[ KABANATA 7 ]
"Gisingin muna sya," mahinang bulong ng isang lalaki.
"Tsk! Tigilan mo yan! Mapapagalitan tayo ni Sevi, Yushiro!" Seryosong pagbabanta ng isang lalaking mayroong baritonong boses.
"Hindi yan, Yoshiya! Heto na, gigisingin ko na sya.." natatawang sagot naman ng lalaking nagngangalang Yushiro at naramdaman ang medyo malakas na pagyugyug nito sa kamay ko.
Sa ginawa nyang yun ay mabilis akong nakarinig ng mga malutong na mura galing kay Yoshiya.
Kasabay nun ay pagmulat ng aking mga mata, at nakita ko silang dalawa na nagsasapakan na sa sahig. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil ang kyut nilang tignan.
"Tama na yan, nagising na s'ya. Lagot talaga kayong dalawa," nagbabantang pagsingit naman ng isang lalaking prenteng-prente na nakaupo sa isang coach habang may hawak na libro.
Nakita ko naman kung paano pumutla lalo ang kanilang mga mukha. Sila'y unti-unting tumingin sa akin. Hindi ko mapigilang mapayuko dahil nahihiya parin ako.
"W-Wag mo kaming isusumbong, Y-Yayks!" Mahinang bulong ni Yushi at pilit na nagtatago sa likod ni Yoshiya.
"Tsk! Bitawan mo nga ako! Ikaw 'tong may kasalanan e!" Masungit na bulyaw naman nito sa kanya. Nang dahil dun ay nagsimula na naman silang mag-away at magsapakan. Agad naman silang inawat ng nagngangalang Yayks.
Ilang sandali pa ay pinalabas na nya ang mga 'to at naiwan kaming dalawa.
"Pasensya dahil nagising ka sa sobrang ingay nung magkapatid na yun. Ako nga pala si Yayks, maayus na ba ang pakiramdam mo?" Mahinahong tanong nya sa'kin kaya hindi ko mapigilang mapangiti dahil halatang mabait naman sya.
Tanging pagtango na lamang ang naitugon bago marinig ang kanyang pamamaalam. Hanggang sa ako na lamang ang naiwang magisa sa napakalaking kwarto na 'to. Hindi ko maiwasang mapapikit at alalahanin ang nangyari kahapon.
"K-Kinagat nya a-ako sa aking l-leeg?" Wala sa sariling naisambit.
Dali-dali kong tinahak ang salamin at tinignan ang aking leeg. Ngunit nabigo ako, Wala akong nakitang marka ng kanyang pagkagat sa aking leeg.
'Paanong nangyari yun? Ramdam na ramdam ko kahapon kung bumaon ang kanyang pangil sa aking leeg ngunit walang isang marka ang naiwan dito? What if isa na nga akong bampira?'
"You're wrong." Mabilis na pag sagot ng isang babae, na medyo may katandaan na rin.
Ako'y nagulat sa kanyang paglitaw, hindi ko mawari kung bampira ba sya dahil may katandaan na rin 'to.
"P-Po? S-Sino po k-kayo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Imbes na sagutin ako ay medyo malakas na tawa ang narinig ko mula sa kanya.
"Welcome to the Universidad de Camero Vampyr, Human." Makahulugang sambit nya sa'kin saka tinahak ang bintana at sinara 'to, pati na rin ang mga kurtina at ilaw.
Hanggang sa dumilim ang buong kwarto. Sa ginawa nyang yun ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa maaaring gawin nya.
"Don't worry, you can trust me." Diretsong sagot nya sa'kin. Animo'y nababasa nya ang aking iniisip.
Wala na akong gaanong naging tanong dahil hinayaan ko syang panoorin kung ano ang gagawin nya. Ilang sandali ay mabilis nyang inihagis ang kanyang palakol sa ere. Unti-unting umilaw ang buong paligid at lumitaw ang mga pangyayari.
"Nakikita mo ba 'yang apat na lagusan?" Tanong nya sa'kin kaya mabilis ko syang sinagot.
"O-Opo, a-ano ang ibig sabihin ng mga y-yan?" Diretsong sambit at inayus ang pagkakatayo.
"Isa na dyan ang Etsai iluna Clan, sila ang mga nilalang na may lahing lobo at bampira. Makikilala mo sila dahil sa masangsang na amoy dahil sa black magic na kumukontrol sa kanila. Sila ang pinaka-mababang uri sa buong Vampire Nation," Paunang kwento nya at nakita ko kung paano sila mabuhay sa dilim na lugar.
Ilang sandali pa ay nagbago ulit 'to. Mas maayus 'to kumpara sa naunang Clan.
"Sumunod naman ang mga Lecitel Clan, sila ang mga nilalang o pangkat ng mga bampirang manggagamot. Sila'y mayroong maayus na pamumuhay kumpara sa mga Etsai iluna." Seryosong kwento nya at hinagis muli ang kanyang palakol para magbago 'to ulit.
At bumungad sa'kin ang lugar na hindi mailalayo ang ganda sa Camero Clan. Ngunit wala akong nakitang bampira sa kanila dahil mga lobo ang marami sakanila.
"Iyan ang mga Willgor Clan, sila ang pangkat na tahimik na namumuhay sa isang syudad. Kailanman hindi sumama sa gulo nang ibang Clan. Halos ang lahat sa kanila ay mga Lobo. Hindi mailalayo ang lakas ng kanilang hukbo sa mga Camero." Diretsong sambit nya habang nakatingin sa aking mga mata.
"Huli ay ang Camero Clan, kung saan ka nakatapak ngayon. Ito ay pangkat ng mga bampira." Nakangising pandaragdag nya.
Akala ko'y matatapos na ang lahat ngunit halos magulat ako sa sumunod nyang pinakita sa'kin. Habang pinapanood 'to ay unti-unti akong nanghina."H-Hindi yan t-totoo.." Pag-aangal ko sa kanya. Kasabay nun ay pagbitaw nya sa mga salitang mas lalong nanikip sa puso ko.
"Iyan ang propesiya, iyan ang iyong kapalaran. Ang lahat ay bubuhos ng tapang para makuha ka, para makamit ang kapangyarihan na inaasam nila. Maraming masasawi, maraming dugo ang dadanak. Mag ingat ka dahil nakabase sa pipiliin mong pangkat kung mabubuhay ka o malalagutan ng hininga.." Huling sambit nya bago lumiwanag ang lahat hanggang sa hindi ko na napigilang sumigaw ng malakas at mapaiyak.
Kasabay nun ay mabilis kong naramdaman ang mahigpit na yakap galing sa isang lalaki. At narinig ang kanyang sinambit.
"TAMA NA, INA! HINDI YAN MANGYAYARI, HINDI KO HAHAYAANG MAKUHA SYA NG IBA." Malakas na sigaw ni Sebastian sa matandang babae kanina ngunit ngayon ay unti-unting nagbago ang pigura.
___________
( A/n: sa tingin nyo, mabait ba ang babaeng tinawag na ina ni Sebastian o isa ring bampirang may masamang hangarin? )
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...