[ KABANATA 12 ]Sa narinig kong yun ay hindi ko maiwasang mapapikit.
'Hindi na yata ako makakawala sa kanya, habang buhay ay pagmamay-ari nya na ako.'
Ngunit naputol agad ang aking pagiisip dahil sa mabilis na pagsulpot ng babae.
"Camero Vs Willgor Clan, maglalaban ngayon sa Court!" Excited na sigaw nito kaya ang iba ay dali-daling lumabas.
Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin ngayon sa sitwasyong ito, kung pupunta ba ako para masaksihan yun o mananatili na lamang rito.
"Sagupaan na naman ngayon, ano kaya ang dahilan ng biglaang laro na 'to? Malayo pa naman ang Intramural." Nakangising sambit ni Yushiro sa kanyang kapatid. Kaya napaisip ako sa kanyang sinabi.
'Sino ba talaga ang mga Willgor?'
"Gusto mo bang makilala ang mga Willgor?" Diretsong tanong ni Yushiro sa'kin gamit ang seryosong tingin.
Hindi ko maiwasang mabahala sa mga ngisi nya. Ilang sandali pang pagkakatitig ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
"S-Sige, s-sasama ako." Sagot ko bago namalayan ang sarili na maayus ngayong nakaupo ngayon sa bench.
Mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ko ang maraming studyante na nag aabang rin sa sagupaang mangyayari.
"Anong lalaruhin nila?" Takang tanong ko kay Yoshiya na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nasa ibaba.
"Do you see those thing, the bow and arrow?" Nakangiting sambit ni Yoshiya sa'kin.
Ako'y napamangha sa aking nakita, isa 'tong blue at red. Ito'y para sa dalawang tao lamang.
"Wow, Archery!" Excited kong sagot dahil sigurado akong yun ang lalaruhin nila.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng kay lapad dahil iyon ang paborito kong sport. Pero sino naman kaya ang mga manlalaro ngayon?
"Sino ang mga kalahok dyan?" Wala sa sariling tanong sa kanilang dalawa. Pero wala akong nakuhang maayus na sagot mula sa kanila.
"Just watch and see what will happen next,"
Nakangising sabay na sagot nila sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi ang ituon na lamang ang paningin sa harapan. Tiyak na wala naman akong makukuhang matinong sagot.
Ilang sandali pa ay namatay ang ilaw sa buomg gymn. Tanging dalawang spotlight ang patuloy na dumadapo sa kahit saang parte ng court pero agad ring tumigil 'to dahil sa boses ng isang lalaki galing saan.
"Ngayong gabi ay masasaksihan natin ang dalawang malakas na pangkat sa buong Vampire Nation. Walang iba kundi ang Camero at Willgor Clan." Paunang sambit nito at mabilis na pinakilala ang mga kalahok.
"Ang dalawang kalahok mula sa Camero ay walang iba kundi sina Slay at Sadie." Pagkasambit nya yun ay agad namang napunta ang isang spotlight sa kanilang dalawa.
Kitang kita ko naman ngayon ang malaking ngisi ni Slay habang winawagayway ang kamay sa kawalan. Ang ibang mga kababaihan naman ay napapahiyaw sa kilig.
"Habang sa Willgor Clan naman ay sina Luther at Leighton Willgor!"
Gaya nang naunang kalahok kanina ay napadako rin ang spotlight sa dalawang lalaki na hindi ko pa nakikita.
Ang isa'y preskong nakangisi habang ang pangalawa naman ay tahimik na naka crossed arms.
"Sino sila?" Wala sa sariling naitanong at agad naman akong nakakuha ng sagot.
"They are both dangerous. Luther is like a joker who love to make prank. While Leighton, have a nice personality but he's a threat." Seryosong sagot ni Yoshiya sa'kin. Sya talaga yung maraming alam, kung sa imbestogasyon ba ay nangunguna sya.
Tanging tango na lamang ang naisagot ko bago marinig ang sumunod na pangalan ng kalahok mula sa Willgor.
"Next is Luke Willgor!" Pagkasambit nun ay nakita ko ang lalaking nakausap ko kanina.
"S-Sino naman sya?" Diretsong tanong ulit.
"Sya naman si Luke Willgor, he is the most powerful Wolf. And the prince of Willgor Clan." Mabilis na sagot nya.
Kasabay nun ay nagulat ako nang mapadako ang kanyang tingin sa'kin, ito'y ngumisi at kinindatan pa ako. Ako'y agad napaiwas ng tingin. Nakaramdam ako nang pagkatuliro dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"P-Pwede bang bumalik na tayo sa room?" Mahinang bulong ko kay Yoshiya pero hindi nya pa ako nasasagot ng marinig ang anunsyo galing sa Emcee.
"And the last participant is none other than, Sebastian Camero!" Pagkasambit nya yun ay agad na naging malikot ang spotlight at nagulat ako kung saan dumako ang ilaw.
Gosh! Don't tell me!
"Do you still need to ask who's Sebastian Camero?" Tanong ng malamig na boses na dumadapo sa aking leeg.
Animo'y tumigil ang aking paghinga at pag ikot ng aking mundo. Ako'y napaestatwa sa aking kinauupuan ngayon.
"S-Sevi.." tawag ko sa pangalan nya.
"Can I get my goodluck kiss from you, my wife?"
_______________
[ A/n: oh! Isa isa lang po, pila lang nyahahaha ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampirosAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...