[ KABANATA 27 ]
"W-What did you say, B-Baste? You called her, your wife?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella.
"Yes, is there anything wrong?" Diretsong sagot naman ni Sebastian, iyon ang dahilan kung bakit natahimik sya ng tuluyan.
"Let's go, ihahatid na kita kung nasaan sila kanina." Pag-anyaya nya sa'kin ngunit mabilis ko syang sinalungat.
"W-Wag na! I m-mean, hindi na S-Sevi dahil naaalala ko pa naman ang d-daang pabalik." Nakayukong sambit pero tanging seryoso at nangmamasid na tingin ang kaniyang tinugon.
Akmang magsasalita pa sana ako nang sumingit si Yazmin.
"H-Hayaan mo na s'ya, B-Baste. Mas kailangan ka dun, kaya pumunta ka na. Saka a-alam naman nya ang daan pabalik, diba Ariel?" Paniniguradong tanong nya sa'kin saka tinignan ng makahulugang tingin.
"O-Oo, Sevi k-kaya ko naman. O sya, aalis na ako," naiilang na sagot bago tuluyang talikuran sila.
Hindi ko na hinayaan pa ang aking sarili na marinig sumunod na sinambit ni Sebastian dahil tiyak na magpupumilit yun na hihatid ako sa daan pabalik. Ilang lakad at liko na din ang ginawa ko ngunit sadyang iba yata ang dinadaanan ko.
Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil kanina ay tanaw ko pa ang palasyo ngunit unti-unti na akong napapalayo dun. At maraming puno na lamang ang nakapaligid sa'kin.
"Tsk! Ariel, ano bang ginawa mo! Eto ang napapala nang pagsisinungaling ko!" Iritadong panenermon sa sarili.
"Hindi mo tuloy alam ang daan ngayon.." naluluhang sambit sa sarili.
Ako'y napasuklay sa sariling buhok dahil sa iritasyon at pagsisisi na aking naramdaman. Hanggang sa makarinig ng kakaibang tunog galing kung saan, mas lalong sumibol ang takot sa aking puso. At dali-dali akong nagtago sa isang puno na mayroong maraming halaman.
Mula sa aking pagkakatago ay unti-unti silang nagsilabasan, animo'y may hinahanap sila. Ako'y mas lalong natakot ng makaamoy ng malansa. Don't tell me!
"Sigurado ka bang dito mo sya nakita?" Seryosong tanong ng isa sa kaniyang kasama.
"Oo, sigurado ako dun. Nandyan lang sa tabi-tabi yan." Pursigidong sagot naman ang isa bago nilibot ang mga mata sa paligid.
"Siguraduhin mo dahil kailangan na natin mahanap ang babaeng yun sa takdang panahon!" Panenermon naman nung isa.
"Mas maiging maghiwa-hiwalay tayong lahat para madali natin syang mahanap," suhesyon naman ng pangatlo.
"Bilisan natin dahil tiyak na hinihintay na tayo nang Tatlong Prinsipe sa tagpuan." Kinakabahang pagpapaalala naman sa kanila ng pang apat.
Wala na silang naging ibang usapan dahil mabilis silang nagsialisan. Kanya-kanyang paghahanap ang ginawa nilang lahat habang ako ay nagtatalo parin ang aking isipan kung lalabas ba ako o hindi? Pero kailangan kong makalayo na rito dahil kung hindi ko yun gagawin ay tiyak na mahahanapan rin nila kung saan ako nagtatago.
Akmang tatayo na sana ako nang marinig ang kay pamilyar na boses. Walang alinlangan ko syang tinignan at hindi nga ako nagkamali. Tama nga ako, sya nga!
"Don't move, Ariel." Utos nya sa'kin gamit ang malamig na boses.
"A-Anong gagawin mo sa'kin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya at mabilis na lumayo.
Ayaw ko syang sundin dahil ayoko nang magpauto sa kanya. Unti-unting dumaloy ang galit sa puso ko.
"D-Demonyo ka! B-Bakit ka nandito?! Ano? Para kunin ako? H-Hindi pa ba sapat yung pagkuha nyo sa Tatay ko!" Galit na galit kong sigaw sa kanya.
Kasabay nun ay ang paglitaw ng apat na Etsai Iluna sa aking likod.
"Nandito lang pala ang hinahanap natin kanina pa, naunahan pa tayo nang Prinsipe." Nakangising sambit nito sa kanyang mga kasama.
Sa aking narinig ay hindi ko mapigilang kabahan at matakot dahil alam kong wala na akong kawala sa mga 'to.
"Ano ang gagawin natin Mahal na Prinsipe sa babaeng 'to?" Maangas na tanong naman ng isa saka hinawakan ang ako.
"Wala," malamig na sagot nya.
Agad namang naguluhan ang apat dahil sa binitawan nyang kasagutan. Pati rin ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya gamit ang nagtatanong na mga mata.
"Pero sa inyo, meron.." nakangising sambit nya bago mabilis na pinatumba ang apat sa harapan ko.
Agad na naging usok ang mga 'to dahil sa malakas na suntok na ginawa nya. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa nya. Mas lalo akong naguluhan at hindi makapagsalita sa aking kinatatayuan. Wala akong masabi at tanging pagtingin lamang sa kanya ang tanging nagawa.
Unti-unti syang lumapit sa'kin habang ako ay nanatiling tuod sa kanyang harapan. At nang makalapit ng tuluyan ay hindi ko inaasahang marinig ang mga katagang binitawan nya.
"Runaway, Ariel. While they are not still here." Hinihingal na sambit nya sa'kin kaya hindi mapigilang kwestyunin sya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit Luke?"
___________
[ A/n: 0_o ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...