[ KABANATA 26 ]"Ya lyublyu tebya, Ariel." Hinihingal na sambit ni Sebastian sa'kin habang nakatingin sa'kin ng diretso.
"A-Anong ibig sabihin nun?" Nauutal kong sabi dahil napakalapit nito sa'kin.
Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Animo'y dinadala ako ng kanyang mga tingin patungo kung saan. At mas lalo akong nahibang ng mapako ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi.
Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa'kin habang ako ay walang magawa dahil naestatwa na sa kinatatayuan ko ngayon. Konti na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi ngunit agad naputol yun dahil sa isang boses na narinig.
"B-Baste, w-what's happening here?" Gulat na gulat na tanong ni Yazmin.
"And who's that girl?" Maarteng tanong naman ni Ella.
"What are you doing here?" Diretsong tanong naman ni Sebastian sa kanila.
Napansin ko ang kaunting pagirap ni Ella at seryosong mga tingin na pinako ni sa'kin ni Yazmin.
"Pinapatawag ka ni Daddy, nasa main office sya ngayon." Mahinahong sagot ni Yazmin kay Sebastian.
"I'll go, later." Seryosong sagot naman ni Sevi sa kanila bago ituon muli ang paningin sa'kin.
"Now, are you feeling okay?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Sebastian.
Mahihimatay sa kanyang boses ang panlalambing Kaya hindi ko maiwasang kiligin.
"A-Ayus lang ako, Sevi. P-Pumunta ka na dun, baka kailangan ka na nila," nahijiyang sambit sa kanya.
Hindi sinasadyang mapatingin sa dalawang kakasulpot lang. Nagtama ang paningin namin ni Yazmin, hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang mabigat nyang tingin na pinako sa'kin. Naputol agad yun dahil sa pagtikhim ni Ella.
"Hindi mo pa sinasagot ang katanungan ko, Baste. Sino ang babaeng kasama mo?" Mataray na tanong ni Ella sabay irap sa'kin.
"Don't be rude to her, Ella. B-Baka k-kaibigan yan ni, Baste." Naiilang na pagsasaway ni Yazmin sa kapatid. Habang ang kanyang mga tingin, animo'y kinakausap ako na sumang-ayon sa sinabi nya.
"She's not my f-"
Hindi na natuloy ni Sebastian ang dapat na sasabihin dahil inunahan ko sya sa pagsagot.
"O-Oo, k-kaibigan ako ni S-Sebastian. K-Kasama ko sya dahil may pinaguusapan lang kami about sa p-pagtira namin ng kapatid ko sa inyo." Diretsong sambit sa kanila gamit ang naiilang na pananalita.
Alam kong labag yun sa aking kagustuhan ngunit mas maiging sabihin yun para iwas sa maraming tanong. At tama naman ako, wala pang kalinawan sa nararamdaman naming dalawa. Hindi ko pa nga alam kung gusto nya rin ako? Pero umaasa ako dahil nagugustuhan ko na rin sya.
Oo, gustong gusto ko na sya. Baka nga hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi ko kayang mawala s'ya sa'kin at makita s'yang masaya sa piling ng iba. Gusto ko ako lang, ako lang ang makakasama nya habang buhay.
"Sundin muna ang sinabi ni Yazmin, Seb. Alam kong hinihintay ka na nang hari." Pangungumbinsi ko pa sa kanya pero tanging malamig na tingin lamamg ang pinako nya sa'kin.
Mukhang wala syang balak na umalis dahil nanatili parin syang nakatayo sa harapan habang hawak ng mahigpit ang kamay ko. Sinunukan kong tanggalin yun ngunit sadyang ayaw nya.
"You may now go," malamig na utos nya.
Ako'y nagulat sa kanyang sinabi. Unti-unting umukit ang sakit sa aking puso. Animo'y nadudurog 'to dahil sa mga katagang yun.
Gusto nya akong umalis sa harapan nya? Pero heto sya, mahigpit parin ang hawak sa mga kamay ko. Hindi ko maiwasang mainis kaya mabilis na sinumbatan sya.
"Kung gusto mo akong umalis, bitawan mo na 'tong kamay ko." Buong tapang kong utos sa kanya."Why would i?" Tanong nya sa'kin at mabilis na tinaasan ako nang kilay.
"Diba pinapaalis muna ako? Kaya bitawan mo na ang kamay ko, ngayon din." Tanging nasambit bago pumiglas sa hawak nya.
Imbes na bitawan ay tanging pagpitik lamang sa aking noo ang kanyang ginawa.
"Tsk. Silly!" nakangising sambit nya bago magbitaw muli ng mga katagang mas lalong nagpagulo sa aking isip at puso.
"Yazmin and ella, you may now go. I'll go later because my wife badly needed me right now."
_____________
[ A/n: oh ano lalaban ka pa ba kapag may tinawag ng wife? Hahaha ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...