[ KABANATA 5 ]
"Ngayon mo sabihin sa'kin na hindi kita pagmamay-ari, Arielene," nakangising sambit nya habang diretsong nakatingin sa'kin, gamit ang malamig at kakaibang kulay na mga mata.
"S-Sorry, h-hindi ko naman inaakalang m-makikita kita dito... sa mismong lugar na 'to ngayong gabi." Nahihiyang sagot sa kanya pero minaigi kong pagmasdan ang kanyang mukha.
Agad na sumagi sa isipan ang aking napanaginipan. Pilitin ko mang alalahanin ang mukha nang bampirang yun, hindi ko mawari dahil masyadong malabo para maalala kong muli. Pero ngayong kaharap ko na si Sebastian Camero, ang taong hinihintay kong makilala, ay hindi ko mapigilang ikumpara sya sa bampirang yun.
Hindi kaya sya yun? Pero mukhang malabo naman yatang mangyari yun dahil nasa Millenial stage na tayo. Hindi na uso yang mga malignong, lalo na ang mga bampira!
'Dyusko! Ano ba 'tong pinag iisip ko?' bulong sa sarili saka napapikit ng mariin.
Sa aking pagkakapikit ng mariin ay mabilis kong narinig ang kanyang pagtawa. Mas lalo akong naguluhan at nasagihan ng hiya dahil animo'y alam nya kung ano ang iniisip ko ngayon.
'P-Pero paano kung oo? Nababasa nya kaya kung ano ang iniisip ko?'
"Pftt, you're so funny. Don't worry, hindi ko naman nababasa kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan." Preskong presko nyang sagot saka humakbang para makalapit sa'kin.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa agarang paglapit nya. Agad akong nag iwas ng tingin nung magtama ang aming mga mata.
'Sh*t! Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil kung gagawin ko yun, animo'y mababaliw ako sa mga titig nya. Weird man pakinggan o malaman, nakakapanglambot sya nang tuhod.'
Naramdaman ko ang paglandas ng kanyang kamay sa aking pisnge, ang malamig nyang haplos ay dumadagdag sa matinding kalabog ng aking puso.
"Bakit hindi ka makatingin sa'kin? Pinapabilis ko ba ang tibok ng iyong puso?" Tanong nya at kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.
"H-Hindi naman, s-sadyang naiilang lamang ako dahil u-unang pagkikita palang natin 'to," nahihiyang pag-angal dahil sa tinanong nya.
"Unang pagkikita nga ba talaga?" Mahinang tanong nya pero hindi yun nakatakas sa pandinig ko.
"A-Anong s-sinabi mo?" Agarang tanong sa kanya pero isang ngisi lamang ang umukit sa kanyang mga labi.
Akmang kokomprontahin ko pa sana s'ya pero may narinig kaming sigawan galing sa labas. Ako'y nakaramdam ng kaba dahil sumunod ang mga kakaibang tunog, animo'y mga alulong ng mga lobo.
"Lock all the door!" Malakas na sigaw ni Sevi sa lahat.
Kitang kita ko naman kung gaano sila kabilis gumalaw para sundin ang kanyang sinabi. Sa kinatatayuan ko ngayon ay hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari?
Ang ibang Camero's Clan ay lumapit na rin sa'min.
"What should we do? Mukhang marami sila." Unang bungad ng isang lalaking may hawak ng palakol.
"Sino ang mga yun, Slay?" Diretsong tanong naman ni Sevi. Slay, pala ang pangalan nya.
Pero agad na dumating ang isang matangkad na lalaking nakasuot ngayon ng black na head band. At sya ang sumagot sa katanungan ni Sevi.
"Anong balita Syxtro?" Agad na tanong ni Slay sa kanya.
"Na check ko na kung sino sila." Seryosong sambita nya samin. Ang lahat ng atensyon ay nasa kanya na.
"Tama nga ang malakas kong pang-amoy. Mga Etsai iluna ang nagmamanman sa'tin kanina pa, bumalik na naman sila." pandaragdag niya pa, sa sinabi nyang yun ay mas naguluhan ako.
"Kung ganun, alam nyo na ang dapat gawin. Kailangan ko syang ilayo sa kanila." Buong boses na utos ni Sebastian sa lahat. At mabilis silang lumabas habang ang iba'y kanya-kanya na rin ng paraan kung paano makatakas.
Ilang sandali pa ay mabilis akong hinawakan ni Sevi sa kamay bago hilahin papunta kung saan. Maraming pintuan ang nilabasan namin hanggang sa namalayan ang sariling nasa likod ng Building.
"S-Saan tayo pupunta? S-Sino ang mga Etsai iluna?" Nauutal na tanong ngunit nanatili syang tahimik at mabilis na tinatahak ang daan palabas.
Akala ko'y tuluyan na kaming nakatakas pero mabilis na lumitaw ang mga lalaking naka itim. Mas lalo akong nagulat ng masilayan ang bawat kulay ng kanilang mga mata na ngayon ay umaapoy sa pula.
"Nakakatawang tignan na tumatakbo ang isang Sebastian Camero?" Natatawang bungad ng lalaking mayroong maraming Piercings. Idagdag mo pa ang kakaibang amoy galing sa kanila.
"Sino ang nag utos sa inyo?" Mariing tanong pabalik ni Sebastian dito. Imbes na sagutin ay tinawanan lamang sya ng mga 'to.
"Hindi mo ako mauutusang mapagsalita, Sebastian. Hindi ikaw ang hari ko, ang hari ng mga Etsai iluna." Nakangising baling nito kay Sevi.
Nakita ko ang mabilis na pagtiklom ng kamao ni Sevi. Animo'y handa na s'yang suntukin ang lalaking kaharap namin. Pero laking gulat ko nang sa akin naman sya tumingin.
"Mukhang mabangong nilalang ang kasama mo ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, sya pala ang naamoy namin kanina pa." Nakakapanlokong sambit nito gamit ang nanlilisik na mga mata. Hindi ko mapigilang mapakapit sa braso ni Sevi.
"Don't mind them and close your eyes, right now." Narinig kong utos nya sa'kin. Hindi na ako umangal pa at sinunod lamang sya. Natatakot man ako sa posibleng mangyari sa kanya ngayon ay pinili kong pumikit na lamang.
Ngunit kasabay ng mabilis kong pagpikit ay narinig ko ang mga kalabog at suntok. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Paano kung hindi nya kayanin? Mag isa lamang sya habang sila naman ay lima. Malabong manalo sya pero sana kayanin nya.
Ilang sandali pa ay nawala na ang ingay, tanging huni ng mga ibon ang tanging narinig ko. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit natatakot ako, hindi ako handang tignan kung ano ang nangyari.
"S-Sevi.." Mahinang pagtawag ko sa pangalan nya ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya.
Akmang bubuksan ko na sana ang aking mga mata nang mabilis na naramdaman ko ang isang yakap. At narinig ang binitawan nyang salita malapit sa aking tenga.
"It's not safe to be here. This is the right time to go home, to go back from Universidad De Camero Vampyr." Diretsong sambit nya kasabay ng tuluyan nyang pagbitaw sa yakap. At dun ko nasilayan ang kanyang mukha, kakaibang awra.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa aking nakikita.
"This is not a dream, Arielene. You sold yourself to me, to a Vampire Prince."
________
[ A/n: tanawols ni-o-owned hahaha]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...