[ KABANATA 17 ]Sa paglipas ng isang taon ay tuluyan na ngang nagbalik ang dating ikot ng buhay ko. Wala nang mga bampirang gumugulo sa aking isipan at mga nakakamanghang bagay na bago sa aking paningin.
"Tara na Ariel, magsisimula na ang Graduation Ceremony." Pag-anyaya sa'kin ng kaklase kong Perlita.
"Sige, mauna ka na." Nakangiti kong sagot sa kanya habang nakatayo sa harapan ng Gymnasium.
Sa wakas ay natapos ko na rin ang Senior High School at ako ang Valedictorian sa Class namin. Todo kayod at pagaaral ang ginawa para maabot ang aking pangarap at minimithing Scholarship para makapag tuloy ako sa kolehiyo.
Kasalukuyan akong nakatambay ngayon sa harap ng Gymnasium habang hinihintay sina Jed at Papa. Nauna na kasi akong pumunta rito kaninang 3 pm ng hapon para mag-ayus kasama ang mga kaklase ko. Ang graduation time namin ay 5 pm.
Sa aking paghihintay ay may isang lalaking nakaitim ang lumapit sa'kin. Gusto ko mang aninagin kung sino sya ngunit hindi ko magawa. Sa kadahilanang natatakpan ng malaking sombrero ang kanyang kalahating mukha.
"Accept this gift because someone giving this for you. Happy Graduation Day." Sambit nya gamit ang malamig na boses.
Sa hindi ko malamang dahilan, animo'y narinig ko na ang boses na yun galing kung saan. Tatanungin ko pa sana sya pero mabilis 'tong tumalikod at iwanan ako. Pagkatapos nyang maibigay sa'kin ang isang malaking pahabang box na mayroong kulay itim.
"W-Wait!" Tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lamang 'to sa paglakad papalayo.
Nawala ang atensyon sa kanya nang marinig ang boses na pagtawag sa'kin ng kapatid kong si Jed.
"Ate, pumasok na tayo." Excited nitong sambit habang si Papa naman ngayon ay nakangiti ng kay lapad sa'kin.
"Congratulations, Anak." Naluluhang sambit ni Papa kaya hindi ko mapigilang yakapin sya nang mahigpit. Ganun rin si Jed na nakiyakap na rin.
"Gaya nang sabi ko, simula palang 'to Papa. Soon, maiaangat ko na ang buhay natin." Buong lakas kong sambit pa bago tuluyang pumasok sa loob.
Naging maayus ang buong Event hanggang sa tuluyan kaming ma awardan. Pero bago magwakas ang Programa ay nagsalita pa ang Emcee.
"For the last message, we may call Mr. SC!" Masiglang tawag ng Teacher namin sa acronym na yun. Pagkarinig yun ay mabilis sumabog ang aking puso. What if sya yun?
Sa hindi malamang dahilan ay agad akong napatayo sa aking kinauupuan ngayon. At hinihintay ang paglabas ng nagmamay-ari ng pangalan na yun.
"Ariel, anong ginagawa mo? Bakit ka nakatayo?" Pangsisita ng kaklase ko ngunit nanatili akong walang naririnig. Hanggang sa tumambad sa'kin ang isang lalaki. Halos manghina ako sa aking nakita.
"Ganyan ka ba kasabik na makita ang Mayor natin? Si Mayor Siku Callisto?" Natatawang pagsingit naman ng pabida kong kaklase.
Tama nga sya, ibang SC ang lumabas. Ang matandang Mayor namin ang nakita ko. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo na lamang ulit hanggang sa magtapos ang buong programa.
Nagkaroon ng konting handaan sa bahay pero mabilis rin kaming nagsitungo sa higaan para magpahinga. Ang dalawa kong kasama ay tulog na habang ako ay nanatiling mulat pa.
"12 o'clock na nang gabi. Hindi parin ako makatulog." Sambit sa sarili habang pinipilit na hinuhuli ang tulog.
Ilang sandaling pagkakapikit ay may narinig akong kaluskos galing sa kusina. Medyo kinakanahan man ngunit pinili kong tignan yun. Kumuha na rin ako nang pamalo kung sakaling magnanakaw 'to ay may panlaban ako.
Hindi ko na binuksan ang ilaw para mabisto 'to. Hanggang sa marating ang kusina at nakita ang isang pusa.
"Tsk! Pusa lang pala," Walang gana kong sambit bago talikuran 'to.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ang mga kamay na mabilis na yumakap sa'kin saka tinakpan ang bibig. Sinubukan kong pumiglas ngunit napakalas nya. Pero napatigil ako nang muling marinig ang boses na yun.
"I miss you so much," huling sambit bago naramdaman ang paghiwalay nito at mabilis na pagsindi ng ilaw. Ramdam ko ang matinding hingal dahil sa nangyaring yun. Nagpalinga-linga ako pero wala akong makitang iba. Nagha-hallucinate lang ba ako? Dyusko!
"Anak, bakit gising ka pa?" Diretsong tanong sa'kin ni Papa.
"A-Ano po kasi," paghahanap ko nang salita.
"Nga pala, may maganda akong balita sayo." Nakangiting sambit sa'kin ni Papa.
"A-Ano po yun?" Mabilis kong tanong. At nakuha ko ang kasagutan na maaaring magbabago sa buhay namin at tuluyan kong pag-baon sa limot sa mga nangyari sa'kin.
"Pupunta na tayo sa Manila, Anak. Doon ka na papasok sa kolehiyo. Magsisimula na tayong muli, sa panibagong buhay sa syudad."
___________
[ A/n: hindi pa po tapos yung story. Ty! ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...