[ KABANATA 6 ]
Buhat-buhat ako ngayon ni Sebastian habang nilalakbay namin ang kagubatan na 'to. Iilan lamang kami dahil ang iba'y nauna nang naglakbay patungo sa lagusan. Oo, gaya nang gusto nyang mangyari ay isasama nya ako kanilang tirahan. Nakakatakot mang pakinggan ay wala na akong magagawa dahil nasa kanya ang desisyon.
Ilang sandali pa ay tumigil ang lahat dahil sa kakaibang ingay. Unti-unting umukit na naman ang kaba sa aking puso. Hindi ko mawari kung ano yun pero sana ay ayus lang ang lahat. Pero nawala ang aking kaba nung makita ang 'Ok' sign nina Sykie at Skye.
"Ipagpatuloy ang pagkalalakbay!" Malakas na sigaw naman ni Slay.
Hanggang sa makarating kami sa parteng may maraming daan. Ako'y agad naguluhan kung saan kami dadaan sa apat na lagusan na 'to.
"Tignan nyo sa parteng yun, paanong nangyaring nagbukas muli ang lagusan ng mga Etsai iluna?" Nagtatakang tanong ni Syxtro.
Ang aking paningin ay napadako na rin sa lagusang may itim na daan at maraming ugat na nakapalibot.
"Iyon ang dapat nating alamin ngunit kailangang muna nating bumalik sa Universidad," Diretsong sambit ni Sebastian sa lahat.
Pagkatapos nyang sambitin yun ay mabilis nya akong binuhat ulit saka tinahak ang pinaka gitnang lagusan na mayroong puting lupa. Ngunit bago pa kami makapunta dun ay agad ko syang pinigilan.
"W-Wait! P-Paano ako makakapasok d-dyan kung h-hindi nyo naman a-ako kauri, h-hindi ako b-bampira gaya n-nyo?" Wala sa sariling tanong. Sa sinabi kong yun ay nakakuha ako nang malakas na tawa mula sa kanila. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Don't worry, you're different.." Makahulugang sagot nya.
Magbibitaw pa sana ako nang tanong ngunit agad yung naputol dahil mabilis syang tumakbo para tuluyang makalusot kami sa lagusan. Ako'y napakapit ng mahigpit sa damit ni Sevi saka napapikit dahil sa sobrang liwanag na sumalubong saamin. Hanggang sa marinig ang cue mula sa kanya.
"Open your eyes, my Ariel," malambing nyang utos at hindi na ako nag alangan pang sundin s'ya.
Agad kong nilibot ang aking paningin at pansin ko ang pagkawala nang ibang kasama namin. Tanging dalawa na lamang kami ni Sebastian ang nandito.
Ngunit hindi ko mapigilang mapamangha dahil sa aking nakikita. Mula sa kinatatayuan namin ay bumungad ang medyo malaking syudad. Napakagandang tignan ang mga ilaw mula sa mga bahay at building sa ibaba ng bundok na 'to. At sa pinaka dulo ay nakatirik ang napakalaking palasyo.
"Welcome to my kingdom, Universidad de Camero Vampyr, Arielene." Nakangiting sambit nya habang nakatayo malapit sa isang puno.
"Napakaganda dito," wala sa sariling nasambit.
Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari. Ako'y hindi parin makapaniwala. Animo'y isang panaginip ang lahat. Pero kanina lamang ay nakita ko kung paano nawala ang mga pangil at pamumula nang kanyang mga mata.
"But I want to ask you something.." seryosong sambit nya.
Gusto ko mang magbitaw ng salita ay hindi ko magawa dahil umurong yata ang sariling dila. Unti-unti syang lumapit sa'kin, hindi ko kayang umatras o gumawa nang hakbang papalayo sa kanya dahil nanatili akong tuod sa aking kinatatayuan. Hanggang sa tuluyan s'yang makalapit at pumwesto sa aking likod.
"..and you must answer me honestly." Diretsong sambit nya malapit sa aking tenga.
Ito'y tunay nakakakiliti dahil sa kanyang hiningang tumatama mula sa aking leeg.
Hanggang sa makatanggap ako nang isang yakap mula sa kanya. Malamig man ang dating nun ay napakasarap parin sa pakiramdam. Animo'y walang mangyayaring masama sa'kin sa t'wing nararamdaman ko ang kanyang yakap.
"Now, you know the truth. Are you scared of me?" Tanong nya sa'kin.
Mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses. Sa aking narinig ay hindi ko maiwasang mapangiti ng kay lapad.
Ako'y aminadong nahihiya man ngunit pinilit ko paring harapin sya at hawakan ang kanyang malamig na pisnge. Kitang-kita ko kung paano mamungay ang kanyang mga mata. At napadako ang aking tingin sa kanyang mapulang labi. Medyo nang aakit man 'to ngunit hindi ko na hinayaan pang manaig ang sinisigaw ng aking puso dahil mabilis ko syang niyakap ng mahigpit bago bitawan ang mga katagang yun.
"Hindi ako natakot sa itsura mo, natakot ako sa posibleng mangyari sayo." Nakapikit kong sambit at mabilis akong nakakuha nang sagot mula sa kanya.
"Then, let me mark you as mine. You're mine, forever." Tanging sagot nya bago maramdaman ang pangil na unti-unting bumaon sa aking leeg.
Gusto ko mang sumigaw ngunit hindi ko na nagawa dahil agad akong nawalan ng malay.
____________
( A/n: nawols kasi inaangkin😭. Char! Salamat po sa mga nagbabasa ng aking kwento! Isang rawrrr naman dyan nyahahaha )
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampirosAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...