[ KABANATA 37 ]
Ako'y agad napatigil sa aking kinatatayuan dahil ngayon sa aking nasaksihan. Hindi ko mapigilang mapasapo sa aking bibig upang hindi tuluyang mapasigaw. Unti-unti rin akong napaupo dahil ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod.
"N-No! No no no!" Paulit-ulit kong sambit habang pinagmamasdan ang lalaking sumalo sa espadang hawak ngayon ni Lark. Iyon ang espadang tatama sana sa lalaking mahal ko ngunit sinalo ng lalaking 'to.
Nanginginig man ang aking mga kalamnan at hindi matanggap ang mga nangyayari ngayon ay minaigi kong lapitan sya, silang dalawa. Hanggang sa makarating at masigurado ngang sya yun ay hindi ko mapigilang mapahagulgol ng iyak.
"P-Please, l-lumaban ka! H-H'wag kang bibitaw, P-Papa.." Nagsusumamong sambit sa aking Ama na ngayon ay nakahiga na sa aking mga braso.
Ramdam na ramdam ko ang kay hapdi sa aking puso. Animo'y mawawalan ako nang ulirat habang pinagmamasdan ang aking ama na naliligo sa sariling dugo.
"S-Sebastian, i-iligtas mo si P-Papa!" Nahihirapan kong pagmamakaawa kay Seb.
"I-I'm sorry.." nakayukong sambit nya sa'kin.
Sa aking narinig ay mas lalo lamang akong naiyak at niyakap si Papa ng kay higpit.
"P-Papa, naririnig mo ba ako? A-Ako 'to si Ariel, lumaban ka pa Papa! K-Kailangan pa kita, kailangan ka pa namin." Pandaragdag ko pang sambit kay Papa.
Imbes na pakinggan ay naramdaman ko ang paghaplos sa aking pisnge, animo'y pinagmamasdan nya ang buong mukha ko. Bago magpakawala ng isang matamis na ngiti, sa kabila man ng panghihina at pamumutla ng kanyang mga labi.
"M-mahal na m-mahal kayo ni P-Papa, anak." Huling sambit ni Papa bago tuluyang mapapikit at kusang dumaloy ang kanyang mga luha.
Sa puntong 'to ng aking buhay, animo'y nawalan ako nang saysay sa mundong 'to. Bakit kailangan pang kunin ang papa ko? Bakit hindi na lang ako? Para matapos na ang lahat ng problemang nararanasan!
Tanging malakas na paghagulgol at iyak ang nagawa. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pighati, tila binibiyak ang aking puso habang pinagmamasdan si Papa na ngayon ay tuluyan ng nalagutan ng hininga. Hindi ko kayang mawala si Papa!
Sa aking pagkakasubsob ay may mabilis na putok ang narinig at doon ko nakita si Lark na nakabulagta na sa sahig habang naliligo sya sa sariling dugo. Habang si Luke naman ay hawak-hawak pa rin ang isang baril, baril na ginamit para tapusin ang taong puno't dulo ng lahat!
At muling napadako ang aking tingin kay Sebastian na nakayuko parin.
"S-Sebastian, b-buhayin mo u-ulit si Papa." Wala sa sariling naisambit sa kanya habang patuloy paring tumutulo ang aking mga luha.
Kay bilis na pinako ni Sebastian ang gulat nyang tingin sa'kin.
"P-Please, h-hindi ko kayang mawala si P-Papa. K-Kahit ito lang, tuparin mo ang tanging kahilingan ko sayo." Nagsusumamong pagpupumilit pa hanggang sa naramdaman ang hawak nito sa aking pisnge bago magbitaw ng isang salita.
"How? how can I do this if your father is a formerly a vampire?" Makahulugang sagot nya sa'kin.
Bago marinig ang sunod sunod na palasong lumipad sa ere at ang isa ay tumama sa'kin. At mabilis na narinig ko pa ang pagsigaw ni Sebastian sa pangalan ko.
"ARIELLLL!!!" Malakas na sigaw ni Sebastian bago mabilis na alalayan ako.
Unti-unting nanlabo ang aking paningin ngunit hindi nakaligtas sa akin ang dalawang babaeng nakaputi at isang babaeng nakaitim na may hawak na palaso. Bago mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang huling sinabi ng nakaitim na babae.
"Whatever happens or whoever obstruct. What destined will not be changed. She need to disappear!"
@kaizen🥀
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...