KABANATA 31

312 15 0
                                    

[ KABANATA 31 ]

Matapos naming bumitaw sa halik ay hindi ko tuloy maiwasang mag iwas ng tingin dahil agad na dumaloy ang hiya sa'kin.

"S-Sevi, g-gabi na. H-Hindi ba may i-inaasikaso kayo nang hari kanina? B-Baka hinahanap ka na n-nya." Pagiiba ko nang usapan at medyo lumayo sa kanya.

Pero imbes na makawala ay mabilis nya akong pinigilan, gamit ang pagyakap nya sa aking bewang saka sumandal sya sa'kin.

"Shhh Ariel, gusto kitang makasama ngayong gabi. Gusto kong bumawi sayo, sa lahat ng pagkukulang ko." Diretsong sagot nya sa'kin.

Bahagyang nabalutan ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Ngunit hindi ko mapigilang mapangiti ng mapagtanto kung ano ang kinapwe-pwestuhan naming dalawa. Agad kong sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Napakalambot nito at ramdam kong gusto ni Sebastian ang ginagawa ko.

Ilang sandali pa ay nagulat kami sa biglaang pagtakbo ni Jed papasok sa loob ng kwarto namin. Hingal na hingal 'to, animo'y tumakbo 'to nang napakalayong lugar.

"Anong nangyari sayo, Jed?" Mabilis na tanong ko sa kanya.

Hindi agad 'to nakasagot dahil sa matinding paghingal.

"Jed!" Tawag kong muli sa pangalan nya ngunit tanging pagiyak ang sumunod na tinugon nya.

"A-Ate, may mga k-kalabang s-sumasalakay sa'tin n-ngayon.." takot na takot na sagot sa'kin ni Jed.

Nang marinig yun agad na napadako ang aking tingin sa kanya, kitang kita ko kung paano itiklop ni Sebastian ang kanyang mga kamao. Animo'y ano mang oras ay handa na syang sumugod.

Akmang magsasalita pa sana ako nang marinig ang mabilis na iniluwa nang pintuan ang ibang mga Camero.

"Nalaman nilang nandito tayo, Seb." Seryosong bungad ni Slay na ngayon ay mayroon ng nakakapanlisik na tingin.

"Tsk. Ang pinagtataka ko, kung bakit kay bilis nilang nalaman na nandito tayo!" Inis na inis namanng pandaragdag ni Yayks.

Sa kanyang sinabi ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyaring kanina. Dyusko! Wag nyang sabihin na sinumbong nya talaga ako sa mga kalahi nya! Agad na nabuo ang galit at inis sa puso ko, hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Luke na yun. Kaya hindi ko mapigilang mapapikit at torturein sya sa utak ko

"Ariel, ayus ka lang ba?" Agad na tanong sa'kin ni Yushiro gamit ang napaka inosesnte nyang tingin.

"O-Oo naman, s-sadyang may iniisip lang." Naiilang kong sagot.

Nung sinabi nya yun, animo'y nabahiran ako nang kaunting hiya dahil nakita nya pa ang hindi ka nais-nais kong ginawa. Mas lalo tuloy akong naguilty dahil parang ako ang dahilan kung bakit natuntun kami nang mga kalaban. Kung nagingat sana ako ay hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to.

"So, what's the plan?" Pagsingit naman ni Sadie.

"Kung hindi tayo gagawa ng paraan at puro pagtakas lamang gagawin natin ay tiyak na matatalo tayo. At hinding hindi tayo titigilan ng mga yan." mahabang pagsingit naman ni Sev.

"Ayss, hirap.." nakasimangot na sambit ni Yushiro.

Habang si Sebastian naman ay nanatili lamang seryosong nakatingin sa kawalan.

"Sebastian, what's your decision?" Seryosong tanong ni Syxtro.

Medyo nabalutan ng katahimikan ang pagitan namin ngunit ilang sandali ay narinig namin ang malalim na buntong hininga ni Sebastian bago magbitaw ng salita.

"Now or never, Let's begin this fight.."

_________

A/n: salamat po sa inyo!


I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon