KABANATA 16

461 21 3
                                    

[ KABANATA 16 ]

"I want to hug you even just for a while," nagsusumamo kong sambit sa kanya. Akala ko'y ipagtutulakan nya ako papalayo pero iba ang ginawa nya.

Kasabay ng pagtugon nya sa'kin ng isang mahigpit na yakap ay doon ko naramdaman ang kay bilis na sakit na umukit sa aking puso.

Masakit man ngunit minaigi kong ilihim 'to at patuloy na yakapin sya. Tanging pagpikit na lamang ang aking nagawa at hinihiling na sana mawala 'tong kirot na nararamdaman.

"No, bitawan mo ako Ariel." Narinig ko ang matigas na pagsambit nya sa mga katagang yun.

Hindi ko sya pinakinggan at piniling manatili sa kinapwe-pwestuhan ko ngayon. Animo'y kapag binitawan ko sya ay panghabang buhay ko nang hindi sya mahahagkan. At ayokong mangyari yun.

"Please, wifey. You're hurting yourself too much." Nagsusumamong sambit nya hanggang sa kusang mapabitaw ako sa yakap nya at nanghihinang napaupo.

Kaya naman mabilis nya akong pinahiga. Tumangkang aalis pero mabilis ko syang hinawakan sa kamay para pigilan sya. Sa ginawa kong yun ay sinamahan lamang nya ako nang tingin bago magbitaw ng salita.

"Babalik ako," Huling sagot nya bago nawalan ako nang malay.

Sa aking panaginip ay halo-halo ang aking nararamdaman. Ako'y hinihingal sa pagtakbo at hinahanap sya, si Sebastian. Biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa Horror house.

Iba't ibang klaseng tunog aking narinig, at may isang bagay akong naramdaman. Isa 'tong malalaki at matatalim na daliri, dumapo 'to sa aking mga paa. Kasabay nun ang mabilis na pagklakbay ng malamig na pakiramdam na yun sa aking buong pagkatao hanggang sa umukit sa aking puso.

Napasigaw ako sa sakit dahil sa matinding kirot na nararamdaman. Bago makabalik sa huwisyo ay may mga boses akong narinig, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang huling sinambit ng taong yun.

.

.

.

"You can't be together, you're now under my spell."

__________________


"Ate gising!" Pangigising sa'kin ng kay pamilyar na boses.

Agad akong naalimpungatan at mabilis na hinawakan ang aking puso. Ramdam ko parin ang matinding hingal. Dinaig ko pa ang taong tumakbo ng isang kilometro.

"Ate, nagising kana rin sa wakas." Sobrang galak na sambit sa'kin ng kapatid ko. Wait, anong ginagawa ko sa bahay namin? Hindi ba magkasama lamang kami kanina ni Sebastian?

"A-Anong ginagawa ko rito? M-May naghatid ba sa'kin dito Jed?" Tanong ko sa kanya pero tanging naguguluhang tingin ang nakuha ko sa kanya.

Ilang sandali ay nakita ko ang mabilis na pagpasok ni Tatay. Sya ay naka wheelchair parin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Sa wakas nagising ka na rin, anak ko." Naiiyak na unang sambit nito. Mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari ngayon.

"Ano po ang ibig nyong sabihin tay? Nawalan lamang ako nang malay kahapon, nung magkasama kami ni Sebastian." Buong lakas kong sambit.

"Sinong Sebastian?" Naguguluhan na tanong ni Tatay pabalik sa'kin.

"Sya po ang nagsagot sa mga Bills natin sa hospital." Pangungumbinsi ko pa.

'Sya rin yung lalaking umangkin sa'kin at minahal ko na sa maikling panahong magkasama kami.'

Bago sagutin ay narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Tatay.

"Nagkakamali ka anak. May isang mabuting ginoo ang tumulong sa'tin para maoperahan ako. Makalipas ng isang linggong pagrerecover ko sa bahay, kayong dalawa ng kapatid mo ay naging abala sa paglalaba sa kapit bahay." Panimulang sambit ni Tatay at buong atensyon ko ay nakatuon sa kanya.

"Kaya naman isang araw ay aksidenteng nadulas ka at naumpog ang ulo mo sa bato. Akala namin ay hindi ka na magigising dahil halos dalawang buwan ka nang comatose. Pero ngayong araw na 'to, nagising ka na Anak. Salamat sa Diyos." Naiiyak na pagkwe-kwento sa'kin ni Tatay bago maramdaman ang yakap nilang dalawa ng nakakabata kong kapatid.

Sa aking narinig ay halos manghina ako sa kinauupuan ngayon.

"N-Nagkakamali ka, Tay." Naiiyak kong sambit kaya kaya napabitaw silang dalawa sa yakap. At tinignan ako nang naguguluhan.

"T-Totoo po ang lahat ng n-nasaksihan ko, ang C-Camero De Universidad. N-Nakilala ko sya Tay, hindi po k-kathang isip ang mga nangyari sa'kin.
.

.

.

.

.

T-Totoo pon yun lahat, Totoo si Sebastian Camero."



____________

[ A/n: oh mah gosh!! @]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon