[ KABANATA 19 ]
Pagkasambit nun ni Papa ay nakaramdam kami ng mabilis na pag hangin. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ko ang 'di pag sang-ayon nito sa gagawin kong desisyon.
Mas lalong lumakas 'to hanggang sa makaramdam ng matinding kaba. Ang ibang litratong nakasabit sa dingding ay umuugong na rin.
"P-Papa anong nangyayari?" Kinakabahan kong tanong kay Papa habang ramdam pa rin ang kaunting pagyanig. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga kakaibang ingay galing sa labas.
"Ariel, gisingin mo ang kapatid mo at tumakas na kayo." Seryosong utos samin ni Papa.
"P-Pero Papa.." Pag-aangal ko pa pero agad nya akong tinignan ng nagsusumamong mga tingin.
Kaya wala na akong nagawa kundi tunguhin ang kwarto namin ni Jed at mabilis syang ginising.
"Jed! Gumising ka!" Mahina kong paggising sa kanya. Medyo nahirapan ako sa paggising sa kanya dahil tulog mantika pa naman ang kapatid ko ngunit nagising rin sya.
"B-Bakit po Ate? A-Anong nangyayari?" Natatakot na tanong nya habang papalakas ng papalakas ang mga tahol ng aso at nakakakilabot na tunog.
"Shhh wag kang maingay." Pagpapatahimik ko sa kanya at naramdaman ang mahigpit na paghawak nya sa aking kamay.
Mabilis kong tinungo ang labasan at nakita si Papa na may dala-dala nang armas panlaban sa mga nilalang na nasa labas ng bahay.
"P-Papa, sumunod ka na s-sa'min." Pamimilit ko pero imbes na pakinggan ang sinabi ko ay pinagtulakan lamang nya kami papalayo sa bahay.
"Sumunod ka sa'kin Ariel, tumakas na kayo. Dumaan kayo sa likod ng bahay," seryosong sambit nito sa'min. Medyo naiiyak na ako dahil ayokong iwanan si Papa rito.
"Dalhin mo 'to," pandaragdag pa ni Papa at nakita ang kay pamilyar na kuwintas.
"P-Paano nyo p-po nakuha yan?" Wala sa sariling tanong. Imbes na sagutin ay iba ang sinambit nya.
"Magtiwala ka sa'kin, Anak. Basta ang importante ay alagaan nyo ang mga sarili nyo. Lagi nyong tatandaan na habang buhay akong nasa tabi nyo, sumusubaybay sa bawat pahina ng inyong mga buhay." Huling sambit ni Papa saka niyakap kami nang mahigpit.
Labag man sa aking loob ang inutos ni Papa ay sinunod ko parin 'to. Umaasa akong malalagpasan yun ni Papa, hindi nya kami iiwan.
"A-Ate, saan t-tayo pupunta?" Naiiyak na tanong sa'kin ng kapatid ko.
"H-Hindi ko alam, a-ang mahalaga ay m-makatakas tayo." Naiiyak kong sambit saka maingat na naglalakad sa gitna nang kalsada.
Akala ko'y wala nang gagambala sa'min at makakatakas na kami ngunit nagkamali ako. Agad na sumulpot sa harapan namin ang tatlong lalaki mayroong kakaibang mga kulay na mga mata. Nanlilisik ang kanilang mga tingin. Animo'y mga pagkain kaming dalawa, kahit anong oras ay kakainin na.
"S-Sino sila, Ate?" Mahigpit na hawak ni Jed sa'kin.
"H-Hindi ko sila k-kilala," tanging nasambit sa kabila nang pagkakautal.
Ramdam ko ang panghihina at panginginig ng aking kalamnan. Animo'y ano mang oras ay mawawalan na ako nang malay dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.
Unti-unti silang lumalapit sa'min habang patuloy kaming umaatras. Ngunit naputol rin yun nang makarinig ng boses galing sa likod. At nakita ang isang lalaki na mayroon ng katandaan, sa aking pagkakatantya ay nasa 40 edad na 'to. Ngunit kitang kita parin ang kwapuhang tinataglay nya.
"Sa wakas nagkita na rin tayo, Arielene. Ang babaeng tutupad sa propesiya!" Natatawang sambit nito gamit ang nakakapangilabot na tingin.
Agad akong napayakap sa kapatid ko dahil hindi ko na kaya ang nararamdamang takot. Dyusko! Paano na 'to! Please, someone help us..
'Sebastian, tulungan mo kami.' bulong sa aking sarili.
"Wala ka nang magagawa dahil hindi na sya darating. Hindi na babalik ang Prinsipe ng mga bampira para iligtas ka. Mapapasaamin ka na," nakangising sambit nito saka mabilis akong hinawakan sa kamay. Mabilis akong nagpumiglas ngunit sadyang malakas sya.
Ito na ba? Ang katapusan ko? Hindi na ba talaga sya darating.. hindi ka na ba talaga darating Sebastian Camero...
"Who told you, I won't come? I'll come just for her, for my Wife.."
______________
[ A/n: ehe! ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...