[ KABANATA 28 ]"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit Luke?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya.
Wala akong makuhang kasagutan mula sa kanyang ginagawa, masyadong imposible ang mabuting hangarin nito sa'kin. Kailan lamang nung gabing sinalakay nila kami at lalo na sa parteng pinagtangkaan nya nang masama ang aking buhay. Doon pa lamang ay kitang kita na ang galit nya sa'kin, sa'min.
Isa lamang ang nasisiguro ko ngayon, isang patibong lamang 'to ni Luke.
"Just do what I've said, Ariel. Please, trust me.." nagsusumamong sambit nya sa'kin bago marinig ang sunod-sunod na ingay galing kung saan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi nya.
Mabilis akong tumakbo mula sa mga kakahuyan. Hindi ko man alam ang dinadaanan ko ngayon pero umaasa ako na sana makita ko ang palasyo, lalong lalo na ang taong gustong sumagip sa'kin sa sitwasyong 'to.
Ilang sandali pang pagtakbo ay muli kong natanaw ang palasyo, mas nabuhayan nang loob ang aking sarili na makakaligtas sa kanila. Tiyak na pagdating ko dun ay may tutulong na sa'kin kung sakali mang makita nila ako.
Ngunit hindi pa ako nakakapasok ng may mabilis na mga kamay ang humila sa'kin para itago sa mga halaman. Sinubukan kong pumiglas ngunit sadyang malakas ngunit natahimik ako sa sumunod nyang salita.
"Tumahimik ka kung ayaw mong mahuli nila tayong dalawa," mataray nitong bulong sa aking tenga.
Nakaramdam man ng kaunting inis ay minaigi ko paring sundin sya dahil iyon naman ang nararapat. Ilang sandaling lumipas ay hindi nga ako nagkamali sa sumunod na nakita.
Unti-unting nagsidatingan ang ibang Etsai Iluna pati na rin ang tatlong lalaking kay pamilyar sa'kin.
"Hindi na tayo pwedeng pumasok dyan, Leighton." Hinihingal na sambit ng isang lalaking nakasuot ngayon ng denim pants at plain black T-shirt. Kung hindi ako nagkakamali ay sya si Luther Willgor.
"Tsk. Naaamoy ko parin sya Luther. Alam kong dito nila dinala ang babaeng yun," inis na sagot naman ni Leighton.
"Alam kong hindi pa sya nakakalayo dahil sa mabangong amoy nyang nagkalat pa," pursigidong pandaragdag pa nya.
"Baka isa lamang 'tong Dampyr na Lecitel?" Pagsingit naman ni Luke sa usapan. Imbes na sang-ayonan ay sinamahan lamang sya nang tingin ni Leighton.
"Hindi mo ba sya nakita, Luke? Hindi ako maaaring magkamali na dumaan sya sa kinalalagyan mo kanina dahil may naiwang bakas pa ang babaeng yun." Seryosong sambit pa ni Leighton na syang nagpatahimik sa lahat.
Isang tikhim lamang ang ginawa ni Luke bago magbitaw ng salita ulit.
"Hindi ko sya nakita, Leighton. Kung napadaan man sya sa bandang dun ay tiyak na wala tayo ngayon dito, nagpapakahirap na hanapin ang babaeng yun," seryosong sagot pa nya.
Pero mukhang hindi 'to kumbinsido dahil sa nanlilisik nitong tingin na pinako kay Luke.
"H'wag kang magtatangkang pagtaksilan kami, Luke. Siguraduhin mo lang ang bawat galaw mo dahil matutunugan rin kita." Pagbabanta ni Leighton sa kanya bago tuluyan silang awatin ni luther.
"Tama na yan, kailangan na nating bumalik sa pangkat dahil tiyak na hinahanap na tayo." Utos ni Luther bago sila unti-unting nagsialisan.
Hanggang sa mawala sila sa harapan ay hindi parin nawala ang kaba at takot na aking nararamdaman. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon, muntikan pa akong mapahamak dahil sa mga k*tangahan kong ginawa. Tanging paghilamos na lamang sa mukha ang nagawa.
"Anong ginagawa mo sa labas ng palasyo?" Diretsong tanong nya sa'kin habang naka crossed arms pa.
Tsk! Hindi parin talaga sya nagbabago. Kahit na niligtas nya ako kanina ay hindi ko parin kayang pakisamahan ang ugaling mayroon sya.
"Namali lamang ako sa daan kanina, salamat sa pagligtas." Pasasalamat kong sambit dahil utang ko ang kaligtasan ko sa kanya.
"Yeah, thanks with me. Kung wala ako kanina ay panigiradong nahuli ka nang mga yun," mahangin pang pag sang-ayon sa'kin.
Kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa kanyang inakto.
"Pumasok na tayong muli dahil baka bumalik pa ang mga yun." Diretsong utos nya sa'kin bago naunang maglakad.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko mapigilang mapangiti at sambitin ang pangalan nya.
"E-Ella," tawag sa kanya. At mabilis nya akong tinignan ulit bago ngumiti ng kay lapad.
"You're welcome as long as you're the most important person to my.. Brother Baste" Nakangising sambit nito sa'kin.
"B-Brother?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya.
"Yes, you heard it right. You want to know why?"
_____________
[ A/n: 🙈 ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampirosAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...