[ KABANATA 4 ]
"You must act normal when you talk to them, especially when you meet the Camero's clan." Mahinang bulong sa'kin ni Sadie kaya mas lalo akong naguluhan.
"Camero's Clan?" Kuryusidad kong tanong habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Yes, you will know them later. No more questions, just enjoy the night." Walang ganang sagot nya sa'kin.
'Sino naman kaya sila? At bakit kailangan kong paghandaan ang pagkikita naming lahat?' tanging tanong sa aking sarili.
Wala na akong nagawa kundi ang sundan si Sadie papasok sa loob. Pero unang pasok ko palang sa napakalaking pintuan ng building na 'to, ako'y agad napamangha dahil sa sobrang laki at ganda ng buong lugar.
May mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa itaas at mayroong mga palamuting kaagaw-agaw sa atensyon. Maraming tao na rin ang nandito pero isa lamang ang masasabi ko, kahit natatakpan ng maskara ang kanilang kalahating mukha ay kitang-kita parin ang pagka-elegante ng bawat isa. At lahat sila'y mukhang bata pa. Siguro ay nasa 25-30 taong gulang lamang ang mga taong dumalo dito.
"Do you see that group of boys, on the right side?" Seryosong tanong sa'kin ni Sadie kaya mabilis kong tinignan ang gawing yun.
Hindi napigilang mapakunot ang sariling noo dahil sa aking nakita. Halos lahat ng nakaupo dun ay puro lalaki maliban sa dalawang babae.
"Y-Yes, d-dyan ba tayo p-pupunta?" Kinakabahan kong tanong pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya dahil mabilis nya akong hinila papunta dun.
Hindi na ako nakapag ready dahil sa bilis ng paglalakad at paghila nya sa'kin. Hanggang sa tuluyang makarating kami sa harapan nilang lahat. Ang medyo magulong usapan nila'y agad napalitan ng tahimik.
Hindi ko mapigilang kabahan dahil nasa amin ang atensyon ng lahat, animo'y nanlalamig ako sa bawat tinging pinapako nila.
"Sin, Where's Sevi?" Diretsong tanong nya sa nagngangalang Sin na ngayon ay prenteng prente na nakaupo ngayon sa coach habang umiinum ng Wine.
"Hindi ako tanungan ng nawawalang tao, Sadie." Pambabara nito sa kanya kaya agad nabuo ng tawanan ang kinapwe-pwestuhan namin ngayon.
"I know right, You're Sin. I can't expect anything from you. Pftt" walang ganang sagot ni Sadie sa kanya.
Medyo nagkapikunan pa silang dalawa pero agad na silang inawat ng dalawang makulit na lalaki, parehas sila ng boses at pangangatawan. Siguro, magkakambal silang dalawa?
"Isa bitawan nyo ako, skye at sykie!" Pagpupumiglas ni Sin sa hawak ng kambal at tanging pagtawa lamang ang tinugon nila sa kanya.
"Nakita ko syang nakaupo kanina dito pero agad ding umalis." Pagsingit ng isang lalaking mayroong gray na buhok habang maayus na nakaupo sa harapan. Ramdam ko ang mailap na tingin nito, I mean lahat sila'y diretsong nakatingin sa'kin.
"Thanks, Syne." nakangising sagot nya dito.
"Who's with you Sadie? Can you introduce yourself to us, beautiful?" Malanding pagsingit ng isa habang may hawak na Vape.
"Ayan ka na naman Smut," Pansisita ng babaeng katabi nya at agad lamang syang pinagtawanan nito.
Naputol agad yun dahil sa pagtikhim ni Sadie. Sila'y natahimik at pinakiramdaman kung magsasalita ba sya.
"Her name is Arielene, be nice to her if you're not yet ready to die. Pftt" natatawang sambit ni Sadie sa lahat.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung matatakot sa kanya? Hindi ko gusto yung mga biro nya.
Pagkatapos nun ay umupo na rin kami at nagpapakiramdaman pa ang lahat. Hanggang sa ilang sandali ay tumugtug ang isang pamilyar na kanta, at mabilis na napunta ang iba sa dancefloor para sumayaw.
Hindi ko mapigilang mapayuko dahil halos lahat ay masayang sumasayaw sa dancefloor kasama ang bawat partner. Ako na laman ang tanging naiwan dito.
Unti-unting natapos ang kanta pero wala paring natangkang isayaw ako. Ang iba'y bumabalik na sa kanya-kanyang upuan habang ako'y hindi pa tumatayo sa aking kinauupuan.
Ilang sandali ay namatay ang ilaw kaya mabilis ba umukit ang matinding kaba mula sa aking puso. Lalo na nung may nararamdaman akong mga kamay ang humawak sa aking bewang at hinila ang aking kamay. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang malakas sya.
"B-Bitawan mo nga ako! Isa!" Pagpupumiglas ko.
Hanggang sa may narinig akong slow music at mabilis na pagkalupot ng kanyang mga kamay sa aking bewang.
Agad na umilaw ang medyo dim na lights, may ibang tao ang sumasabay saamin. Hindi ko man makita ang kabuuan ng kanyang mukha, alam kong may sinisigaw 'tong kagwapohan dahil sa bawat tingin nyang pinapako sa'kin. Animo'y kinakausap ako nang mga 'to.
Pero bago tuluyang matapos ang kanta ay narinig ko pa ang huling sinabi nya.
"Hindi kita bibitawan dahil pagmamay-ari kita." Seryosong sambit nya sa'kin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Sa aking narinig ay unti-unting bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso. Isa lang naman ang nagmamay-ari sa'kin?
'D-Don't tell me, Siya si..'
"A-Anong s-sinabi mo! H-Hindi m-mo a-ako p-pagmamay-ari!" Pilit na sigaw sa kanya dahil sa aking panghihina.
Ngunit agad kong nasilayan ang napakalaking ngisi nya bago bitawan ang mga katagang yun.
"YOU'RE MINE, REMEMBER? SEBASTIAN CAMERO OWNED YOU ALREADY." nakangising sambit nya bago tanggalin ang kanyang maskara.
Doon ko nasilayan ang kabuuan ng kanyang mukha at kakaibang kulay na mga mata.
SYA BA YUNG LALAKING NASA PANAGINIP KO?
'D-DON'T TELL M-ME, SYA YUNG B-BAMPIRA?'
________
[ A/n: guess who!!!]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...