[ KABANATA 18 ]
Gaya nang sabi ni Papa, dito na nga kami sa Manila magsisimula nang panibagong buhay. Nakahanap na rin ng magandang trabaho si Tatay habang ako naman ay nagpapart time job para matunugan ang mga pangangailangan namin sa araw-araw.
"Our topic today is all about Vampire," panimula ni misteryosong teacher namin na si Ma'am Mistera.
Mayroon syang maputis kutis, malamig na tingin at seryosong Awra. Halos lahat ng sasalubong sa kanya ay mailap at takot dahil sa pinapakita nitong emosyon.
"Do you believe in Vampire?" Seryosong tanong nya at kinagulat ko ang diretsong tingin nyang pinako sa'kin.
Maraming mga kaklase ang hindi sumang-ayon at iilan lamang ang mga naniniwala, isa na ako roon ngunit hindi na ako nag-abalang mag taas ng kamay.
Ngunit natigil ang maingay na bulungan ng magsimula syang magkwento.
"May isang lalaking bampira na nabubuhay sa isang kakaibang tirahan. Sya ay nabagok kaya napagisipan nyang lumabas sa lagusan. Unang labas nya pa lamang ay nasaksihan nya ang napakagandang mundo ng mga Tao. At doon nya nakilala ang babaeng iibigin nya, naging asawa at ginawang Reyna. Ang babaeng 'to ay isang Lobo. Kalauna'y nagkaroon sila nang dalawang anak na lalaki." Pagtigil nito sa kanyang kwento habang nakayuko. Ang ibang kaklase ay tahimik na ring nakikinig gaya ko.
"Ang bunsong anak nila'y purong bampira habang ang isa naman ay purong lobo. Una pa lamang ay makikita na ang pagkakaiba nilang dalawa, simula sa lakas at nais ng bawat isa. Hindi naging magkalapit ang dalawa dahil sa alitan at inggit na nabuo sa bawat pagitan." Seryosong sambit nya pero mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses.
"What happened next?" Maarteng tanong ng isang kaklase ngunit agad rin syang sinita ng iba para tumahimik. Pero bago tuluyang magsalita ulit ay nagulat ako sa mabilis nyang pagtingin sa'kin.
"Mas lalo silang nagkalayo nang dumating ang araw na pumili ang hari kung sino ang magiging kapalit nya. At pinili nya ang bunso kaya mas lalong nag rebelde ang panganay. Hanggang sa magkaroon ng digmaan sa pagitan nilang dalawa." Seryosong kwento nya habang nakatuon sa'kin ang malamig nyang tingin.
Animo'y tinatangay ako nang kanyang mga mata sa isang lugar para maintindihan ng maayus ang sinasabi nya.
"Tumigil lamang ang labanan ng mamatay ang kanilang Ina. Sa sobrang hinanakit na naramdaman ay pinili nitong magpakamatay na lamang. Doon na nagsimulang lumayo at mabago ang lahat. At nabuo ang apat na pangkat." Huling sambit nya bago marinig ang pagtiklop ng kanyang libro.
"Wow, totoo po ba yun Ma'am?" Hindi makapaniwalang tanong ng isang kaklase.
"Tangeks! Hindi naman totoo ang mga yan. Kwento lang yun diba, Ma'am." Pag aangal naman ng isa.
Medyo nagtalo pa ang dalawa ngunit natigil sila sa huling sinabi ni Ma'am.
"Yeah, it's just a Fictional Story. Isa lamang himahinasyon ang lahat. Hindi sila totoo." Mariing sagot nito habang diretsong nakatingin sa kinapwe-pwestuhan ko.
Nagbitaw pa sya nang isang ngisi sa'kin bago tuluyang umalis. Sa ginawa nyang yun ay labis akong nakaramdam ng matinding paghingal at panghihina.
Hanggang sa aking pag-uwi ay dala-dala ko parin yun, ang lahat ng binitawan nyang mga salita.
Kasalukuyan akong nakatanaw sa kalangitang mayroong maraming bituwin. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni Papa.
"Mukhang matamlay ka yata, Anak." Panimulang sambit nito bago tuluyang umupo sa aking tabi.
"W-Wala po 'to, Papa." Pilit kong pag-angal sa kanya. Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga.
"Sabihin mo mang ayus o masaya ka ngayon, alam ko at ramdam ko na iba ang sinasabi ng iyong mga mata, kalungkutan ang sinisigaw nito." Makahulugang sagot ni Papa kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.
Aangal pa sana ako ngunit nagulat ako sa huli nyang sinabi.
"Tama na, Anak. Kalimutan mo na sya."
_______________
[ A/n: awww. Salamat sa mga readers na magbabasa❤️ ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...