KABANATA 8

628 21 1
                                    

[ KABANATA 8 ]



Unti-unting nagbago ang kanyang pigura mula sa matandang babae kanina hanggang sa gumanda 'to.

"Don't worry, I'm just testing her." Nakangising sagot nya kay Sevi. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa aking narinig. Akala ko kung sino na sya, sya pala ang reyna?

"Tsk! Can you leave us alone for a while?" Seryosong sambit naman ni Sevi sa kanyang ina.

"You're so sensitive my son. Wala akong gagawing masama sa kanya," makahulugang pag-angal nito at mabilis naman syang sinagot ni Sevi.

"If you don't want to get out, then we will do it for you. And more, never call me as your son because you're just my Step-mother."

Walang pasubalit na sagot ni Sevi sa kanyang ina, I mean step-mother? Kung gayon, nasaan ang tunay nyang ina?

Hindi ko na nagawang umangal pa dahil mabilis nya akong hinila papunta kung saan. Hanggang sa namalayan ang aking sarili na nakarating na sa dining are.

"Take a seat and eat your breakfast, beside me." Naka- crossed arms nitong utos sa'kin.

Ang aking tingin ay napadako sa mesa. Ako'y agad nagutom dahil sa daming pagkaing nakahain ngayon sa aking harapan. Mabilis akong kumuha nang pagkain ngunit hindi maiwasang mapatigil ng mapagtantong pinapanood nya lamang ako.

"H-Hindi ka ba kakain?" Nahihiyang tanong sa kanya.

Sa tinanong kong yun ay agad nakakuha ng matalim na irap mula sa kanya. May masama ba sa tinanong ko?

"I'm a VAMPIRE, remember?" Masungit nitong sagot.

Mas lalo akong napayuko dahil sa sinabi nya.

'Napakab*ba mo talaga Arielene!'

Wala kaming naging imik hanggang sa matapos akong kumain. Medyo naiilang man dahil sa kanyang ginawang pagtitig ay hindi ako tumigil na kumain. Animo'y isang linggo akong hindi nakakain dahil sa dami nang kinain ko.

"I need to finish something. And Leylan is here for you. She's a dhampir, half human and vampire. S'ya ang makakasama mo sa araw na 'to." Walang ekspresyong sambit ni Sevi sa'kin habang kaharap ko ngayon ang isang napakagandang babae.

Napaka amo nang kanyang mukha at halatang makulit. Mukha naman syang mabait. Pero ang tanong, saan kaya sya pupunta?

"K-Kailan ka babalik?" Wala sa sariling naitanong.

Sa tinanong kong yun ay mabilis na umukit ang ngisi sa kanyang mga labi. Agad ko syang sinamahan ng tingin dahil sa ginawa nya. Tiyak na iba na naman ang nasa isip nito!

"Don't worry, I will be back for you." Nakakapanlokong sambit nya bago iwanan akong tulala.

Papaluin ko pa sana sya sa kanyang braso ay hindi ko na nagawa dahil mabilis syang naglaho sa aking paningin. At naiwan kaming dalawa ni Leylan dito.

"Halika, tayo na!" Hyper nitong paganyaya sa'kin. Medyo naguluhan ako sa kanyang sinambit ngunit kalauna'y nagpatinaod na lamang ako sa hawak nya.

Una kaming pumunta sa garden para samahan syang pumitas ng mga bulaklak. Pagkatapos nun ay lumabas kami sa palasyo at tinahak ang daan patungo sa plaza. Medyo dapit hapon narin kaya maraming mga bampira ang nagsisilabasan na. Ang ibang mga bata ay masayang naglalaro sa parke. Animo'y normal lamang sila.

Agad ko tuloy naalala ang kapatid ko at si tatay. Kamusta na kaya sila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Kumain na kaya sila? Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot ngunit naputol yun dahil nagsalita si Leylan.

"Mahal na Prinsesa, maaari ko bang maiwan kita saglit dahil may pupuntahan lamang ako sa bandun dun? Panoorin mo muna ang mga batang bampira dito." Nakangiting pamamaalam ni Leylan sa'kin habang hawak-hawak ang mga rosas na pinitas namin.

"Ibibigay mo na ba kay Igarlea ang mga rosas na yan?" Tanong ko sa kanya at isang tango ang nakuha kong tugon.

Pagkatapos nun ay pinayagan ko na sya dahil kailangan nyang ibigay yun kay Igarlea, na isang bampirang manghuhula.

Habang hinihintay sya ay naglibot-libot muna ako sa buong parke at nakakita ng isang larong tiyak na pagkaka-abalahan ko.

Agad kong pinakiramdaman ang aking bulsa, at nakita roon ang sampong piso. Dalawang try lang 'to kaya gagalingan ko para makuha yung kyut na blue teddy bear, na nasa loob ng capsule na 'to.

Ngunit nabigo ako dahil naubos na ang dalawang piso ay hindi ko parin 'to nakukuha. Hindi ko maiwasang mapasimangot, gustong gusto ko talagang makuha yun!

Ilang sandali ay may tumabi sa aking lalaki saka naghulog ng limang piso. At walang mintis nyang nakuha ang teddy bear na gusto.

"Wow, ang galing," Hindi ko mapigilang mapamangha dahil sa ginawa nya.

"It's so easy to get it, to catch you." Nakangising baling nito at bumungad sa'kin ang mukha ng isang lalaking mayroong ubod na kagwapohan rin.

"A-Anong sinabi mo?" Gulat na gulat kong tanong.

Imbes na sagutin ako ay iniabot nya lamang sa'kin ang teddy bear bago sambitin ang mga katagang yun.

"This is my welcome gift for you, Human." Nakangising sambit nya. Hindi ko na sya nagawang tanungin dahil mabilis 'tong nawala sa aking paningin.

Hanggang sa dumating na rin si Leylan ay gulong gulo parin ako. Sino sya? Paano nya nalaman na hindi ako isang bampira?


__________

( A/n: abangan! Marami pang character kayong makikilala. Sana po magustuhan nyo! )

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon