[ KABANATA 15 ]
"A-Aray.." pag iinda sa sakit na nararamdaman.
Agad akong napamulat dahil sa pagkakatulog. Ramdam ko ang medyo masakit na unti-unting umukit sa ulo ko kaya hindi ko mapigilang mapahawak dito. Nagpalinga-linga ako sa paligid para mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Ngunit sadyang hindi ko alam dahil ngayon lamang ako nakapunta rito.
Ito ay simpleng kubo na mayroong maayus kwarto at maayus na higaan. Hindi ko mapigilang mapamangha dahil kahit simple lamang 'to ay napakalakas parin ng dating nito.
Medyo nahihilo man ay minaigi ko paring lumabas sa kubo. At eksaktong marinig ang isang mahalagang usapan na kailangan kong pakinggan.
"Natanggal ko na ang ilang mahika na pumasok sa katawan nya ngunit hindi ko kayang tanggalin ang lahat. Mahirap dahil ramdam kong makapangyarihang nilalang ang may gawa nito." Makahulugan at seryosong sambit ng matandang babae kay Sebastian, na ngayon ay seryosong nakikinig.
"Ano lamang ang lunas para dun?" Seryosong tanong ni Sevi. At agad sumagot rin ang matanda.
"Ang sinabi ko kanina, yun lamang ang tanging magagawa mo para hindi lalong lumala ang lahat." Nakayukong sagot ng matanda sa kanya.
Nabuo ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kaya napagdesisyonan kong lumabas na sa pinagtataguan ko. Ngunit agad ring napatigil dahil sa sumunod na katagang narinig mula kay Sebastian.
"Then, I'll rather choose to stay away from her as much as possible." Huling sambit ni Sebastian.
Nang marinig ko yun, animo'y unti-unting dinudurog ngayon ang aking puso. Ako ba? Ako ba ang taong tinutukoy nya? lalayuan nya ako? Anong dahilan nya?
Ako'y agad napahiga sa kama dahil gulong-gulo ngayon ang aking isipan. Hindi ko mawari kung ano ang problemang pinag uusapan nila pero sana, sana hindi yun ang maging dahilan para gawin yun ni Sebastian.
Sa aking pagkakasubsob ay narinig ko ang maingat na pagbukas ng pintuan.
Agad kong inayus ang sarili at umaktong natutulog pa. Narinig ko ang maliit na yapak na papunta sa'kin. Hanggang sa maramdaman ang paglubog ng kinahihigaan ko ngayon. Hindi ko mawari kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko pero buong tapang kong tinignan yun.
"H-Hala, a-anong ginagawa nito dito?," Tanging naibulalas habang pinagmamasdan 'to. Hindi ko maiwasang mapamangha dahil sa kabila ng maitim na kulay nito ay napaka kyut paring tignan.
"Sittie.." Tawag ko sa pusang nasa harapan ko, ito ang pusang lumabas noong unang dating ko sa Mansion.
Wala parin 'tong pinagbago dahil malamig parin ang kanyang tingin sa'kin. Medyo may nararamdaman man akong takot ay mainaigi ko syang hawakan at haplusin ang kanyang balahibo.
Nakakarelax na haplusin ang pusang si Sittie. Ang kaninang magulo kong isip ay unti-unting nawala dahil animo'y may kapangyarihan ang pusang 'to para pagaanin ngayon ang nararamdaman ko.
Mas lalo pa akong natuwa nung maramdaman ang panglalambing ni Sittie. Ako'y agad napatawa dahil hindi ko maiwasang maisip si Sebastian.
"Kagaya mo lang si Sevi. Medyo pakipot pa sa una pero magpapalambing rin," natatawang sambit habang banayad na hinahaplos parin 'to.
"Alam mo bang kahit ganun yun, natatakot parin akong lumayo sya sa'kin. Ayokong mangyari yun dahil tiyak na hindi ko kakayanin," Pandaragdag ko pang sambit. Ako'y natahimik at napatikhim sa aking ginagawa.
Nababaliw na naman ako dahil pati pusa ay pinapatulan kong kausapin.
"Kailangan ko nang lumabas Sittie, dito ka muna sa loob." Nakangiting sambit ko rito bago ayusin ang higaan at tunguhin ang daan papunta sa labasan.
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ang Kay pamilyar na boses galing sa likod ko. Animo'y naestatwa ako ngayon sa kinatatayuan ko. Gosh! DON'T TELL ME!
"I-Ikaw si Sittie.." hindi makapaniwalang sambit.
"Are you scared of losing me?" Diretsong tanong nya sa'kin gamit ang malamig ngunit nakakarelax nyang boses. Wala akong naisagot at tanging pagtingin lamang ang aking tinugon.
"Are you scared that I might leave you?"pandaragdag nyang tanong pero nanatili syang nakatayo parin sa kinapwe-pwestuhan nya.
Sa kabila ng malakas na tibok ng aking puso, minaigi kong lapitan sya at hawakan ang kanyang pisnge. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang nahihirapan rin gaya ko.
"Don't come near me, Wifey." Nagsusumamo nyang sambit sa'kin pero umakto akong walang narinig at mabilis syang niyakap ng mahigpit.
"Please, Let me hug you even just for a while."
___________
[A/n: magkakalayo muna ang ating minamahal na bida ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...