unting tinangay ang aking mahabang buhok mula sa aking mukha.

Nakaramdam pa ako nang kaunting panlalamig ngunit pinili ko paring lapitan ang bintana para maisara 'to nang maayus. At gaya nang inaasahan ay naisara ko naman 'to. Kasabay nun ay ang mabilis na paghila sa'kin ng isang taong hindi kay pamilayar.

Isa syang babaeng nakaitim na kay hirap aninagin ang mukha. Sinubukan ko mang pagmasdan ay hindi ko magawa dahil unti-unti akong nanghina ngunit bago nawalan ng malay ay narinig ko pa ang huling sinabi nya.

"Prepare yourself 'coz soon it will begin."

Afterwards, I woke up catching my breath with my sister beside me, looking worried and shock.

"Ate nananaginip ka, kanina pa.." nag-aalalang sambit nya sa'kin.


___________

[ A/n: ilang chapters na lang, matatapos na po 'to. Sana'y abangan nyo ang pagtatapos ng storyang 'to. Ty! ]



I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon