[ KABANATA 25 ]"It's okay, Tito." Natatawang sambit ni Sebastian sa Hari.
Automatikong tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi nya. So, ayus lang sa kanya na yakapin sya ngayon ng babaeng 'to?
"I'm sorry if I just carried away! Namiss lang talaga kita Baste." Malambing na dagdag nyang sambit. At tanging pagtawa lamang ang naging tugon ni Sebastian.
Mas lalo tuloy kumulo ang aking dugo sa kanyang inakto. Konti na lang talaga ay susugurin ko na 'tong babaeng 'to kahit na anak pa sya nang hari at reyna. Papalit palit lamang ang aking tingin sa kanila.
"Hindi ba sabi ko sayo, dadalaw ako kapag nakaluwag-luwag." Mahinahong sagot pa ni Sevi.
"Yeah, but that was too long. And i know naman na hindi ako ang dahilan ng pagbalik mo." Makahulugang sagot nya bago kumawala sa yakap. Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Sevi.
"Nothing change. You're still the cute girl ever since, Ella." Narinig kong sagot ni Sebastian saka pinisil pa ang pisnge nung babaeng yun, ang nagngangalang Ella.
Kaya hindi ko na napigilang lumapit sa kinapwepwestuhan nilang dalawa. Ngunit agad rin akong napahinto sa aking pakay dahil sa narinig na maawtoridad na boses galing kung saan.
"Tama nga ang sabi-sabi nila, dumating ka na." Taas noong sambit ng babaeng kararating lamang.
"It's been a long time since we saw each other, Baste. I'm happy to see you again," nakangiting sambit nito, para ang anghel kaharap ko ngayon dahil maliban sa napakaputi nito ay nakasuot pa sya nang kay puting dress.
"Me too, Yazmin." Seryosong sambit ni Sebastian. Animo'y nagbago ang timpla ng kanyang mukha ng makita ang babaeng 'to. Mas lalo tuloy kumunot ang sariling noo. Hindi kaya..
"So, I'm out again. The winner is already here," pagtataas kamay ni Ella at bahagyang lumayo sa kanilang dalawa.
"Baliw ka talaga, Ella." Natatawang sambit ni Yazmin.
"I already know that my sister. O ayan na si Baste, yung kanina mo pa HINIHINTAY." Nagpapaubayang sambit nito.
Hindi na ako nagulat sa sinabi nya dahil may pagkakahawig nga silang dalawa. Idagdag mo pa na malabong maging magkapatid 'to dahil sa ugali pa lang at inaakto ngayon ay napupuno na ako.
"Shut up, Ella. Nakakahiya kay Baste," pagpapatahimik nito sa kanyang kapatid.
"Ayus lang, Yazmin." Mabilis na sagot naman ni Sebastian.
"Oh my gosh! I can't help na kiligin sainyo. Sana magkabalikan na kayong dalawa," kinikilig na dagdag na sambit pa ni Ella.
Kaya hindi ko na napigilang mapaubo para maagaw ang kanilang atensyon.
"Excuse me," wala sa sariling pamamaalam at mabilis na umalis sa harapan nila.
Hindi ko na talaga kayang marinig pa ang usapan nila. Mas lalo lamang akong maiinis dahil wala akong magawa kundi ang panoorin sila nang babaeng yun. Or i mean nung ex nya? Tsk! Uso pa pala dito yun.
Sa aking paglalakad ay hindi ko maiwasang sipain ang mga maliit na batong nadadaanan ko.
"Tsk! Nakakainis! Bakit kailangan pang yakapin sya ng babaeng yun!" Wala sa sariling sambit habang nakayuko at patuloy na pinagsisipa ang mga bato.
"Pwede namang mag hand shake na lang o 'di kaya wave." Pandaragdag pa.
"Mukhang gustong gusto naman nyang yakapin sya nang Ella na yun. Idagdag mo pa na parang apektado pa yata sya sa ex nyang si Yazmin." Iritadong singhal pa sa sarili.
"Aish! Kairita!" Naiinis na sigaw sa kawalan.
"kawawang mga bato, napagtuunan pa nang inis." Narinig kong sambit ng gamit ang kay pamilyar boses.
Nung marinig yun ay mabilis na napatingin ako sa lalaking preskong-presko ngayon na nakasandal sa puno at naka crossed arm pa.
"S-Sinusundan m-mo ba ako?" Nauutal na sambit at umaktong parang naiinis dahil sa biglaang paglitaw nya sa harapan ko.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tanging pag ngisi lamang ang kanyang ginawa.
"Are you jealous?" Diretsong tanong nya sa'kin habang pilit na hinuhuli ang aking tingin. Sa sitwasyong 'to ay hindi ko maiwasang mautal at matuliro sa kanyang tinanong.
"A-Ako? B-Bakit naman ako m-magseselos? A-Ano k-ka C-Chinks?" Nahihirapan kong pagangal kahit na halata na sa aking mukha ang pagsisinungaling. Ramdam ko na rin ang pamumula nang aking pisnge. Dyusko! Lupa kainin muna ako sa kinatatayuan ko ngayon!
"Chinks?" Naguguluhan nyang tanong.
"W-Wala, h-hayaan muna lang y-yun. Mauna na ako s-sayo," walang pasubalit kong pagiwas bago tinalikuran sya.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang mabilis kong maramdaman ang kanyang banayad na hawak mula sa aking bewang.
"A-Ano ba, S-Sebastian? B-Bitawan mo ako!" pagpupumiglas kong hawak sa kanya pero sadyang malakas sya.
Sa hindi malamang dahilan ay kusang tumulo ang aking mga luha. At mabilis na pinagsusuntok ang kanyang dibdib. Hanggang sa mapagod ako at maramdaman ang kanyang mahigpit na yakap na sakto lamang para mapanatag ako.
"Even you push, hurt or punch me, right now. I will not leave you. Always remember, Ikaw lang ang pipiliin ko.." hinihingal nitong sambit sa'kin habang hinahaplos nito ang aking buhok.
"Ya lyublyu tebya, Ariel."
___________
[ A/n: ano kaya yun🙈 and also dedicated to kay Yazmin stylus.❤️ ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampiroAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...