KABANATA 3

747 21 1
                                    

[ KABANATA 3 ]

Napaigtad ako sa aking pagkakatulog dahil sa napanaginipan. Hindi ko mawari kung totoo ba ang aking nakita, pero napaka imposible naman yun!

"Napakagulo! totoo kaya yung nakita ko?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

Napanaginipan ko lang naman na mayroong lalaking bampira ang pumasok sa loob ng aking kwarto. Ramdam ko parin ang matinding paghingal. Animo'y totoo ang lahat ng nangyari sa aking panaginip dahil sa kaba na aking nararamdaman.

Ganun parin naman ang aking damit pero maayus akong nakahiga sa malaking kama. At ang liwanag galing sa labas ay tumatama na sa aking mukha. Sh*t! Umaga na pala!

"A-Aray ko!" Matinding pag inda dahil sa sakit na nararamdaman mula sa aking ulo. Animo'y pinupukpok 'to nang malaking martilyo dahil sa bigat nito.

Kahit masakit ay pinilit ko paring maligo at ayusin ang sarili bago napagdesisyonan ng bumaba. Medyo nakaramdam na rin ako nang gutom at eksaktong may binili akong mag isda kahapon. Gusto kong magluto ng paksiw!

Sa aking pagpasok sa kusina ay agad na bumungad si Secretary Sadie na ngayon ay nagtitimpla ng kape?

"Take this for you to lessen the pain on your head." Walang ganang sambit nya at inabot ang maliit na tasa.

Medyo nababahala man ay tinanggap ko parin 'to at mabilis na tinungga. Pagkatapos umukit ang pait sa aking lalamunan ay ganun din kabilis nawala ang sakit sa aking ulo. Manghang mangha ako sa inuming binigay nya sa'kin.

"Wow, effective yung binigay mong inumin Sadie!" Ngiting ngiti kong sambit sa kanya pero wala 'tong reaksyon at nanatiling tahimik saka humikab pa.

"Good for you. But you need to go to the dining area and eat your lunch. After that, dress up because we'll attend a party." Makahulugang utos sa'kin ni Sadie.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin sya dahil baka English in na naman ako. Masyado tayong mahina para dun.

Pagkarating ko sa dining area ay bumungad sa'kin ang maayus na set up ng mga pagkain sa lamesa. Hindi ko mapigilang matakam dahil sa aking nakita. Kaya agad kong sinunggaban 'to pero halos umurong aking sikmura dahil sa akong natikman.

"Ano ba 'to?! Shete! Bakit walang lasa?" Iritadong nasambit.

Saan ka ba nakakita nang adobong walang bawang at sibuyas, prinitong isda na walang asin o pampalasang naibahid.

Mabuti na lang ay may hotdog saka beef steak ang nandito kaya yun na lamang ang kinain ko.

Hindi na ako nahirapan pang mag ayus dahil konting make up lamang ang nilagay ko sa aking mukha. At pinili kong ilugay ang mahaba kong buhok na medyo curl pa. Pagkalabas sa banyo ay agad na bumungad sa'kin ang isang napakagandang dress sa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapamangha hanggang sa tuluyang maisukat 'to.

Ilang sandali pa ay napagdesisyonan ko nang bumaba at inalalayan ako ni Sadie. Mabilis naming tinahak ang Limousine pero bago yun ay may binilin pa sya sa'kin.

"Never remove this necklace and your mask. Don't let anyone see this or your whole face. Do you understand me?" Seryosong sambit nya sa'kin kaya hindi ko mapigilang kabahan. Dyusko! Ano bang klaseng party yung dadaluhin namin?

Tanging pagtango na lamang ang aking nagawa hanggang sa tuluyan kaming makasakay sa limousine. Sa aming byahe ay hindi ko mapigilang kabahan dahil kanina pa kami bumabyahe. Nakalabas na rin kami sa syudad kaya puro puno na lamang ang nakikita ko.

"S-Saab ba t-tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero wala syang naging tugon.

Sya ay nanatiling nakatingin sa harapan. Kaya ginaya ko sya at halos magulat ako sa aking natanaw, isa itong napakalaking Building na nakatayo sa pinaka taas ng bundok.

Hanggang sa kusang bumukas ang gate para saamin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso, ano kaya ang mangyayari sa'kin ngayong gabi dahil sa labis na kabang aking nararamdaman!

"Are you ready, Arielene?" Nakangisiing tanong nya kaya labis akong hindi makagalaw sa aking kinauupuan ngayon. Animo'y ayaw ng mga paa kong sumang ayon sakin na lumabas.

"A-Anong k-klasing l-lugar 'to?" Kinakabahan kong tanong pero mas lalo lamang syang ngumisi ng kay lapad. Agad syang nagbitaw ng kasagutang mas lalong nagpabilis sa tibok ng aking puso.

"You will see him. He will own you, tonight." Makahulugang sambit nya bago tuluyang makalabas sa kotse.

God! What should I do? Lalabas ba ako? O mananatiling takot sa kinauupuan ko?

_________

[ A/n: e kung ikaw, magpapa angkin ka ba o tatakbuhan mo ang isang gwapong bampira?]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon