KABANATA 22

390 20 0
                                    

[ KABANATA 22 ]

"Now, I know who should pay.." Nakangising sambit ni Sebastian.

Nung marinig yun ng mga kalaban ay agad nagbago ang ekspresyon nilang lahat.

"Napakayabang mo talaga Sebastian. Wala ka ring binatbat!" Inis na bulyaw ni Lark na ngayon ay unti-unti nang nakakarecover sa pagkakasaksak.

"Nagtawag ka pa nang mga kasama.. Sino kaya sa'tin ang walang binatbat ngayon, Lark?" Seryosong baling ni Sevi bago  isuksuk ang dalawang kamay sa bulsa. Napaka cool nyang tignan sa kinapwe-pwestuhan nya ngayon.

Hindi ko mapigilang mapamangha dahil kahit mayroon 'tong konting sugat at kalmot na natamo ay nagagawa parin nyang takutin ang mga 'to.

"Pagsisisihan mo ang pagbabalik namin Sebastian! Tandaan mo 'to, ikaw naman ang luluhod sa harapan naming lahat!" Nangagalaitang pandaragdag na sigaw ni Lark bago magsimulang sumugod ang mga Etsai Iluna habang sila'y mabilis na gumalaw para makatakas.

Mag isang sinugod ng mga Etsai Iluna si Sebastian ngunit kahit ganun ay nagawa nya paring pabagsakin silang lahat. Habang ang ibang Camero naman ay tumulong na rin para mabilis na matapos ang laban.

Ilang sandali ay natalo na rin nila ang ibang Etsai Iluna. Pero ang iba pati na rin ang Willgor Clan ay hindi na nagawang habulin dahil nakatakas na sila. Nang matapos ay agad kong tinignan ang pinagtataguan ng kapatid ko.

"Jed, lumabas ka na dyan. Wala na sila," Tawag ko kay Jed na ngayon ay nanginginig parin sa takot.

"A-Ate, natatakot ako. S-Sino ba s-sila? B-Bakit ganun ang mga i-itsura nila?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Jed ngunit hindi ko na sya nagawang sagutin dahil pati rin ako ay nahihirapan rin magsalita.

Lalo na't hindi parin nagsi sink in ang mga nangyayari ngayon sa'min. Kaya tanging pagyakap na lamang ng mahigpit ang nagawa ko.

"Hayaan na muna natin sila, ang mahalaga ay ligtas na sila. At alam na natin kung sino ang tunay na kalaban.." hinihingal na sambit ni Sev.

"Hanggat maaari ay isama na muna natin sila sa Universidad." Suhesyon naman ni Slay.

"Tama! Tiyak na walang makakapanakit sa kanila dun!" Hyper na hyper na sambit naman ni Yushiro habang nakangiti pa 'to nang kay lapad.

Imbes na ikatuwa nang iba ay sinamahan lamang sya nang tingin para tumahimik 'to. Tanging pagkamot sa ulo na lamang ang nagawa nya bago kulitin si Yoshiya na seryoso ring nakikinig sa usapan.

Medyo nagkatuwaan pa sila dahil sa kakulitang dala ni Yushiro. Agad rin yun naputol dahil sa malamig na boses ni Sebastian.

"Hindi pwede," Seryosong pagsalungat ni Sebastian habang diretsong nakatingin sa'kin.

"Pero fafs, mas mababantayan natin si Ariel kapag nasa Universidad sila." Diretsong pagsingit naman ni Syxtro.

"Oo nga fafs," pagsang-ayon naman ng lahat.

"Tiyak na malalaman nila agad kung saan sila susugod," tanging naisagot ni Sevi.

Sa sinabi nyang yun ay ramdam kong hindi na mababago ang kanyang desisyon. Sa hindi malamang dahilan ay medyo nakaramdam ako nang lungkot dahil animo'y ayaw nya yata akong makasama. Ayaw nya akong pumunta dun, makasama sya nang matagal dun..

"Kung ganun, saan natin sila dadalhin?" Seryosong tanong ni Yoshiya na ngayon ay naka crossed arm pa.

Imbes na kasagutan ang makukuha ay tanging pag ngisi lamang ang kanyang tinugon bago marinig ang malakas na boses ng isang lalaki. Medyo hinihingal pa 'to.

"Anong nangyari sayo Yhairro?" Tanong ni Sevi sa lalaking kadadating lang.

"M-May isang p-problema tayo," hinihingal at tila nahihirapan nyang bungad sa lahat.

Nakita ko pa ang malamig na tingin nyang pumako sa'kin. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba sa maaaring kasagutan nya.

"I'm s-sorry, Ariel. H-Hindi ko sya naabutan.." Nagsusumamo nitong sambit sa'kin kaya agad naramdaman ang medyo pagbabanta ng aking mga luha.

"A-Anong ibig m-mong sabihin?" nahihirapan kong tanong sa kanya pabalik.

"Hindi ko naabutan ang Papa mo. Ngunit maaaring nakatakas sya o hawak sya ngayon ng mga Etsai Iluna. O 'di kaya'y nahuli ako dahil naging abo na sya.." malungkot na sagot nya.

Nang marinig ang mga katagang yun ay unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. Hindi ko matanggap ang mga salitang naririnig ko ngayon.

"N-No, N-Nagkakamali ka.." nanghihina kong sambit bago tumulo ang aking mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pero bago tuluyang mapaupo ay mabilis kong naramdaman ang mahigpit na yakap mula sa kanya, kay Sebastian.

"Don't worry. He's safe. I know, he's alive."


___________

[ A/n: hope u like it❤️]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon