[ KABANATA 21 ]
"Bitawan mo sya." Mariing sambit ni Sebastian kay Luke na ngayon ay hawak ako sa leeg.
Hindi ako makapaniwala na nahahawakan na nya ako sa aking leeg, kailan lamang nung tumalapon sya papalayo sa'kin.
"Hindi ako tanga kagaya mo, Sebastian. Marami akong paraan para alamin kung anong kahinahan mo at kung paano kunin ang sayo." Natatawang sambit nito saka mas lalong naramdaman ang mahigpit na hawak nito sa'kin.
"Kaya ko na syang hawakan sa paraang gusto ko," pandaragdag nya pang sambit bago naramdaman ang kanyang hininga na malapit sa aking tenga.
Kitang-kita ko naman ang mabilis na pagtiklom ng mga kamao ni Sebastian at tuluyang pagbabagong muli ng kanyang mga mata.
"Hindi nga ako nagkakamali, sa isang lobong katulad mo nanggaling ang ganung mahika.." pamumutol ni Sebastian habang unti-unti 'tong lumalapit sa'min.
"Pero malas mo dahil mahahawakan at mapapasakin sya sa huli.." nakangising pandaragdag ni Sebastian bago lumabas ang ibang mga bampirang kasama nya. Halos mga Camero ang nandito.
Isa lamang ang sinisigirado ko, tiyak na talo na ang mga Willgor.
"Talagang nagtawag ka pa ng mga kasama, ganyan ka na ba kaduwag Sebastian."
Pilit na ngising tinugon ni Luke saka mas lalong pinagdiinan ang kutsilyo mula sa aking leeg.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbaon nito kaya nakagawa 'to nang maliit na sugat na sakto lamang para magsimulang tumulo ang dugo.
"Amoy na amoy nyo na ba ang dugo nya mga bampira?" Natatawang sambit ni Luke. At nakita ko naman ang pagbago nang mga itsura ng iba.
At hindi mapigilang mapadako ang aking tingin kay Sebastian, na ngayon ay hindi maka concentrate na tignan ako.
Hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa sakit. Tunay na napakagaling niya dahil unti-unting nawala sa tamang huwisyo ang iba nang maamoy ang aking dugo. Tila sabik silang lapitan ako.
"Ang bango ng iyong dugo, karapat dapat na mapasa'min ka." Natatawang baling sakin ni Luke.
Natapos rin yun dahil sa mabilis na paglapit ni Sebastian sa kinapwe-pwestuhan namin saka sinuntok nya 'to ng malakas. Agad na tumalapon si Luke papalayo sa'kin. Hingal na hingal na tinignan ako ni Sebastian gamit ang mapungay nyang mga mata.
"C-Cover your wound. Pumunta ka muna sa kanila ," hinihingal nitong sambit.
Kita ko naman ang kanyang pagpipigil kaya mabilis kong tinanggap ang panyong binibigay nya. Saka tinungo ang kinatatayuan ng mga Camero. Pagkarating dun ay medyo napalayo pa sila nang konti sa'kin. Pero hindi ko na yun alintana dahil naiintindihan ko naman kung bakit nila ginawa yun.
Mabilis kong dinako muli ang tingin kela Sebastian ngunit laking gulat ko nang magsidatingan ang ibang kalahi nila habang ang ibang kasama ay may mga masangsang na Amoy.
"Ano ang ginagawa ng mga Etsai Iluna dito?" Gulat na tanong ni Yoshiya. Ganun rin ang ibang Camero na nagulat sa nasaksihan, paramo sila nang parami.
"Ngayon mo ako kalabanin Sebastian," nakangising pagbabanta ni Luke.
Habang si Sebastian ay nanatiling nakatayo lamang sa kinapwe-pwestuhan nya. Ngunit ilang sandali ay ginatungan pa ni Lark ang kanyang Anak.
"Nakakagulat ba na malaman na nandito ngayon mga Etsai Iluna? Ang alagad ng Willgor Clan." matapang na tanong naman ni Lark.
"No.." walang ganang sambit naman ni Sebastian bago dagdagan 'to ng makahulugang kasagutan.
.
.
.
.
"Now, I know who should pay.."_________
[ A/n: maghihiganti na ang ating sevi👉👈 ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampirosAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...