[ KABANATA 10 ]
Ako'y napahawak sa aking labi. Hindi ko parin maiwasang isipin kung paano lumapat ang kanyang malambot na labi sa'kin. Naaalala ko na naman kung paano kami nagkahiyaan pagkatapos nung halik na yun, ang halik na nagbigay ng bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa buong katawan.
"Sh*t! Nakakahiya ang pangyayaring yun!" Panunumbat sa sarili habang hinihilamos ang kamay sa aking mukha.
"What are you doing?" Tanong ng kay pamilyar na boses.
Hindi ko man tignan kung sino yun ay alam kong sya yun. Agad akong napaayus ng upo dahil sa pagsulpot nya.
"N-Naghahanda para sa una kong p-pasok sa University," naiilang kong sagot sa kanya saka hinawi ang ilang buhok na tumatabing.
"Hindi ka pa ba papasok?" Pandaragdag nyang tanong sa'kin kaya agad akong napatingin sa kanya, diretso sa kanyang mga mata.
Agad na nagtama ang aming paningin. Hindi ko maiwasang mamula dahil napako ang aking tingin sa kanyang labi.
'shet! Umayos ka Arielene!' pagsuway sa sarili.
"A-Aalis na rin mamaya dahil h-hinihintay ko pa si L-Leylan," nahihiyang sagot saka narinig ang isang katok. At iniluwa nito si Leylan na ngayon ay nakasimangot. Ano kayang nangyari sa kanya?
Bago ko pa sya kausapin ay agad akong naunahan ni Sebastian. Medyo lumayo pa sila sa'kin para makapag usap hanggang sa matapos 'to.
"Pasensya na Ariel. Hindi kita masasamahan ngayon dahil maraming gawain dito sa palasyo," nakasimangot nitong paghihinge nya nang paumanhin.
Nang marinig yun ay agad napadako ang aking tingin kay Sebastian na ngayon ay tahimik na nakatayo sa gilid. Ano kaya ang pinag usapan nilang dalawa?
"Pasensya na talaga," nakayukong pandaragdag pa ni Leylan sa'kin. Ngunit agad hinawakan ang kanyang kamay saka ngumiti ng bahagya bago sagutin sya.
"Ayus lang yun, k-kaya ko namang—" Hindin ko na natapos pang sambitin ang dapat kong sabihin ng pinutol yun ni Sebastian.
"Nandito naman ako, ako na ang maghahatid sayo," Direstong sambit nya habang ang tingin naming dalawa ay nasa isa't isa.
Hindi ko na sya nagawang sagutin dahil mabilis nitong tinahak ang labas kaya sinundan ko na sya.
Sa katunayan, nababahala parin ako sa pagpasok sa paaralan na yun dahil tiyak na puro bampira ang magiging kaklase ko. Sa aming paglabas ay nakita kong magtatakip dilim na rin. Maraming mga bampira ang nagkalat sa buong paligid.
"Get in," malamig na utos nya sa'kin kaya wala na akong naging angal pa at sinunod na lamang sya.
Pero ako'y nagtaka nang hindi nya parin binubuksan ang makina ng kotseng sinasakyan namin ngayon.
"May hihintayin pa ba tayo?" Buong tapang kong tanong sa kanya.
Sa tinanong yun ay naramdaman kong muli ang kanyang malamig na titig.
"Suot-suot mo ba yun?" Tanong nya.
Sa una'y hindi ko nakuha ang tinutukoy nya. Ngunit kalauna'y biglang nakuha ko rin yun, ang kuwintas na suot-suot ko ngayon ang tinatanong nya. Kaya mabilis kong hinawi ang mahabang buhok saka inilabas at pinakita sa kanya 'to.
Nakita ko naman ang marahang pagtango nya bago paharurutin ng mabilis ang kotseng 'to. Walang masyadong imik ang nangyari sa loob nito dahil minagi kong manahimik sa isang tabi. Hindi ko pa kayang kausapin sya, lalo na't alalang-alala ko parin ang huling nangyari sa pagitan namin. Kailanman ay hindi ko na yata makakalimutan yun. Animo'y nakatatak na sa aking isip at puso.
Hanggang sa makarating kami, hinayaan nya lamang akong bumaba. Pagkatapos nun ay iniwan nya na rin akong tulala. Wala na akong nagawa kundi tahakin ang magiging Classroom ko.
"Here I come Golden A," Wala sa sariling nasambit bago napagdesisyonang hanapin 'to.
Akala ko'y mahahanap ko yun agad ngunit nagkamali ako. Hindi ko pa nakalahati ang buong campus sa paghahanap ay ramdam ko na ang matinding paghingal.
"Watch your breath, they might notice you." Pagsulpot ng isang lalaking nakapamulsa ngayon sa isang gilid. Kasalukuyan akong nasa likod ng School ngayon dahil sinusunod ko lamang ang nakasaad sa mapa.
"S-Sino ka? A-Anong s-sinasabi mo?" Gulat na gulat kong tanong habang pilit inaaninag ang kanyang mukha.
Pinipilit kong umakto parin ng normal para hindi nya mahalata na ako'y medyo natatakot.
"Ouch, wala pang halos dalawang linggo pero nakalimutan mo na ako," nakasimagot nitong sagot sa'kin bago tuluyang tignan ako.
Nang makita sya ay hindi ko mapigilang mapaatras dahil sa kabang nararamdaman. Kung hindi ako nagkakamali, sya yun! Sya ang lalaking nakita ko sa Plaza, ang lalaking nakakakilala sa'kin? Alam nyang isa akong tao!
"Shh don't be scared. I will never harm you." Mapaglarong ngisi nito sa'kin saka mabilis na lumapit.
Hindi ko na nagawang umatras dahil daig pa nito ang hangin na mabilis akong hinawakan sa kamay at kinulong sa pader. Gusto ko mang kumalag sa hawak nya ay hindi ko magawa.
"A-Aray! N-Nasasaktan ako! B-Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas sa kanya.
Imbes na pakinggan ay mas lalo lamang nitong nilapit ang kanyang mukha sa'kin.
"Your smell is so good. I want to taste you, can I?" Nakangising tanong nya sa'kin kaya mas lalo akong nagpumiglas.
Kasabay nun ang mabilis na pagbago ng kulay ng kanyang mga mata at paglabas ng kanyang mga pangil.
Ako'y napapikit na lamang at hinihintay ang mga pangil nitong babaon sa aking leeg. Ngunit nabigo ako dahil imbes na kagat mula sa kanya ang makukuha ay isang malutang na mura ang binigay nya.
Kitang kita ko ang agarang paglayo at pagbitaw nya sa'kin. Animo'y napapaso sya ngayon.
"He really did a great job," nakangisi ngunit hinihingal na sambit kaya mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Akmang tatanungin ko sana sya ngunit naputol yun dahil sa boses na narinig.
"I'm the only who can kiss or touch her. You don't have the right to own what's mine, Luke Willgor."
_____________
( A/n: ayun, pabitin effect nyahahaha. Try ko bukas dagdagan yung bawat chapters na ni u-ud ko dito sa watty dahil bukas may work na ako. Medj busy na ang nanay nyo char! Labyah sa mga nagbabasa 🥀 )
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...