[ KABANATA 32 ]
"No matter what happen, stay here Ariel." Seryosong paalala sa'kin ni Sebastian.
Sa mga salitang narinig mula sa kanya ay hindi ko maiwasang mabahala sa posibleng mangyari sa kanya. Hindi ko kayang makita si Sebastian sa kalagayang iniisip ko ngayon.. pero alam kong kakayanin nya yun, ramdam kong magwawagi sila.
"B-Bumabik ka agad, Seb." Nagsusumamong sambit ko sa kanya bago yakapin sya nang mahigpit.
"Shh, don't cry. Hindi ko hahayaang magkalayo tayo," pagpapatahan nya sa'kin pero ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay patuloy na bumubuhos parin.
"W-Wag mo akong i-iiwan, m-mag ingat k-kayong lahat.." nahihirapan kong sagot sa kanya saka mas lalo syang niyakap.
Kung pwede nga lang ay ayaw ko syang nang bitawan sa pagkakayakap dahil sa takot na nabubuo sa aking puso. Sa hindi malamang dahilan ay kanina pa ako nakakarandam ng pagkatuliro at pagkabalisa, animo'y mayroong masamang pangyayari na darating.
Ngunit pinili kong baliwalain yun.. Ayaw ko nang mag-isip pa dahil baka ikababaliw ko lamang. Ipapanalangin ko na lang na sana ay malagpasan namin 'to para maging maayus na ang lahat.
"Sebastian, kailangan na tayo dun. Parami na sila nang parami, kailangan nating maagapan ang ibang mga Etsai Iluna na sumalakay ng tuluyan dito sa Lecitel." hingal na hingal na pagpasok ng isang lalaki.
"Tama si Smut, Seb. Papalapit na sila nang papalapit," pagsang-ayon naman ni Yayks na ngayon. Alam kong handa na rin syang makipaglaban dahil sa mga palasong hawak nya.
Pagkatapos marinig ang mga balitang mula sa kanila ay muling naramdaman ang pagbaling ng tingin sa'kin ni Seb. Agad nyang hinawakan ang aking kamay at ihaplos ito sa sariling pisnge.
"Trust me, i'll be back. And I want to see you here, waiting for me." Nakakahibang na sambit sa'kin ni Sebastian.
"I w-will, Sebastian. H-Hihintayin kita h-hanggang sa m-makabalik ka.." naiiyak na sa sagot sa kanya.
Bago tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang huling paalala nya sa'kin.
"Don't let anyone come in to this room," huling paalala nya bago sila lumisan sa harapan ko.
Nang makaalis sila ay todo parin ang kabang nararamdaman ngayon dito sa puso ko. Hindi ko mapigilang magpaikot-ikot sa loob ng silid na 'to habang nagiisip ng posibleng mangyari..
"Ate, nahihilo ako sayo. Kanina ka pa dyan ikot ng ikot.." nakasimangot na pagsaway sa'kin ni Jed.
Agad akong napatingin sa kanya at tinignan sya gamit ang malungkot na tingin. Bago mapabagsak sa kama. Ngunit nagulat ako nang yakapin ako nang nakakabata kong kapatid. Sa kanyang ginawa ay agad akong nakaramdam ng nakakaginhawang pakiramdam.
"Ate, kaya natin 'to. Malalagpasan natin ang mga problemang dumarating sa'tin ngayon." pagpapagaan na sagot sa'kin ni Jed.
Walang alinlangan kong tinugunan ang mga yakap nya sa'kin.
"T-Tama ka b-bunso. A-Alam kong balang araw m-mabubuo tayo u-ulit nina Papa.." Iyan na lamang ang tanging nasambit bago yakapin sya pabalik.
Makalipas ng isang oras na paghihintay ay agad na may kumatok sa pintuan. Sa hindi malamang dahilan ay agad akong nabahiran ng matinding kaba.
"A-Ate sino y-yung k-kumakatok?" Natatakot na bulong sa'kin ng kapatid ko.
Patuloy lamang 'to sa pagkatok, papalakas 'to nang papalakas kaya mabilis na dumaloy ang takot sa aking puso. Agad kong naalala ang huling paalala sa'kin ni Sebastian. Hindi raw hahayaang may makapasok dito. Pero paano kung sila na yun?
Unti-unti na akong naguguluhan kung bubuksan ko ba o hindi? Pero bago yun agad kong pinagtago sa isang sulok ang aking kapatid at kumuha nang patalim.
"W-Wag kang lalabas dito, Jed.." mahinang bulong ko sa aking kapatid. Tanging tango na lamang ang nagawa nya bago tabunan sya nang mga tela.
Bago tuluyang makalapit sa pintuan. Hinawakan ko na muna ang doorknob, tinatanya ang isip Kung bubuksan ba 'to o hindi na. Ngunit buo na sana ang aking desisyon na h'wag bubugsan ng marinig ko ang kay pamilyar na boses galing sa labas.
Humihinge 'to nang tulong kaya walang alinlangan kong binuksan ang pintuan. At bumungad ang isang taong nakayuko ngayon na nanginginig sa takot.
"A-Anong nangyari s-sayo? A-Ayus ka lang ba?" Natatarantang tanong sa kanya at dali-daling tinayo sya mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Imbes na sagutin ako ay nanatili lamang 'tong nakayuko. Kaya hindi ko mapigilang magtaka sa kanya at akmang tatanungin pa sana sya nang maunahan nya ako.
"I'm sorry, Ariel." Nagsusumamong sambit nya sa'kin gamit ang naiiyak nyang mga mata.
Pagkasambit nun ay agad na naramdaman ang mbilis na pagkaturok ng isang bagay mula sa aking likod. Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. Gusto ko pa sana syang tanungin kung bakkt nya 'to nagawa sa'kin ngunit hindi ko na kinaya..
Pero kilala ko kung sino sya. Kung kanina ay litong-lito ako sa mga nangyari ngunit mapagtanto ko na ngayon dahil sa pagdatinf ng ibang kasama nya.
"Good job, Ella. Maasahan ka talaga," narinig kong sambit ng isang kay pamilyar na lalaki.
"Tsk. Don't call me Ella, I'm not that Bitch. Siguraduhin nyong iligpit nyo na ang babaeng yun kasama nitong Arielene Magtibay na 'to," Iritadong panenermon nito sa kasama.
"Paumanhin aming Reyna, Reynang taksil ng mga Camero. Napakagaling mo talaga Reyna Solidad, napaikot mo ang hari, ang iyong anak-anakan at pati ang babaeng 'to."
"Walang kahirap-hirap, napakadali nyang paikutin.. sya parin ang babaeng mahinang tinalaban ng gayumang ginawa ko, na binigay ko kay Luke." Natatawang sambit pa ni Ella, ang pekeng Ella.
Ang babaeng nakausap ko sa gubat pati na rin ang babaeng kaharap ko ngayon ay walang iba kundi ang taksil na babaeng malayang pinapaikot kami, ang ina-inahan ni Sebastian.
____________
A/n: thanks for reading❤️
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...