[ KABANATA 30 ]"Ate kanina nananaginip ka.." nag-aalalang sambit nya sa'kin.
Hindi ko maiwasang hawakan ang aking puso dahil sa paninikip nito. Animo'y mayroong tumutusok na matalim na bagay mula rito. Ramdam ko rin ang matinding paghingal. Akala mo'y tumakbo ako nang isang kilometro.
Ilang sandali ay agad naman akong dinalhan ni Jed ng isang basong tubig. At agad ko yung ininum upang maibsan ang aking paghihingal.
"A-Anong nangyayari sayo, Ate? A-Ayus ka lang ba?" Natatarantang tanong nya pa.
Hindi ko sya agad nasagot dahil tanging pagpikit lamang ang aking ginawa. Nagbabakasakali na kapag ginawa ko yun ay maiibsan ang kabang nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi parin humuhupa ang kakaibang nararamdaman, animo'y natutuliro at hindi makapag isip ng maayus. Hanggang sa tanging pagyuko't pagiyak na lamang ang nagawa.
"A-Ayus lang si Ate, Jed. B-Bumalik ka nasa higaan mo." Nahihirapan kong utos sa aking kapatid.
Patuloy paring nakasubsub sa unan ang mukha at ganun rin ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Bakit ako nagkakaganito? Animo'y may masamang mangyayari? At kailangan ko yung pigilan..
Ilang sandali ay naramdaman ko ang isang yakap mula kay Jed.
"J-Jed, m-matulog ka na." Nanghihinang utos sa kanya.
Pero imbes na sundin ako ay mas lalo lamang nya akong niyakap, isang kakaibang yakap mula sa taong 'to..
"J-Jed," pagtawag sa pangalan ng kapatid ko saka hinawakan ang kanyang kamay.
Ngunit tanging malamig na kamay ang aking naramdaman. Sa simpleng yakap pa lamang na 'to ay alam ko nang hindi ang kapatid ko ang yumayakap sa'kin ngayon!
Medyo nagulat man ngunit hindi ko maiwasang mapangiti at magpatinaod na lamang sa kanyang masarap na yakap. Tunay na nakakawala 'to ng matinding kaba at takot. Kasabay nun ay naramdaman pa ang pagsuklay nito sa aking buhok, hindi ko tuloy maiwasang yakapin rin sya nang mahigpit at isubsub ang mukha sa kanyang malapad na dibdib habang umiiyak.
"S-Sebastian.." tawag ko sa pangalan nya.
"Nandito lang ako sa tabi mo, Ariel.." mahinahong sagot nya sa'kin.
Nang marinig ang kanyang boses ay mas lalong gumaan ang aking pakiramdam.
"K-Kanina pa kita hinahanap, b-bakit ngayon ka lang.." parang bata kong panunumbat sa kanya pero imbes na matinag ay tanging pagtawa lamang ang narinig.
"Kita mo oh, inaaway mo pa ako." Nakasimangot kong sambit pa saka humiwalay sa kanyang yakap.
Oo, kanina ko pa sya hinahanap pero wala akong nakitang Sebastian ng buong maghapon. Hindi ko tuloy mapigilang magtampo sa kanya.
Akala ko'y susuyuin nya ako pero hindi, tanging pagtitig lamang ang kanyang ginawa. Kaya automatikong napataas ang aking kilay.
"Tsk. Hindi ka man lang magsosorry? Baka na enjoy mong makasama yung Ex mo na yun, yung Yazm—" hindi ko na natuloy dahil mabilis kong naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi mula sa'kin.
Kung kanina ay nabalutan ng takot at kaba ang buo kong pagkatao pero ngayon napalitan yun ng matinding pagtibok ng aking puso dahil sa sobrang kilig at saya. Hindi ko mapigilang tugunin ang bawat halik na binigay nya sa'kin. Animo'y may mga paro-parong lumilipad sa aking tiyan. Hanggang sa kusa kaming napabitaw sa isa't isa. Abot hininga kaming dalawa..
"Damn! I love you so much, Ariel. Ang iyong mga halik ay parang gayuma, unti-unti akong nahihibang. Ang iyong presensya ay parang buhay ko na, hindi magiging kompleto ang araw ko kung hindi kita nakikita.." hinihingal nitong sambit sa'kin.
"So please, don't be jealous because you're the only one I love. I can do everything for you, even I sacrifice my own life.."
__________
[ A/n: keleg ke nemen hahaha]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...