[ KABANATA 9 ]
Halos isang linggo na rin ang lumipas simula nung makita ko ang lalaking yun. At ganun rin katagal kong hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian sa palasyo, kasama ang ibang bampirang kasama namin noon. Hindi ko mapigilang isipin kung nasaan sila? At bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Sebastian?
"Arielene, nakuha mo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Leylan sa'kin kaya ako'y napabalik sa tamang huwisyo.
"A-Ano p-pala yung s-sinasabi mo kanina?" Nauutal na tanong. Ako'y nabahiran ng hiya dahil sa aking inakto.
Kanina ay kasama ko syang naglilibot sa napakalaking Library ng palasyo. Ngunit naputol yun dahil dumating ang isang Men In Black saka binigay ang isang Box na ngayon ay nasa harapan ko.
"Kailangan mong sagutan ang enrollment form na nasa loob nito dahil kailangan mong ipagpatuloy ang iyong pag aaral sa UDV." Diretsong sagot nya habang suot parin malapad na ngiti.
"UDV?" Wala sa sariling naitanong at mabilis nya akong sinagot.
"Universidad de Vampyr, ang pinaka malaki at natatanging paaralan dito." Tanging sagot nya.
Nang marinig yun ay walang pasubalit kong binuksan ang box at bumungad sa'kin ang blankong papel. Agad kumunot ang sariling noo dahil walang ibang nakasulat rito.
"Nagkakamali ka ya—"
Hindi ko na natapos ang dapat kong tatanungin ng marinig ang tatlong palaklap galing kay Leylan. Kasabay nun ang paglitaw ng mga letra sa ere at lumapat sa papel. Hindi ko mapigilang mapamangha sa aking nasasaksihan ngayon.
[ Welcome to Universidad De Vampyr! Nothing is true. All is permanent. You're now part of this University, we will fight until the end.
Signed by: ________ ]
"Ibig sabihin ba nito ay tanggap na ako?" Gulat kong tanong sa kanya dahil napakabilis naman ng enrollment dito.
"Not yet.." nakangising pagsalungat nya sa sinabi ko kaya mabilis kumunot ang aking noo.
"Ang ibig kong sabihin ay hindi pa dahil wala ka pang signature." Nahihiyang sagot nya kaya tanging pagtango na lamang ang nagawa. Pero napansin ko agad na may kulang.
"May ballpen o panulat ka ba dyan para mapermahan ko na 'to?" Tanong ko naman habang nakalahad ang isang kamay.
Pero imbes na ballpen o lapis ang inaasahan kong iaabot nya ay nagkamali ako. Isang matalim ngunit maliit na kutsilyo ang ibinigay nya.
"A-Aanhin ko y-yan?" Naguguluhan kong tanong kaya mabilis nailayo ang aking kamay.
Pero agad rin akong napanatag dahil sa ngiting tinugon nya sa'kin.
"Gamitin mo ang talim na 'to sa pagsugat sa iyong daliri para tuluyan mo nang malagdaan 'to. Ito lamang ang tanging paraan para matanggap ka sa University." Pangungumbinsi nya sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi hiwahin ang sariling daliri at ilapat sa papel.
Pagkatapos nun ay mabilis na naglaho ang papel sa aking harapan. Saka nagpaalam na rin sa'kin si Leylan na may pupuntahan sya pansamantala. At ako'y naiwan kasama ang box na 'to. Isasara ko na sana 'to ng mabilis kong napagmasdan ang nakaka akit na pulang hugis kwintas at may nakaukit na C sa gitna nito. Napaka pamilyar ng kwintas na 'to dahil animo'y nakita ko na 'to dati pa.
Ito'y hinawakan at pinagmasdan. Tunay ngang napakaganda nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong babagay 'to sa'kin kapag sinuot 'to.
Agad kong hinawi ang mahabang buhok para maikabit ang kwintas ng may maramdamang malamig sa aking leeg. Hindi ko mapigilang manigas sa kinauupuan ko ngayon. Ramdam ko ang malamig nyang paghinga na dumadapo sa aking leeg.
"A-Anong g-ginagawa mo?" Mahihimigan sa aking boses na medyo nahihirapan ako. Sa kabila nun ay sinusubukan kong maging pormal parin lalo na't kasama ko sya.
Imbes na sagutin ako ay hinawakan lamang nya ang aking kamay at kinuha ang kwintas na hawak. Saka maingat nyang sinuot yun sa'kin.
Pagkatapos nun ay naramdaman ko ang mahigpit nyang pagyakap sa'kin mula sa likod. Bago magbitaw ng mga nakakahindig na salita.
"Do you miss my touch? My hugs and kisses? Or the whole me?" Nang aakit nyang bulong malapit sa tenga ko.
Naramdam ko ang banayad nyang haplos sa aking braso. Hindi ko mapigilang mapapikit sa ginagawa nya. Ako'y unti-unting nadadala sa mga haplos at malamig na presensya nya.
Ako'y nanatiling walang imik hanggang sa mabilis syang gumalaw papunta sa harap ko at doon nagtama ang paningin naming dalawa. Kitang-kita ko kung paano mamula ang kanyang mga mata. May naka away ba sya? Bakit ganun ang mga kulay ng kanyang magagandang mga mata?
Hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang pisnge at maipako ang sariling tingin bago sagutan sya.
"I miss you. I miss the feeling being with Sebastian Camero." Walang alinlangan kong sagot bago maramdaman ang mabilis na paglapat ng kanyang mga labi sa'kin.
__________
( A/n: bat ganun!!!! Pati ako ay kinikilig sa gawa ko, kayo rin ba? )
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...