KABANATA 20

451 23 0
                                    

[ KABANATA 20 ]

"Who told you I won't come? I will come just for her, for my wife." Iyan ang mga katagang narinig ko galing sa napaka pamilyar na boses. Nung marinig yun ay halos magtatalon ako ngayon sa kinatatayuan ko.

"S-Sebastian," naiiyak kong sambit dahil sa halos isang taon na lumipas ay ngayon ko lang sya ulit napagmasdan.

Sa una't sapol palang ay ramdam kong totoo sya, ang lalaking bampirang bumihag sa'kin, sa puso ko. Gusto ko syang puntahan at yakapin ngayon sa kinapwe-pwestuhan nya ngunit hindi ko magawa dahil hawak parin ako nang napakahigpit ng lalaking 'to.

"Let go of her, Lark Willgor." Pagbabanta ni Sebastian gamit ang maawtoridad nyang boses mula sa lalaking humahawak ngayon sa'kin na si Lark Willgor. Wait, parang familiar ang kanyang apelido? Parang narinig ko na yun galing kung saan?

"Akalain mo nga naman, nag krus muli ang landas nating dalawa, PAMANGKIN ko." Makahalugang sagot nito kay Sebastian.

Halos lumuwa ang sariling mga mata dahil sa aking narinig. Tama ba ang aking pagkakadinig na tinawag nyang pamangkin si Sevi?

"Wala akong kamag-anak na katulad mo, isa kang traydor!" Mariing sambit nya kay Lark.

Imbes na matakot ay tanging malakas na halakhak ang kanyang tinugon.

"Hawakan nyo sya," utos nya sa kanyang mga alagad saka mabilis na pinahawak ako sa mga 'to.

"Bitawan nyo ako! Wag nyo akong hawakan!" Pagpupumiglas kong sambit ngunit animo'y wala silang naririnig.

"Tumahimik ka kung ayaw mong bawian kkta nang hininga sa harapan ng minamahal mong inutil na PRISIPE." Nakangising pananakot nya gamit ang nanlilisik na mga mata.

Ako'y agad natahimik sa kanyang sinabi dahil sa takot ko. Gusto ko mang sumigaw pa, nakita ko ang mga nakikiusap na tingin ni Sevi na tumahimik muna ako kaya wala na akong nagawa kundi magtiwala sa kanya.

"Ibigay mo na lamang sya sa'kin kung ayaw mong ubusin ko ang inyong lahi ngayong gabi," pandaragdag ni Sebastian na pagbabanta.

"Hindi ako uto-uto kagaya mo, Sebastian Camero. Hindi mo ako matatakot, parehas lamang kayo nang Ama mo!" Nanggagalaitang sigaw ni Lark Willgor.

Pagkasambit nun ay agad nagbago ang  kanyang anyo sa isang napakalaki at itim na itim na Lobo. Tunay na nakakatakot sya! Medyo napaatras ako dahil sa pangamba na aking nararamdaman.

Kasabay nun ay nagbago na rin ang anyo ni Sebastian, mas lalong pumula ang kanyang mga mata. Mabilis na lumabas ang napaka talim nyang ngipin at kuku.

Agad silang nagkasagupaan. Masyadong malakas ang bawat isa kaya pantay lamang ang binibigay na pwersa. Habang sila ay nagkakasagupaan ay palihim kong kinuha ang patalim sa aking bulsa saka mabilis na ginamit 'to sa dalawang Lobo nakahawak sa'kin ngayon. Nahirapan ako ngunit agad ko rin nasaksak silang dalawa ng patalim na mayroong kakayahan na patayin ang mga nilalang na 'to. At sinunod ko ang lalaking Lobong humahawak sa aking kapatid.

"A-Ate!" Natatakot na sigaw ng kapatid ko.

"Pumunta ka sa bandang dun Jed! Magtago ka muna!" Utos sa aking kapatid bago harapin ang Lobong 'to.

Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming nagkasagupaan. Malakas sya kaya napahiga ako sa sahig dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya sa'kin. Ramdam ko ang pananakit ng aking mga katawan dahil sa nangyaring yun ngunit minaigi kong tapangan at lakasan pa ang sarili. Hanggang sa tuluyan tong masaksak at nawala na parang hangin sa kawalan.

Agad akong napangiti dahil nagwagi ako. At nakita ko rin ang nangyayari kung ano na ang kalagayan ng labanan nila Lark at Sebastian.  May sugat na sa kamay si Sebastian habang si Lark naman ngayon ay iniinda ang saksak  mula sa kanyang tagiliran. Kitang-kita ko na medyo nahihirapan na 'to.

"Wala ka nang laban, Lark. Sumuko ka na lamang." Diretsong sambit ni Sebastian ngunit sadyang matigas ang ulo ni Lark.

"H'wag mo akong turuan, Sebastian. Hindi ako magpapatalo sa kagaya mo! Hindi pa tayo tapos!" Nahihirapan nitong sagot habang iniinda ang sugat sa kanyang tagiliran.

Akmang lalapit pa sana ako nang agad kong naramdaman ang mabilis na mga kamay para takpan ang aking bunganga. Ako'y nagpumiglas at mabilis na naagaw ang  atensyon ni Sevi.

Ilang sandali ay nagbitaw 'to nang katagang mas lalong nagpagulat sa'kin.

"Bitawan mo ang aking AMA, kung ayaw mong agawan ko rin ng buhay ang babaeng mahal mo, Sebastian." Malamig na sambit nito, ni Luke Willgor.

Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat, ang ama ni Sebastian at Luke ay magkapatid. Sila ang magkapatid na nasa kwento ni Ma'am Mistera. Hindi kaya bampira rin ang misteryosong guro ko? Shet! Naguguluhan na ako!

_____________

[ A/n: read well! Ciao! ]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon