KABANATA 1

880 29 0
                                    

[ KABANATA 1 ]

"I-Ikaw na muna ang m-mag-aalaga kay Tatay habang wala ako," naiiyak kong sambit sa nakakabatang kapatid kong babaeng nasa edad dose na.

"K-kailangan mo ba talagang s-sumama s-sa k-kanila?" Tanong nya sa'kin habang ang kanyang luha'y patuloy na ring tumutulo.

"Oo, sana maintindihan mo ako." Nakayukong sagot sa kanya.

Ilang sandali pa ay agad napadako ang aking tingin sa mga Men in Black na naghihintay sa'kin ngayon kasama si Secretary Sadie, ang lalaking kumausap sa'kin noong nasa hospital pa lamang ako.

"Maaari na ba tayong umalis?" Seryosong pagsingit nya sa usapan namin.

Mas lalo akong naiyak nung marinig ang salitang yun, kung pwede nga lang umayaw sa usapan ay ginawa ko na. Pero huli na dahil kailangan kong sumunod at umalis.

Sa huling sandali ay napadako ang aking tingin sa aking ama na tahimik akong pinagmamasdan.

"P-Papa, pasensya na po. K-Kinailangan ko yung gawin dahil gusto kong i-isalba ang buhay n-nyo." Nagsusumamong sambit kay Papa.

Pagkatapos ma operahan si Papa ay agad nyang nalaman ang naging desisyon ko. Nagalit s'ya nang sobra at hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam nya sa'kin.

"N-Nandyan na yan, w-wala na akong magagawa. B-Basta mag-ingat ka, A-Anak." Nahihirapan nyang sagot sa'kin kaya mabilis ko s'yang niyakap pero naramdaman kong may nilagay syang bagay sa aking bulsa.

"W-Wag m-mong h-hayaang mawala yan s-sayo." Seryosong sambit sa'kin ni Papa.

Hanggang sa tuluyan na akong nakasakay sa limousine ay nanatili akong tahimik at pinapakiramdaman ang bagay na nasa bulsa ko.

Ilang oras din ang ginugol namin bago marating ang lugar na yun. Ang unang bumungad sa'kin ay ang napakalaking gate. Akala ko'y pagpasok namin ay agad ng bubungad ang mansyon pero nagkamali ako. Napakalayo pa nang mansyon mula sa Gate. Pansin ko ang napaka gandang garden na nakapalibot dito.

Ilang sandali pa ay huminto na rin ang Limousine at mabilis akong inalalayan ng mga men in black para makababa. Pero halos malula ako dahil sa sobrang laki nang mansiyon na 'to. Hanggang sa mapadako ang aking tingin sa nakabukas na bintana sa pinaka taas. Animo'y may tao run dahil ramdam ko ang mga matang pinagmamasdan ako ngayon. Ngunit agad naputol ang pagkakatingin ko dahil kay Secretary Sadie.

"Kumpleto na ang iyong mga gamit sa loob at sundin mo lamang 'tong mapa para mapuntahan yung room mo. Wag na wag kang pupunta sa mga kwartong naka ekis dito sa mapa at lalong lalo na 'tong basement, kung ayaw mong mapagalitan ka ni Master." Mahabang sambit nya sa'kin gamit ang walang ganang boses.

Tanging tango na lamang ang tinugon ko bago makapasok sa loob. Pero bago tuluyang makapasok ay binalikan kong tignan ang bintanang nakabukas kanina pero laking gulat ko nang nakasara na 'to. Hindi ko mapigilang kabahan at mapaisip kung paano yun nagsara? Hindi kaya may ibang tao dito? Wait, what if sya yung taong nagngangalang SC?

"Secretary Sadie, may ibang tao pa ba dito?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Agad napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.

"Wala, bakit?" Maikling tugon nya.

"M-May napansin k-kasi akong t-taong s-sumisilip sa b-bintana kanina." Nahihiyang sagot ko dito pero isang tawa ang kanyang tinugon sa'kin.

"A-Anong n-nakakatawa s-sa s-sinabi ko?" Naguguluhan kong tanong at mabilis 'tong ngumisi.

"Dumating na sya, bumalik na si SC." Makahulugang sagot nya at pinapakiramdaman ang paligid. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa binitawan nyang salita.

"S-Sinong SC? Sino yung d-dumating at b-bumalik?" Pandaragdag kong tanong. Pero halos magulat ako nang marinig kung sino yun, kung ano ang ibig sabihin ng dalawang letrang yun.

"YES, SEBASTIAN CAMERO IS NOW HERE, THE ONE WHO BOUGHT YOU."
"
Pagkasambit nya yun ay agad kaming nakarinig ng malakas na kalabog galing sa taas kaya halos ma estatwa ako sa aking kinatatayuan ngayon.

Gosh! Nandito na ba talaga sya? Anong gagawin ko? I'm doomed!



________

[ A/N: Halos lahat ng ginamit kong name ng character ay pangalan ng mga ka-hood ko dati. Kung mababasa nyo man 'to dito sa watty, hi sa mga cameroars dyan haha. ]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon