[ KABANATA 23 ]
"We're here already!"
Excited na sambit ni Yushiro habang nakaakbay kay Yoshiya na ngayon ay nanatiling walang ekspresyon.
Silang dalawa lamang na magkapatid ang tanging nakilala ko na napakalayo ang ugali sa isa't isa. Si Yushiro ay lubos na masayahin habang si Yoshiya naman, animo'y binagsakan ng langit at lupa. Ultimo pagtawa o ngiti ay hindi nya magawa.
"A-Ate, n-nasaan t-tayo?" Natatakot paring tanong sa'kin ni Jed habang nakasabit sa aking braso.
Binigyan ko lamang sya nang isang matamis na ngiti upang maging panatag sya.
"Hindi ko alam kung nasan tayo ngayon pero wag kang mag-alala dahil mababait naman sila," nakangiting sagot ko saka niyakap sya.
Ilang sandaling paglalakad ay napahinto kami dahil sa tingin ko ay nakarating na kami sa aming tutuluyan. Nandito sa harapan namin ang limang kubo na maliliit ngunit alam kong pwedeng maging tirahan yun ng pansamantala.
"Are you really sure about this, Sevi?" Diretsong tanong ni Syne kay Sebastian habang tahimik 'tong pinagmamasdan ang tahimik na lugar na 'to.
"Yes, this is the safest place to go." Seryosong sagot naman nya bago ituon muli ang tingin sa kubong nakatirik ngayon sa gitna nang gubat.
"Lecitel Clan?" Pagsingit naman ni Syxtro na halatang naguguluhan parin.
Pagkasambit nya yun ay agad kong naalala ang clan na yun, nasambit yun dati nang reyna sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga bampirang kayang magpagaling o manggamot.
"Yes, pansamantala ay dito muna mananatili sina Ariel." Malamig na sagot nito saka nakita ang kauting sulyap nito sa'kin.
Ilang sandali pa ay sumalubong saamin ang tatlong babae na nakasuot ng magkakaibang kulay. Ang isa ay nakasuot ng pula na mayroong maayus na tingin, habang ang panglawa naman ay nakasuot ng dilaw na ngayon ay ngiting ngiti.
Samantalang ang panghuli ay nakasuot ng itim, sya ay mayroong seryosong tingin. Animo'y mga monghe ang kanilang itsura. Medyo may katandaan man ngunit hindi parin mawawala ang gandang dala nila.
"Maligayang pagdating, mahal na Prinsipe ng Camero's Clan. Masaya ang buong Lecitel sa pagdating nyong lahat." Nakangiting bati ng nakadilaw.
"Handa na ang inyong palalagian," mahinahong sambit naman ng nakapula.
"Ang mga nasugatan ay sumama sa'kin mamaya," walang gana nitong sambit sa lahat.
Pansin ko na medyo magkakamukha silang tatlo, hindi kaya..
"Maraming salamat Tres de Lecitel sa pahintulot na dumito muna kami," Diretsong sambit ni Sebastian bago yumuko para magbigay pugay rin saka hinalikan ang bawat kamay nila.
"Hindi namin kayang tanggihan kayo mahal na Prinsipe dahil utang namin sa inyo ang tahimik at ligtas na lugar namin ng dahil sainyo," walang pasubalit na sambit ng nakapula.
Pagkatapos nun ay hindi ko inaasahan ang pagtuon ng atensyon nila sa'kin, lalo na ang babaeng nakasuot ngayon ng itim.
"Sya na ba ang Ramalan (a malay word of prophecy)?"seryosong tanong ng babaeng nakaitim sa'kin.
"Sya na nga," mabilis na sagot ni Sebastian. Matapos nun ay mabilis silang lumapit sa'kin at hawakan ang aking kamay.
"Ang iyong puso ay nababalutan ngayon ng kasiyahan at pagmamahal," nakangiting sambit ng nakadilaw sa'kin ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang pagkailang at pilit.
"Matatag ang iyong kalooban.." tanging nasambit naman ng nakapula bago magbitaw ng nakakagulat na kataga ang babaeng nakaitim.
"Pero lahat yun ay mababago.."
Nagsusumamong sambit nya saka napayuko at napahagulgol sa harapan ko. Kaya mabilis ko syang inalalayan sa pagkakaupo pero nagulat ako sa biglaan nyang paghaplos sa aking pisnge.
"Someone will sacrifice her/his life to save you, and that person may die," huling sambit nya bago sya mahimatay sa harapan ko.
At hindi sinasadyang maituon ang paningin sa kanya, kay Sebastian Camero na ngayon ay diretsong nakatingin sa'kin.
.
.
.
"I will not let that happen."
____________
[ A/n: what will happen next? Sino ang magsasakripisyo sa tingin nyo? ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...